CHAPTER 10

186K 5.1K 362
                                    

CHAPTER 10

SARAH wakes up on her bed the next morning. Her eyebrow knotted then it slowly disappeared when she remembered what happened last night. Nakatulog siya habang nakahilig sa balikat ni Shannon. He must have brought her to her room after she fell asleep.

 Malapad ang ngiti na bumangon siya sa kama at inayos ang sarili. She took a bath then put a simple jeans and a simple v-cut tee-shirt. Akmang isusuot sana niya ang black high heeled shoes ng maalala niya ang sinabi ni Shannon.

‘Wear something comfortable.’

Ibinalik niya sa lalagyan ang high heeled shoes at kinuha roon ang kulay black na converse niya at isinuot iyon.

Magaan ang katawan na lumabas siya ng kuwarto at bumaba sa sala. Nang hindi roon nakita si Shannon, naglakad siya patungo sa kusina kung saan naabutan niya si Shannon na nagka-kape.

Shannon’s eyes widen a bit when she entered the kitchen. Sarah saw his eyes lingered on her waist, down to her legs onto her shoes.

“Good morning.” Masiglang bati niya rito at naglakad patungo sa coffee maker para mag-timpla ng kape.

“Good…morning.” He cleared his throat. “You look nice. The converse suits you very well.”

“Thank you.” Aniya habang abala sa pagti-timpla ng kape. “By the way, anong oras tayo pupunta sa crime scene na sinasabi mo kagabi sa’kin?”

“Well, after breakfast kung okay lang sa’yo.”

Kumuha siya ng cup sa cupboard at isinalin doon ang kape na tinimpla niya, pagkatapos ay umupo siya sa island counter na nakaharap dito.

“Okay lang naman sa’kin.” Aniya at kinuha ang tasa at sumimsim ng kape. “Ang aga mo yatang gumising.” Pag-iiba niya sa usapan.

“Yeah.” Inilapag nito ang tasa sa ibabaw ng mesa at inilagay ang dalawang kamay sa baba nito at tumingin sa kanya. “Hindi ako nakatulog e.”

“Bakit naman?” Kunot ang nuong tanong niya. “Hindi mo ba nagustuhan ang kuwarto mo? Puwede ka namang mag-transfer ng room kung gusto mo. May lima pang vacant na room sa bahay na ‘to. Pick one kung saan ka komportabli.”

“Hindi naman sa hindi ko nagustuhan. It’s just that, I miss my cat. I want to cuddle her but I can’t.”

“You have a cat?” Gulat na tanong niya. “Bakit hindi ko siya nakita nuong pumunta ako sa condo mo?”

He shrugged. “Masakit kasi ang paa niya nung pumunta ka sa bahay kaya hindi mo siya nakitang pakalat-kalat.”

“Ganoon ba?”

“Yep.”

“Sorry, hindi mo siya puwedeng dalhin dito. I’m allergic to cat’s fur.” She felt sad for him. “Kung gusto mo, bisitahin mo nalang siya araw-araw.”

Shannon smiled. The smile that says, I know something that you don’t.

“Don’t worry araw-araw ko siyang nakikita.” Anito na may mysteryusong ngiti sa mga labi. “By the way, about doon sa offer mo na mag-change ng room, puwede ba? Can I move to another room?”

Tumango siya. “Sure. Bakit naman hindi. Saan mo gusto?”

He looked at her, his eyes twinkling with unknown emotion. “Can I have the room next to yours?”

Her heart instantly hammered inside her chest. The room next to hers? Is he kidding her or something?

“Nakita ko kasi kagabi na bakante ang kuwarto na katabi nang kuwarto mo.” Pagpapatuloy nito ng hindi siya magsalita. “I just thought na mas maganda yun dahil malapit ako sa’yo. Madali kitang mapo-protektahan kapag doon ako sa kuwarto na iyon.”

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Where stories live. Discover now