CHAPTER 8

178K 5.7K 323
                                    

CHAPTER 8

NAGISING si Sarah ng maramdamang may marahang tumatampal sa pisngi niya. Hindi niya namalaya na nakatulog pala siya. When she opened her eyes, ang mukha kaagad ni Shannon ang nakita niya. His face was so close to hers that she can smell his minty breath. Her heart instantly hammered inside her chest.

“Nandito na tayo.” Anito.

“O-Okay.” Hinintay niyang dumistansiya ito sa kanya pero hindi ito gumalaw. “Well? Can you please move away? Hindi ako makagalaw.”

Hindi gumalaw si Shannon at patuloy lang na tinitigan siya. Naguumpisa na namang tumibok ng mabilis ang puso niya at naiinis siya. Heto na naman ang puso niya! Nakakainis na!

Tinulak niya ito sa dibdib palayo sa kanya pero hindi manlang ito natinag. “Please, Shannon! Lumayo ka nga sa’kin!”

Bahagyang lumaki ang mga mata nito na para bang may sinabi siyang nakakagulat.

“You called me by my name. Mukhang galit ka na nga.” Nginisihan siya nito at lumayo sa kanya.

Nakahinga siya ng maluwang ng lumayo ito. Medyo kumalma na rin ang puso niya sa wakas. Tumingin siya sa labas at nakita niya ang bahay na iimbistigahan nila. Kinuha niya ang baril sa compartment at ikinasa iyon. Bumaba siya nang sasakyan ng makitang bumaba si Shannon.

“Huwag kang hihiwalay sa’kin, kuting.” Wika ni Shannon at naglakad ito patungo sa bahay habang siya ay nasa likuran nito na para bang pino-protektahan siya nito.

Sarah rolled her eyes. “Whatever you say, bwesit.”

Nang pihitin ni Shannon ang door knob, nagkatinginan sila dahil hindi iyon naka-lock. Itinulak nang binata ang pintuan ng bahay at sabay silang pumasok.

“Hindi ba ni-lock ng Interpol ang bahay na ‘to?” Usisa niya sa binata habang ipinapalibot ang paningin sa kabuunan ng bahay. Malibas sa malinis na kapaligiran, wala namang nagbago sa loob ng bahay.

“Ang forensic team ang huling lumabas sa bahay na ‘to. Tatanungin natin sila pagbalik natin sa HQ.” Hinawakan ni Shannon ang kamay. “Kailangan kitang hawakan para hindi ako mag-alala sayo.”

May humaplos sa puso niya sa tinuran nito. Shannon and his sweetness. Urgh!

“I’ll be okay, bwesit. I can protect myself.” Sabi niya pero hindi niya inagaw ang kamay na hawak ni Shannon. Masarap kahawak kamay ang binata. It feels warm and amazing.

Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa kusina kung saan naroon ang nakita nila sa larawan na sa tingin nila ay pintuan patungong basement. Umuklo si Shannon habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya at kinapa nito ang sahig. May nakapa itong maliit na door handle.

Kunot ang nuong nagtaas ng tingin sa kanya ang binata. “Napaka-imposible talaga na hindi ito mapansin ng Forensic. This door is too visible.”

She nodded in agreement. “Oo nga. Bakit kaya wala ito sa report nila pero kinunan naman ng larawan? Nakapagtataka.”

Hinawakan ni Shannon ang door handle at binuksan iyon. Nagsitaasan ang mga balahibo niya ng makitang may hagdanan iyon pababa. Shannon stands up then looked at her.

“Mag-ingat ka, okay?” Anito at nauna itong bumaba sa hagdanan habang hawak pa rin ang kamay niya.

Hindi niya ito sinagot at sumunod dito pagbaba sa hagdan. Tumaas ang kilay niya ng makitang malaki at maliwanag ang basement. Mayroon itong malaking mesa sa gitna at napakalinis niyon. Sa likod niyon ay may tatlong malalaking freezer.

Kumawala si Sarah sa pagkakahawak ni Shannon at nilapitan niya ang Freezer. Bakit parang may masama siyang pakiramdam sa freezer na ‘to? Malakas ang pwersa na ibinigay niya pata mabuksan ang freezer at muntik na siyang mabuwal sa pagkakatayo ng makita ang lama niyon.

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant