CHAPTER 6

208K 5.9K 563
                                    

CHAPTER 6

HINDI maintindihan ni Sarah ang sarili habang nasa elevator patungo sa floor kung nasaan ang condo unit ni Shannon. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya samantalang trabaho naman ang pinunta niya rito. Dala-dala niya ang forensic report sa mga katawan na nakita nila sa barn house. Naisip niyang mas makabubuti kung pag-aaralan nila iyon sa condo ni Shannon at hindi sa bahay niya, kaya naman kinuha niya kay Director Hugh ang address ng binata.

Nang nasa labas na siya ng unit ni Shannon mas domoble pa ang kabang nararamdaman. Naiinis na kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya at marahang tinampal iyon.

“Tumahimik ka nga! Bakit ba ang ingay mo!” Naiinis na pagkausap niya sa dibdib na alam naman niyang hindi sasagot.

Kinalma niya ang sarili at pinindot ang door bell. Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang pintuan at iniluwa ang nakatapi lang na tuwalya na si Shannon.

Umawang ang labi niya ng makita ang matitipunong dibdib ni Shannon. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin bago pa nito mahalata na pinagnanasaan niya ito. My gash! Bakit naman kasi ang aga-aga nakahubad na ‘to?

“Magsuot ka nga ng damit.” Aniya at pumasok sa unit nito na para bang pag-aari niya iyon.

“Anong ginagawa mo rito sa condo ko?” Isinara nito ang pintuan at naglakad sinundan siya sa nagsisilbing sala ng condo nito.

Umupo siya sa pang-isahang sofa at nag-taas ng tingin sa binata. Nilaban niya ang sarili na hindi tumingin sa matitipunong dibdib nito.

“Bwesit…” Ipinakita niya ang apat na folder na hawak. “Ito ang report ng forensic department, kailangan nating pag-aralan ito at napagdesisyunan kong dito natin pag-aralan sa bahay mo.”

Inayos ni Shannon ang pagkakatapi ng tuwalya nito sa bewang. “Sure. Magbibihis lang ako.”

“Ay, kahit hindi.” Natutop niya ang bibig ng ma-realize kung anong sinabi niya. “Oh god! Sorry. Sige, magbihis ka na.” Namumulang pagtataboy niya sa binata.

Marahang tumawa si Shannon at umupo sa mahabang sofa na katabi lang ng inuupuan niya.

“Sure, hindi ako magbibihis.” Nakangising wika nito. “Ano ba ang report na iyan?”

“Sa ano…” Her eyes stared on his chest, then drop to his abdomen. Napakurap-kurap siya at nagtaas ng tingin sa mukha ni Shannon na nakangisi. Mukhang alam nito ang kahalayang tumatakbo sa isip niya. “Forensic report! Yun na nga yun!”

“Chill.” Shannon chuckled. “Okay, forensic report. And then?”

“It’s about the decaying bodies we found and…” Hindi na naman niya natapos ang sasabihin dahil naglakbay na naman ang mga mata niya patungo sa mga pandesal nito.

“Eyes up here, cutest kuting. I know my eight pack abs is breath taking pero puwede mamaya mo na ako pagnasaan? Trabaho muna tayo.”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran nito. Marahas niyang ipinilig ang ulo para magising ang mahalay niyang isip.

Tiningnan niya ng masama si Shannon. “Magbihis ka kasi!”

“So nadi-distract ka sa mala-diyos kong katawan?”

Kinuha niya ang throw pillow at malakas na binato iyon sa binata. “Maghunos dili kang bwesit ka! Anong mala-diyos na katawan? Mahiya ka nga!” Kinuha niya ang throw pillow na nasa isang sofa at ibinato pa iyon dito. “Magdamit ka nga!”

Tatawa-tawang sinasalag ni Shannon ang mga throw pillow na binabato niya rito. Mas nadadagdagan pa ang inis niya dahil sa tawa nito. Nang wala na siyang makitang throw pillow, bumalik siya sa sofa at umupo na parang walang nangyari.

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Where stories live. Discover now