27

412 16 1
                                    

WHAT ARE FRIENDS FOR?


Christine's POV

Mamayang gabi na...

Mamayang gabi na ang engagement party nila Mark. Invited daw lahat pero ayaw kung pumunta. Sino namang matinong babae ang pupunta sa engaement party ng taong pinaasa siya, aber?

Simula nung huling encounter ko kay Mark, yung pag-sambunot sa akin ni Ella. Iniiwasan ko na siya. Hindi ko hinahayaang mag-kita kami o kahit man lang magkasalubong kami. Hindi na nga rin akong masyadong nakikipag-usap kila Stacy at Jason, kasi gusto kong mapag-isa. Nagi-guilty nga ako eh.

Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko, alas diyes na pala na ng umaga at wala akong planong bumangon.

Matutulog na lang ako buong araw at malay natin pag-gising ko nawala na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pipikit na sana ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto at inuluwa nito si nanay.Agad akong bumangon at ngumiti sa kanya. Umupo siya sa kama ko.

"Nak... hindi ka pa ba kakain?" Tanong niya sa akin.

"Mamaya na po..." sabi ko sa kanya at ngumiti ng pilit.

"O siya... sige mukhang wala naman akong magagawa. Ay siya nga pala may mga bisita ka sa baba... si Stacy daw at yung gwapong lalaki." Sabi niya na naikagulat ko.

"Paakyatin niyo na lang ho siya nay." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at lumabas sa kwarto ko.

Maya-maya pa bumukas ang pinto at inuluwa nito si Stacy at Jason. Agad akong humiga at nagtaklob ng kumot.

Ayaw ko muna silang makita, gusto ko munang mapag-isa.

"Tin... siguro naman tapos kana sa 'MAPAG-ISA, MAPAG-ISA' mode mo noh? Eh halos ikamatay na namin ang nakikita kang miserable. Kaya tumayo ka diyan o kami kami ang mapag-papatayo sayo, at kapag pinili mong kami magpapatayo sayo sisiguraduhin kong pagsisisihan mo." Seryosong sabi niya kaya napabangon ako bigla.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Jason sa likod ni Stacy. Psh. Pinagtitripan siguro ako ng mga toh.

"Good. So get you ass out of that bed and prepare." Seryosong sabi niya na nagpataka sa akin.

"Even Tristan is my cousin, I don't considered his stupidity...."seryosong sabi niya.

Umopo siya sa tabi ko at hinaplos.

"Huwag mong pag-aksayahan ng luha ang lalaking nang-GAGO sayo." Sabi niya.

Hindi ko napigilan ang pag-tawa dahil sa pagdiin niya sa word na GAGO. Pero agad namang nawala yun kasi naalala ko na naman siya.

"Prepare? Haha... ako mag-peprepare? Para saan? Sa engagement party nila?" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.

Niyakap niya ko.

"Oo para sa engagement party nila. Para maipakita mo na kahit anong sakit, babangon at babangon ka." Sabi niya sa akin.

Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako sa mga mata ko.

"Suamama ka sa akin... may pupuntahan tayo." Sabi niya sabay hila sa akin.

I smiled.

"Thank you... thank you sa inyo..." sabi ko.

"Psh. Ka-OA-han mo. Pero Tin tandaan mo nandito lang kami para sayo... Haha... ika nga nila 'What are friends for?' Haha..." sabi niya at niyakap ako muli.

Oo nga... What are friends for?

Pero sana nga kayanin ko Mark.... kayanin ko na makitang ikasal ka sa iba...

_______


Valiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1)Where stories live. Discover now