Chapter 7

15 0 0
                                    


Pang labing isang gagamba

Nandito ako ngayon sa gilid ng bintana naka silip habang inaantay kung aalis ba talaga sila ngayong umaga. Pero hindi nila ako dapat makita baka malaman nila na tatakas ako ngayon. Maya maya pa nakita ko ng lumabas si machie sumunod si feitan na tumingin pa sa bintana kaya mabilis akong umurong sa gilid para hindi nya ako makita sumilip ako ulit nakita kong sumakay sila sa sasakyan at ito ay Pinaandar na.

Ito na ang tamang oras kaya kinuha ko na ang upuan at binasag ko ito. Sumilip muna ako sa labas kung may tao ba pero wala naman akong nakita kinuha ko ang dalawang kumot at itinali ito para humaba sinubukan ko itong hilahin para malaman kung matibay ang pagkakatali ko. Pagkatapos isinabit ko ito sa  bakal sa gilid ng bintana at saka ako lumabas sa bintana.

Ouch!!

Hindi ko na pansin na may tirang salamin pala doon kaya nasabit ako. Mahaba yung pagkaka sugat sa akin kaya nag umpisa na ito dumugo.

Wala na akong pake kung mag kasugat sugat ako dito ang importante maka takas na ako dito hindi na kinakaya ng sikmura ko na makita ko sila. Nag umpisa na akong dahan dahan bumaba gamit ang kumot
kunti na lang maabot ko na yung lupa ng bigla itong napigtal sa pagkakatali.

Ahhh ! Shit! Ang sakit! Yung sugat ko. Fuck shit !! Ahhh

Tumama ang likod ko na may sugat sa sahig. Pero kailangan ko ng umalis baka maabutan pa nila ako dito kung pabagal bagal pa ako.  Tumakbo lang ako ng tumakbo palabas ng building maya maya pa ay unti unti ko ng nakikita ang mga tao at nakaramdam ako ng saya.

Sa wakas nakalaya na ako !!

Hindi ko na napigilan ang saya ko. Siguro babalik na ako sa tinitirhan ko 13 days rin akong hindi umuwi sa amin.

Nagulat ako ng may tumigil na itim na kotse sa harapan ko.

Hindi! hindi to pwede.

Kaya mabilis akong tumakbo palayo sa sasakyan. Nakita kong lumabas si feitan sa kotse kaya binilisan ko pa ang pag takbo ko habang naka tingin sa likod kung may susunod sa akin.

Not so fast alexie!

Nag tayuan lahat ng balahibo ko sa katawan nung nakita kong nasa harapan ko na sya pero hindi lang yun ang dahilan bakit ganito apektado ako nung tinawag nya ako sa pangalan ko.

Bakit ka tumakas?  Tanong nya na naka tingin ng deretso sa mga mata ko.

Pano nila nagagawa yun sa isang iglap lang na sa harapan ko na sila. Ganyan din ang ginawa ni Hisuka noong dinalhan nya ako ng pagkain.

Tinatanong kita bakit ka tumakas? Hinawakan nya ng madiin ang aking pala pulsuhan

Dahil ayoko dun. Sa tingin nyo aalis ba ako doon kung natutuwa akong makita kayo ? Bakit ba kailangan nyo pa akong ikulong kung pwede nyo naman ako patayin tutal yun naman ang gawain nyo diba. Sabi ko

Hindi sya umimik sa sinabi ko at bigla nya akong binuhat.

Ano ba bitawan mo ako !! Ano ako basura na pwedeng isabit mo lang sa balikat mo. Sigaw ko habang hinahampas sya sa likod.

Ibabalik na naman ba nila ako sa hide out nila. No! Ayoko doon gumawa ako ng paraan para makatakas ako pero in the end
nahuli pa rin nila ako.

Isinakay na nila ako sa sasakyan.
Siguro ito na yung buhay ko habang buhay makukulong kasama nila. Tahimik ang naging biyahe namin papuntang hide out hindi na rin ako sumigaw at nag reklamo dahil napapagod na ako gusto ko na lang mag pahinga ngayon at kumikirot na rin ang sugat ko sa likod. Mamaya pa ay bumaba na sila sa kotse at pumasok na sa building na kanilang hide out. Sumunod ako sa kanila ng walang imik.

" Makinig ka alexie".

Napatingin ako sa nag salita si feitan na seryosong naka tingin sa akin.

Napag desisyon ng Spider na isasali ka sa sa grupo na papalit kay uvogin at lalagyan ka ng marka ng spider bilang pang labing isang gagamba dahil iyon ang dinadalang numero ni uvogin. Sabi ni feitan na wala pa ring emosyon sa muka.

What? No way!! Ayoko hindi ako interesado maging miyembro ng spider. Sabi ko

Hindi ka na pwedeng tumanggi dahil lahat kami ay iyon na ang napag desisyonan sabi ni shalnark na naka ngiti pa.

Ano? Bakit kayo ang nag dedesisyon sa buhay ko hindi porket wala akong laban sa inyo gusto nyo sumunod ako sa lahat ng gusto nyo. Anong silbi ng pag inform nyo sa akin kung hindi na rin pala ako pwede tumanggi. Ngayon nyo lang ako nakilala tapos gusto nyo akong isali sa spider. Ayoko bahala kayo patayin nyo na lang ako kesa isali sa grupo nyo.  Bulyaw ko sa kanila.

Hindi ka ba maka intindi? O sadyang tanga ka lang? Hindi ka na pwede tumanggi. Oh kaya ganito na lang kung patayin na ko na lang ang magulang mo Baka sakaling mag bago pa ang isip mo. Ani machie

Nag pantig ang tenga ko sa narinig ko kaya mabilis na hinablot ko ang kaniyang buhok at may nakita akong tinidor kaya itinutok ko ito sa lalamunan nya Pero dahil sa mas malakas sya sa akin kaya naitulak nya ako.

Hisuka's point of view

Biglang hinablot ni alexie ang buhok ni machie at tinutukan ito sa leeg ng tinidor.

May potensyal si alexie, magaling. Nag iba ang kaniyang mga mata at biglang nawalan ito ng emosyon nang binanggit ni machie na papatayin nito ang kaniyang magulang.

Mm. Naku !! Masama pala talaga sya magalit.

Wag na wag mong babanggitin ang magulang ko dito dahil wala kayong alam. Sigaw nya kay machie.

Bago pa sila mag away ulit naawat na ito ni phinks at nobunaga.

Diba ang patakaran ng spider ay bawal magkaroon ng seryosong alitan ang bawat miyembro ng spider sabi ni Shizuku.

Ano? Miyembro hindi ako magiging miyembro ng spider sigaw nya na nakakuyom na ang kamao.

Ang cute pala magalit ni alexie. Interesting Huh! pinapanood ko sila habang pinag lalaruan ang baraha ko.

Pero alexie meron ka ng marka ng spider hindi mo na matatanggal yan

Mali ka Shizuku natatanggal kaya yan.

Wala akong Pake. Kung para sa inyo miyembro na ako ng spider pwes wag kayong mag expect na sasama ako mag nakaw at pumatay sa inyo. Sabi ni alexie Pagkatapos ay umalis na ito

Napangiti ako kaya napapalakpak ako ng dahan dahan pag alis ni alexie. Kaya lahat sila napatingin sa akin

Masyado syang maraming nalalaman sa spider? Hmm bakit kaya galit na galit sya sa Genei Ryodan? 

Nag uumpisa na akong mag kainteres sayo Alexie Namiki.




Phantom Rouge Where stories live. Discover now