Chapter 5

15 0 0
                                    


Kilalanin ang Spider

Ahhh ang sakit ng ulo ko. Nasaan ako? Tiningnan ko ang paligid nasa isang kwarto ako na higaan lang ang meron may iilang mga gamit sa palagay ko ay pasira na sa tagal ng panahon pumunta ako sa pinto pero naka lock ito.

Hoy Buksan nyo ito. Bakit nyo ako kinulong dito?Sigaw ko na kinakalabog ang pinto

Biglang nag flashback sa akin ang nangyari kanina ibig sabihin nandito ako sa hide out ng Genei Ryodan ibig sabihin posible na makita ko lahat ng miyembro ng spider. May bintana pa doon pwedeng doon ako lumabas. Itinulak ko yung bintana pero naka lock rin ito ibig sabihin naka kulong talaga ako dito.

Hoy mga spider palabasin nyo ako dito mga mamatay tao sigaw ko habang sinisipa ang pintuan.

Hoyyyyyy !

Bwiset bakit kinulong pa nila ako dito kung pwede naman ako patayin. 

Bukas nyo to. Mga walang hiya patayin nyo na lang ako diba doon kayo magaga----

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang miyembro nila kung hindi ako nagkakamali si machie komachine ito.

Hindi ka ba talaga marunong matakot baka nakakalimutan mo nandito ka sa teritoryo ng spider sabi nya na naka taas ang kilay

Kinikilabutan ako pag iniisip ko na nandito silang lahat makikita ko kung sino ang mga pumatay sa nanay at mga kapatid ko. Gusto ko silang isa isa pahirapan kung gaano nila ako pinahirapan hindi ko man aminin pero alam kong hindi basta basta ang mga taong gusto kong banggain. Malalakas sila ramdam ko yun.

Buti naman nanahimik ka na halika sumunod ka sa akin. Hinila nya ako pababa at tinulak kaya napahiga ako sa sahig.

Kailangan ko muna sumunod sa kanila masakit at nakaka inis man pero kailangan para makatakas ako na realize ko na hindi pa ako dapat mamatay ngayon kailangan ko muna maka kuha ng hustisya para mapanatag na ako at maka ganti sa ginawa nila sa pinakamamahal kong ina at mga kapatid.

Tatanongin kita kailangan mag sabi ka ng totoo. Una bakit mo kami sinugod ni feitan? Tanong ni phinks

Wala ako dapat ipaliwanag sa inyo. Sa dami ng pinatay nyo hindi pa ba dapat kayo mag taka ng biglang may susunod sa inyo.

Sa sinabi ko kita kong nagasumot ang mga mukha nila except lang kay feitan at sa lalaking may hawak ng baraha kung hindi ako nagkakamali ay si hisuka.

Pinapainit mo ba talaga ang ulo sabi ni phinks na pinapaikot pa ang kaniyang braso.

Pero hindi ako umimik sa sinabi nya.

Ako na mag tatanong. Uulitin ko ang  tanong ni phinks bakit mo sinugod si feitan at phinks sabi ni machie

Ako mag tatanong rin bakit kailangan nyong pumatay ng taong wala naman kalaban laban. Bakit sa dami ng sinira nyong buhay pero heto nagagawa nyo pa ring mabuhay. Napayukom ang kamao ko pag naalala ko na sila ang rason ng pag sabog na Gyounon.

Hinawakan ni machie ang pisngi ko at diniin ito. Ang tapang mo rin noh.

Hahahahahaha malakas na tawa ng lalaking may hawak na katana si nobunaga . Pinapatawa mo rin talaga ako. Machie tigilan mo na yan wag mo ng pag aksayahan pa yan ng oras.

Ano ba iyong pangalan? sabi ng babaeng may salamin base sa naalala ko sya sa Shizuku.

Alexie Namiki ang pangalan ko Pakilala ko.

Ako sa Shizuku Murasaki pang walo sa spider sabi nya

Bakit kaya sampu lang sila ngayon kung hindi ako nag kakamali ang wala dito si uvogin, at si pakunoda.

Ibig sabihin ang hide out nila ay isang abandonadong Gusali. Muka silang mga ipis na nag tatago sa dilim.

Alam mo 13 kaya kami kaso yung dalawa Patay na at yung Isa pinuno namin hindi sya nakaka gamit na ng nen kwento no shizuku na naka tingin sa malayo

Shizuku hindi ka pwede basta basta mag labas ng sekreto ng Genei Ryodan lalo pa at hindi natin kilala yang babaeng yan sabi ni machie

Pasensya na machie sabi ni shizuka at umalis na ito sa tabi ko.

Base sa kinwento sa akin ng Shizuku namatay ang Dalawa nilang ka grupo ibig sabihin si uvogin yun at si Pakunoda at yung pinuno nila hindi nakaka gamit ng nen. Ang daming tanong sa isip ko Sino ang pumatay kay uvogin at
Pakunoda ? Ang Mafia kaya? Posible rin yun ang dahilan dahil may patong na sila sa kanilang mga ulo. Oh Pwede rin may isang taong galit sa kanila na gusto mag higanti na kagaya ko. Posible rin yun. Pero pano nila oh nya napatay ang dalawang spider hindi basta basta ang miyembro ng spider alam ko sa sarili ko na malakas sila. Meron silang kakayahan na wala sa katulad ko. At ang huling tanong ano ang nen na sinasabi ni Shizuku. Maraming tanong na hindi pa masasagot sa ngayon. 

Phantom Rouge Where stories live. Discover now