CHAPTER 2

232K 6.6K 802
                                    

CHAPTER 2

NAKAUPO si Sarah sa visitor’s chair sa loob ng opisina ni Hugh, ang Director ng Interpol at hinihintay ang partner daw niya sa hahawakang kaso. Hindi niya alam kung late ito o talagang maaga lang siyang dumating.

“Magtatagal pa ba siya?” Tanong niya sa Director. “I have to autopsy the body you found yesterday.”

Tumingin ito sa relong pambisig. “Hindi pa naman siya late, medyo napaaga kalang ng kaunti. Hintayin nalang natin siya.”

Huminga siya ng malalim. “Okay, I will.”         

Pagkaraan ng ilang minuto, bumukas ang pintuan ng opisina ng Director at pumasok ang isang lalaki na kilalang-kilala niya. Paano naman niya ito makakalimutan? Ito ang lalaking binuhusan niya ng tubig sa maling akala at pinagbantaan siya.

Don’t tell me…

“Ikaw?” Hindi makapaniwalang turo niya sa lalaki sabay tayo mula sa kinauupuan.

“Ikaw din?” Hindi maipinta ang itsura nito habang nakatingin sa kanya.

“Oo ako nga.” Nakapamaywang na sabi niya. “Anong ginagawa mo rito?”

“Ikaw, anong ginagawa mo rito?”

“I’m here for a very important meeting.” Aniya.

He rolled his eyes at her. “Important? Para sa isang babaeng bigla-bigla nalang akong binuhusan ng tubig, that’s a big word.”

“Iniinsulto mo ba ako?” Dinuro niya ito. “Hoy lalaki, kung sino ka man, mali man ako ng akala pero hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon. Bagay lang iyon sa mga pangit ang ugaling katulad mo.”

“Pangit ang ugaling katulad ko? Miss, you don’t know me.”

Akmang sasagot siya ng tumikhim si Sir Hugh. Nagkatinginan sila ng lalaki at sabay na tumingin kay Sir Hugh.

 “Sarah Catli, I want you to met your partner, Shannon San Diego.” Wika ni Sir Hugh.

Napanganga siya sa sinabi ni Sir Hugh. What the hell is freaking going on? Sarah glared at Shannon who’s also glaring at her.

“Well, siguro naman alam niyo na kung bakit kayo narito.” Paliwanang ni Sir Hugh. “You are partnered to solve this mysterious serial killing. Sigurado ako na magkakasundo kayong dalawa kasi pareho kayong magaling sa trabaho.” Tumingin ito sa kanya. “Magaling si Mr. San Deigo at maasahan. Matalino rin siya kaya alam kong magkakasundo kayo. Sana ang nakita at narinig kung pagbabangayan ninyo kanina ay hindi na maulit.”

Napangiwi siya sa sinabi nito. Magkakasundo? Yeah, right.

HINDI makapaniwala si Shannon habang nakatingin sa babae na nasa harap niya. Hindi niya akalain na magkikita silang muli. Damn!

“Mr. San Diego. I want you to met, Sarah Catli.” Wika ng Interpol Director na kilala sa tawag na Sir Hugh. “She’s an FBI Profiler so treat her well. Okay?”

Napipilitang tumango siya. “Yeah, sure.”

Alangan namang maghurumintado siya. Ano naman ngayon kung FBI Profiler siya? Pakialam ko naman?

“Sige, umalis na kayo sa harapan ko at magtrabaho na. Sumakit ang ulo ko sa sagutan ninyo.”

“Yes, sir.” Sabay nilang sabi ni Sarah.

Sabay din silang naglakad ng babae palabas ng opisina ni Sir Hugh. Pagkalabas nila, masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Sarah.

He frowned at her glaring eyes. “What the hell did I do?”

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Where stories live. Discover now