FEBRUARY 16, 2009
"WOAH!" excited na komento ni Today nang makitang nag-reply ni Someday sa text niya rito kahapon. "She finally replied to my text!"
"Good for you," sabay pero halatang walang pakialam na sagot nina Eros at Zeno na ka-share niya sa mesang iyon sa fast food chain na iyon dahil parehong busy sa pagkain ng kanya-kanyang hamburger ang mga ito. Libre kasi siya 'yon kaya siguro mas na-enjoy ng mga kaibigan niya.
Meron din siyang hawak na burger na kinakain niya habang binabasa ang palitan nila ng text message ni Someday. Well, mukha iyong one-sided conversation kung hindi dahil sa reply nito.
Today: Hi, Someday. This is Today. I got your # from Eros. I thought I should explain what happened the other night so could we meet up tomorrow?
Today: Hello, Someday. Where are you? Tapos na ba ang class mo? Can we meet?
Today: Someday, I'm hanging out w/ my friends near school. Where are you?
Hindi niya nakita si Someday sa school kanina at hindi naman ito nag-re-reply sa mga text niya. Nahihiya naman siyang tawagan ito kaya inaya na lang niya sina Eros at Zeno sa fast food chain na malapit sa St. Patrick High para kung sakaling mag-reply ang babae, mapuntahan agad niya ito. Ah, hindi pumasok si Nana dahil kailangan pa nitong magpahinga.
Someday: Hi. Sorry, wala na ko sa school.
"Boo," naka-pout na reklamo niya. "Wala na raw siya sa school."
Mag-ta-type sana siya ng reply pero nag-send uli ng text ang babae.
Someday: I'm at Nana Matsunaga's house.
"What?!" hindi makapaniwalang tanong niya, saka niya hinampas ang kamay sa mesa.
"Hey, tone it down," saway sa kanya ni Eros. "You're being loud."
Nag-angat siya ng tingin sa mga kaibigan. "Nana is making a move on Someday."
Biglang nasamid si Zeno kaya inabutan ito ni Eros ng softdrinks. Uminom muna ang pinsan niya bago nagsalita. "What do you mean by that, Today? Nana is boyish but she's straight, okay?"
"I know," mabilis na pagsang-ayon naman niya. "Sorry, wrong choice of words. Nagulat lang kasi ako sa text ni Someday." Hinarap niya ang phone niya sa mga ito. "Look."
"Bakit naman nasa bahay nina Nana si Someday?" kunot-noong tanong ni Zeno. "Weird."
"Ah!" komento naman ni Eros na pinagdikit pa ang mga palad. "Right. Nana asked for Someday's phone number last night. Tinanong ko siya kung para saan pero "secret" daw, eh."
Sumimangot siya. "Bakit naman gagawin 'yon ni Nana?"
"Relax, cousin," sabi naman ni Zeno. "For sure, wala namang masamang plano si Nana."
"I know that. But I'm jealous."
"Jealous?" sabay na tanong ng mga lalaki.
"Inunahan ako ni Nana sa pag-invite kay Someday sa bahay," naka-pout na reklamo niya. "Mas mabilis kumilos si Nana kesa sa'kin."
"Stop sulking," sabay uli na saway sa kanya ng mga kaibigan.
"I'm not sulking," reklamo naman niya, saka siya tumayo bitbit ang backpack niya. "Let's go to Nana's house. I wanna see Someday."
Paglabas nila ng fast food chain, sumakay sila sa kotse na sundo nila ni Zeno, saka nila sinabihan ang driver na pumunta sa bahay ni Nana. Na well, kapit-bahay lang naman nila. Nakakagulat pero si Keita ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Nasa university daw si Daichi at rest day naman daw nito kaya ito daw mismo ang nag-be-"babysit" sa "imouto" nito.

YOU ARE READING
Let's Date
RomanceHi. I'm Today. And this is the story of how I lost all the girls I've loved before.