22

404 17 0
                                    

APOLOGY FROM HIM

Christine's POV

"Jason..." yan na lang ang naibulong ko.

Maya-maya pa naramdaman ko na lang napatumba niya yung mga lalaking impaktong nakapaligid sa akin kanina.

Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang yinakap dahil na rin siguro sa takot ko.

Pano na lang kaya kung hindi siya dumating?

Mark... kung kailan kailangan na kailangan kita diyan ka pa hindi dumating.

"Sshhh... Marie tahan na. Nandito lang ako." Sabi niya habang hinihimas yung likod ko para tumahan.

Pero ewan ko ba... hindi ko mapigilang umiyak. Hindi naman ako naiiyak dahil natatakot akong mamatay eh. Hindi ako takot mamatay para sa sarili ko, natatakot ako dahil kapag nawala ako... sino na mag-aalaga sa mga magulang ko? At the same time galit ako, galit ako kasi kung kailan kailangan ko siya, dun pa siya nawala.

"Tahan na." Sabi pa nito pero hindi nagpatinag ang mga luha ko sa katutulo.

"Ano bang nangyari?"seryosong tanong niya sakin.

Pero umiling ako. Kahit naman niligtas niya ko hindi ko pa nakakalimutan yung attaso niya sa akin.

Napayuko siya nahalata niya siguro na nawalan nako ng tiwala sa kanya.

He sighed heavily. "Okay, I understand." Sabi niya sabay tayo.

"Hindi naman sa--"

"No. I understand." He said and smile bitterly.

I feel guilt.

"So... tara?' Yaya niya sakin.

"Saan?" Sabi ko.

"Basta." Sabi niya sabay hila sakin sa kung saan.

Patuloy pa rin ang pag-hila niya sakin hanggang sa mapagtanto ko na sa isang convinience store kami.

"Dalawang ube flavored corneto ate." Dinig kong sabi ni Jason.

Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa nakakalimutan ang paborito namin dalawa.

Binayaran niya yung tindera at pumunta kami sa labas.

Nasa gilid lang ng kalsada tung store.

Kain lang ako ng kain ng maramdaman kong nakatingin sa akin si Jason kaya napatingin ako sa kanya.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "I'm sorry..." Sabi niya.

"Okay lang. Pero hindi inig sabihin nun na okay lang sa akin na halikan mo ko. Alam ko namang nadala ka lang ng emosyon." Sabi ko.

He smiled. "Salamat." Sabi niya at niyakap ako na naikagulat ko pero niyakap ko na rin siya pabalik. Na miss ko ang bestfriend ko.

"Tara? Hatid na kita?" Sabi niya at tumayo.

Nakarating kami sa bahay ng walang imikan.

Pagkababa ko we bid goodbye at umalis na rin siya agad.

Haaayyyy... pano kaya kung hindi siya dumating?
At naalala ko na naman si Mark.

_____

Valiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon