08

692 27 2
                                    

KNOWING EACH OTHER

Christine's POV

Hays ano bang susuotin ko?


Ngayon kasi ang DATE kuno namin. Wala naman akong magagawa eh. Hindi ko ugali ang tumanggap ng pera ng oba kapag hindi ko pinaghihirapan kahot sa bestfriend ko pa.

In the end. Highwaist short na pinarisan ng crop top tsaka cap na under armor with white rubber shoes at tsaka maliit na pouch ang sinuot ko.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko agad si Tristan sa labas ng gate naka-sandal sa ferrari niya. Nang makita niya ako para siyang nakakita ng multo.

"What?"sabi ko sa kanya para kasing may problema eh.

"W-wala. Let's go?" Sabi niya sa akin

Sasakay na sana ako sa backseat pero hinigit niya ako sa passenger seat. Hindi nalang ako umangal baka magbago pa ang isip nito at hindi ako swelduhan.

Tahimik lang kami mula kanina pagsundo sa akin.

"So. How old are you?" Pagbabasag niya sa katahimikan.

"Uhm. 19 yrs. old. " sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin.

"Anong trabaho ng mga magulang mo?"

"Si tatay mechanico, si nanay wala, nasa bahay lang kasi may sakit. "

"Eh paano ka nakapasok sa N.U. ?" -siya

"Scholar ako. Tsaka hindi naman ako nanghihingi ng pera sa kanila kasi may part time job ako."

"Ahh saan ka nga pala nag-tatrabaho?"- siya

"Kapag school days pagkatapos ng klase sa isang gasoline station malapit sa school ako  nagtatrabaho bilang kahera at kapag sabado naman sa isang cafe malapit din sa---" napatigil ako parang may mali eh.

Bakit niya ba ako tinatanong ?

"Ba't ka tumigil?"tanong niya.

"Wala lang. Nagtataka lang ako ba't mo ba ako tinatanong? Kanina din ako sagot ng sagot ?"

"Masama bang kilalanin ang date ko?"

Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Kinareer niya talaga noh? Di ba pwedeng trabaho ko lang toh?

Ay kadiri para akong prostitute kapag sinabi ko yun.

"Ahh. okay para fair magtanong ka rin sa akin about sa personal life ko pero may kapalit..."

"Ano?"-

"Kada tatlong tanong isang date ang kapalit."

"ANO?! Paano kung ayaw ko?"

"Then face the consequences. I won't gave you your salary for today's date."

Agad nanlaki ang mga mata ko.

"Okay..."

Haist. Ewan ko kung anong masamang espirito ang sumanib sa lalaking ito. Ay mali palagi talaga siyang nasasaniban ng masamang espirito sa sama ng ugali niya. 

Ewa ko rin at may pa #KnowingEachOther pang nalaman.

_______________

Valiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1)Where stories live. Discover now