Chapter 10

19 1 3
                                    

Agresibong paraan

Sunod na araw inumpisahan  namin ang pag talakay sa NEN.

"Ngayon ipapakita ko kung Paano palabasin ang nen."

Tumayo ito ng maayos at unting unti kong nararamdam init na nang gagaling sa kanya. Ano ito bakit ang init?  Ito ba yung sinasabi nilang NEN ?

"Nararamdam mo ba?" Tanong ni feitan habang naka tayo ito ng maayos.

"Oo mainit" sabi ko.

"Para gisingin ang kapangyarihan na naka himlay sayo May dalawang paraan."

"Ano naman yun?"

"Ang dahan dahang paraan at agresibong paraan."

"Ang dahang dahan na paraan ay ang pagsasanay at ang agresibong paraan ay ang paglipat ng HATSU ko sa katawan mo at piliting buksan ang iyong nen pero delikado ito kung may masamang hangarin ang gagawa nito maari mo itong ikamatay."

Napalunok ako sa sinabi nya.

"Wala ka naman balak na masama sa akin diba?" Tanong ko pero hindi ito umimik. 

Kailangan ko ng matuto pero masyadong delikado ang gagawin ko.

"Ilang buwan ang aabutin Kapag pag sasanay ng nen ang pinili ko?"

"Depende sa determinasyon mo aabutin yan ng anim o pitong  buwan sabi nya."

Masyadong matagal ang pitong buwan. Gusto ko ng matutunan ito ngayon.

"Sige yung agresibong paraan" sabi ko

"Sige. Uumpisahan ko na ituon ang awra ko sa katawan mo ito ang HATSU. Susubukan kong i shock ang katawan mo para ito ay magising bibigyan ko ng bigwas ang katawan mo para madali mong matutunan ang nen. Ang lahat ng mga microfiles sa iyong katawan ay pipilitin nating buksan."

"Hubarin mo ang damit mo at tumalikod ka" utos niya.

"Ka-Kailangan ba talaga yun?" Nahihiya kong sabi.

"Wala akong balak na masama sayo" aniya.

Itinapat niya ang kaniyang kamay sa likod ko at unti unti akong nakaramdam ng init pilit itinutulak ang aking katawan.

"Ahhhhhhh!"

Unti unti kong naramdaman ang mga pag daloy ng awra ko sa katawan ko . Ito na ba yun? nakita kong hinubad feitan ang kanyang kasuotan at ibinigay nya yun sa akin.

"Isuot mo? Wag mong i display yang katawan mo lalaki pa rin ako." Sabi nya na hindi maka tingin sa akin.

Oo nga pala dahil sa sobrang saya ko nakalimutan kong naka bra lang ako.

Hindi ko tinanggap yung damit nya at kinuha ko yung damit na nilabhan ko.

"Pwede na tayo ulit mag umpisa. Ayan ang awra sa katawan mo dahil lahat ng microfiles at nabuksan na."

"Tingnan mo ito" sabi niya.

Nakita ko ang awra ng nanggagaling sa kanya hindi ito ganoon kalinis kagaya ng sa akin.

"Nakikita mo ba?" tanong niya habang naka tayo pa rin ito

"Oo nakita ko ang awra mo" sabi ko.

Dahil kahit ang microfiles sa mata mo ay nabuksan. Pero kung hindi mo kayang pigilin ang awra mo mabilis kang makakaramdam ng pagkapagod.
Tumayo ka ng sa palagay mo ay komportable ka. Utos niya

Lumapit ito sa akin at tinapik ang hita ko para ihakbang ang kaliwang paa ko at inayos niya dalawang kamay ko.

Kagaya ng sinabi nya ay pinakiramdaman ko ang aking awra at ginawa kong mahinahon ang aking katawan at isipan.

"Magaling" aniya.

Dumilat ako at hindi na gaano umaapaw ang aking awra hindi katulad kanina.

"Ngayon ay oras na ng pahinga ang Kailangan mo palaging sanayin ang ten."

Umakyat ito sa bintana at tumalon.

Hapon na pala kami natapos. Ano kaya magandang gawin ? Umupo ako sa higaan at saka ako pumikit para iensayo ko ang ten ko para mas lalong tumatag ang katawan ko.

Tulad ng sinabi ni feitan. Dapat mahinahon lang ang aking isipan. Malumanay lamang ang pag hinga at damhin ko ang hangin na nanggagaling sa aking paligid. Exhale! Inhale!

"Magaling marunong ka na gumamit ng nen."

Nagulat ako sa nag salita kaya napatingin ako sa bintana. Si hisuka lang pala

"Anong ginagawa mo dito?" iritadong tanong ko.

"Wala lang gusto ko lang malaman kung may natutunan ka na ba talaga." Sabi nya habang naka  upo ito sa bintana at naka cross ang kanyang mga binti.

"mm. Natutunan ko na yung apat na tuntunin ng nen at binuksan nya na ang natatagong nen ko hanggang doon pa lamang" sabi ko.

"So anong plano mo?  Pag katapos mo matutunan ang nen anong sunod mong habang?" Naka ngiti nyang sabi habang binabalasa ang kaniyang baraha

Hindi ako umimik sa tanong nya sa ngayon kakalimutan ko muna yun kailangan kong pag tuunan pansin ang pag ensayo ko ng NEN. Tsaka masyado na rin syang maraming nalalaman.

"Wag kang mag alala Lexie wala akong balak sabihin sa spider ang plano mo. Pero tandaan mo mahirap kalabanin ang spider" banta nito sa akin.

"Alam ko hindi mo na kailangan ipaalala" sabi ko.

Nag uumpisa na naman akong mang gigil. Alam ko naman yun! Hindi ko na kakalimutan na mahirap kalabanin ang grupo nila lalo na't mag isa lang ako dahil talagang malalakas silang lahat.

"Oh ! pano ba yan mauuna na ako marami pa akong tatapusin" Aniya habang nag iba na ang kulay ng kaniyang awra.

Good luck Lexie! Ani hisuka at tumalon na nga ito sa bintana.

Siguro sa ngayon mag haft bath muna ako bago matulog.

Pumasok na ako sa bathroom inumpisahan mag linis ng katawan. Pagkatapos ko ay lumabas na ako para sana mag bihis.

Oh Fuck!!  What are you doing here?  Gulat kong sabi pag labas ko ng Bathroom Pero hindi ito umimik humiga ito sa kama ko at inunan ang kaniyang mga kamay.

Hoy Feitan ! Bulyaw ko pero hindi ako nito pinansin

Tch. Bingi bingihan. Kinuha ko na lang yung damit ko na nasa higaan at  sa loob na ako ng Bathroom nag bihis

Paglabas ko napatingin ako kay feitan na naka pikit hindi ko matukoy kung tulog ba ito oh hindi.

Ang mga mata nyang singkit palagi lang syang kalmado at hindi rin pala imik. Sa kanilang
lahat isa sya sa pinaka mailap. Minsan lang sya maka usap kung importante lamang ang inyong pag uusapan

"Bakit?" Sabi nya na dumilat na ang kanyang mata.

Biglang kumalabog ang dibdib ko nang tumingin din sya sa aking mata.

"A-a-ano wala. A-a-ano ba umalis ka diyan. Higaan ko kasi yan"

Hindi ko napigilan hindi sumigaw para lang mawala ang pag kautal ko at tumalikod na ako papuntang bintana habang hawak ang dibdib ko na hindi pa rin tumitigil sa pag pintig.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto ng banyo at pumasok sya doon. At saka lamang ako Nakahinga ng maluwag.

Napatingin ako sa kalangitan ang daming bituin ngayon. Ang gaganda nilang pagmasdan.

Nakikita nyo ba ako ngayon Nay,Tay at mga kapatid ko ? Wag kayong mag alala ipag hihiganti ko kayo. Hinding hindi ko hahayaan na mabalewala lahat ng pinag hihirapan ko ngayon.

At biglang kumislap ang limang bituin na nasa kalangitan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Phantom Rouge Where stories live. Discover now