CHAPTER 15

176K 5.1K 645
                                    

CHAPTER 15

DALAWANG araw ang lumipas na walang kain at tulog si Shannon. He, his cousins’ and his cousins’ men never stopped looking for Sarah. Hindi sila titigil hangga’t hindi nila nakikita ang babaeng pinakamamahal niya.

“Wala pa bang balita sa mga sundalo mo, Zelott?” Shannon asked, a little bit impatient. “Wala pa ring mahanap ang mga tauhan ko sa Interpol.”

Zelott shook his head. “Wala pa. As of now, wala pa kaming impormasyon kung nasaan si Sarah.”

His heart tightened inside his chest.

Shannon took a deep breath. “Okay. Just tell me if your men found her or found anything suspicious.”

Nanghihinang bumalik siya sa pagkakasandal sa hood ng sasakyan niya at tumingin sa kalangitan.

Nagtulong-tulong na ang Arm Forces, Air Force at Interpol pero hindi pa rin nila mahanap si Sarah. Hindi na niya alam ang gagawin niya kapag lumipas pa ang araw na ‘to na hindi nila mahanap si Sarah. Every day, the pain in his heart increased. His heart yeared for Sarah.

Pain. Fear. Love. Madness. Anger. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. Hindi niya alam na kaya pala niyang maramdaman iyon ng sabay-sabay.

Lumapit sa kanya si Zelott habang may kausap ito sa cell phone. “Ask him. I’ll put you on speaker.” Anito sa kausap sa cell phone.

Inilagay ni Zelott ang cell phone sa gitna nila. “May itatanong daw sayo ang isa kong tauhan na nasa field at naghahanap kay Sarah.”

“Fvck shit ka talaga, Zelott. Hindi mo ako tauhan. Baliw! Ang taas ng pangarap mo. By the way, I’m Vincent Van Gogh. Nice to meet you.” Anang boses sa cell phone.

He frowned at the phone. “Vincent Van Gogh? Like the famous painter?”

“Yeah. My mother thinks it’s awesome to name me Vincent because our last name happens to be Van Gogh. Well, it’s not awesome. Good thing I’m handsome. ‘Yon nalang ang panlaban ko kay Vincent Van Gogh the famous painter.” Tumikhim ito. “Anyway, Shannon … is it okay if I call you Shanon? Ah, okay. May tanong ako. Sigurado ka bang si Dr. Rodriguez lang ang killer? Kasi nasa labas ako ngayon ng bahay ni Dr. Rodriguez na pag-aari ng namatay na si Henry Gonzalo at nakita kong may pumasok na lalaki sa garahe ng bahay, siguro nasa mga mid-twenties ang edad niya. Inilabas niya ang sasakyan ni Dr. Rodriguez at umalis. Is it just me, or I smell something fishy about that guy?”

Kumunot ang nuo niya habang iniisip kung sino ang tinutukoy nito. “Can you please describe him?”

“Ahm, I’m kind of far away from the house and I forgot to use my telescope. But I’m sure he’s not Dr. Rodriguez. Trust me on that one.” Sagot ng lalaki sa kabilang linya.

“Wala akong alam na accomplice ni Dr. Rodriguez. All I know is that he works alone. I guess. I’m not sure. Pero sundan mo pa rin ang sasakyan. It might lead us to Dr. Rodriguez lair.”

“I’m already following the car.”

“Thank you.”

“No problem, amigo.”

Inilagay ni Zelott ang cell phone sa tainga nito. “Gago, German ka, hindi ka Spanish.”

Hindi na niya narinig ang sagot ni Vincent dahil hindi na naka-loud speaker ang cell phone ni Zelott.

“Tatawagan daw tayo ni Vincent mamaya kapag na-confirm niya kung saan patungo ang sasakyan ni Dr. Rodriguez.” Sabi ni Zelott sa kanya.

Shannon gave Zelott a small smile. “Thank you, cousin.”

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Where stories live. Discover now