Chapter 2

14 2 0
                                    

Bayan ng Gyounon

Umuwi ako ngayon sa aming tirahan sa bayan ng Gyounon. Nandito ako para kamustahin si Inay at at aking mga kapatid. Hindi rin ako naka Tulog ng maayos kakaisip sa dalawang bata na Nahuli ng spider naisip ko yung mga kapatid ko.

Inay? Masaya kong bati pag dating ko sa aming tirahan.

Ate alexieee!!  Sabay sabay na sigaw ng aking mga kapatid patakbo sa akin isa isa nila akong niyakap.

Ate namiss ka namin Alam mo ba itong si goumon pasaway lagi syang nakiki pag away. Sabi ni Mary na inaasar pa si goumon

Goumon? Ano yun? Tinuruan ka ba namin na maki pag away ha?

Eh kasi ate yung nanay nya maraming sinasabi kay----

Goumon!  Tama na yan!

Inay. Hinalikan ko ito sa noo at niyakap. Kamusta ka Inay? Maayos na ba yung kalusugan nyo?

Oo anak. Salamat saan ka pala kumukuha ng pera at saan ka namamalagi ngayon? Tanong ni Inay

Sa York New City po ako ngayon Ano namamasukan po ako bilang ano yaya ng bata tama yaya po. Pag sisinungaling ko hindi ko ito maari sabihin kasi magagalit si Inay sa akin pag nalaman nyang Tumigil ako.

Eh yung pag aaral mo kamusta naman? Wala bang nang aaway sayo doon sa lungsod?

Wala po nay mababait po silang lahat.

Ganoon ba anak mabuti kung ganun. Wag mo pababayaan sarili mo ah. Anak mahal na mahal ka namin. Sabi ni ina na hinahaplos ang aking mga buhok.

Opo Inay salamat sambit ko habang niyakap sya.

Anak tandaan mo palagi lang kami nandito para sayo.

Opo Inay. Naka ngiti kong sabi
Pakiramdam ko parang nag papaalam si Inay. Hindi Dapat ako nag iisip ng ganito.

Nag umpisa na kami kumain at ibinigay ko na sa kanila ang mga pasalubong ko. Mga bagong damit na Binili ko para sa mga kapatid ko. Nag Pasalamat naman sila sa binigay ko at nalaman ko rin kaya pala naki pag away si goumon ay dahil kung ano ano sinasabi kay Inay sinabi na lang ni Inay na hayaan na lamang sila at wag na balikan ang nangyari.

Inay babalik na po ako sa york new city. May pasok at trabaho pa ako bukas pag may libreng araw ako uuwi ako ulit dito. Pangako po. Una kong niyakap si Inay at Sunod ang mga kapatid ko.

Bria ikaw na bahala kay Inay ah ikaw muna ang tumayong ate sa kanila wag nyo pabayaan si Inay at Mary ah naintindihan nyo ba ako Bria at goumon? Sabi ko na tinapik ko pa ang kanilang mga balikat bago halikan sila sa noo.

Opo ate mag iingat ka po. Sabi ni Bria at gomoun.

Anak wag mong pababayaan sarili basta lagi mong tatandaan kahit saan ka man pumunta lagi kaming naka gabay sayo. Umiiyak na sabi ni Inay

Inay wag ka naman mag salita ng ganyan dadalaw ako dito next week pangako yan. Hindi ko na napigilan na paiyak na rin ako

Sige na po, mas nahihirapan ako umalis pag ganyan kayo eh paalam na Inay Bria ah yung sinabi ko

Umalis na ako sa aming tirahan. Kailangan ko mas kumita ng malaki malapit na mag kolehiyo si Bria. Kailangan ko pa bang habulin ang mga Genei Ryodan para ibigay ang information sa Mafia associations masyado delikado ang trabahong yun Pano kung mahuli rin ako kagaya ng Dalawang bata. Siguro mas Tigilan ko na ang pag sunod sa Genei Ryodan para na rin sa kaligtasan ko mag hahanap na ako bukas ng mas maayos na trabaho. Tama yun nga ang Dapat kong gawin at maka pag ipon ng pera para maka balik na ako sa pag aaral ko sa kolehiyo.

Third Person point of view

Nandito na tayo sa bayan ng Gyounon. Ano nang Plano shalnark? Sabi nang nag ngangalang phinks magcab

Ang kailangan lang naman natin pasabugin ang Gyounon Central Building para makuha ang mga pera at mga bagay na pwedeng ibenta sa black market sabi ng isang kasamahan nila.

Sumunod kayo sa Plano ayon kay pinuno. Hindi natin Pwede basta basta pasabugin ang Gyounon central building dahil baka madadamay ang mga mahahalagang bagay na nanakawin natin.  Ani ng kasamahan nilang babae.

Hahahahaha ang galing mo rin machie oh sige kami na ni uvog at ni feitan ang tatapos sa mga basurang haharang sa dinadaanan natin sambit ng lalaking may dalang katana habang ito ay naka ngisi.

Hahahaha sabik na sabik ako marinig ang mga taong Nagmamakaawa sobrang sarap sa pandinig mga hiyawan nila hahahahaha sabi nang nag ngangalang uvogin habang walang humpay ito sa pag halakhak na tila dinadama ang mga taong nagmamakaawang mabuhay.

Lahat naman sila at ngumisi at sabay sabay na nga sila pumasok sa loob ng Gyounon Central Building at inumpisahan ang pag kitil sa mga taong walang kaalam alam sa nangyayari 

Phantom Rouge Where stories live. Discover now