Chapter 9

21 1 0
                                    


Kasagutan sa lahat ng katanungan

Pagka gising ko ay dumeretso na ako sa cr para pagligo.

Hayyy ang Sarap talaga maligo ang lamig ng tubig ! Pakiramdam ko ang payapa lang ng lahat ng nasa paligid ko.  Pero alam ko pag labas ko dito sila ang makikita ko. Lumabas na ako ng cr na naka tapis lang.

Oh shit! Anong ginagawa mo dito? Gulat kong tanong kay hisuka na naka upo sa bintana.

mmm. Gusto lang kita makita? Ngumiti ito sa akin na naniningkit pa kaniyang mga mata.

Tsh. Mag bibihis ako kaya alis!! Pero hindi sya umalis at tumalikod lang kaya dali dali akong nag bihis.

Anong kailangan mo tanong ko kay hisuka kaya humarap na ito.

May ilan lang akong katanungan sayo na gusto ko lang malaman. aniya

Kailan ka pa naging interesado sa buhay ko? 

mmm. Simula ng tumuntong ka dito. Nag tataka ako kung bakit ba malaki ang ang galit mo sa spider ? Sabi nya naka upo na ito sa higaan ko.

Hindi ko obligasyon sagutin ang lahat ng katanungan mo. Sabi ko

Hmm. Sige ganito na lang hayaan mong sagutin ko ang lahat ng gusto mong malaman at sagutin mo ang lahat ng mga katanungan ko sayo. Ok na ba sayo yun?

Hindi ako naka imik sa sinabi nya.

Sagutin mo na ang tanong ko sabi nya habang binabalasa ang kaniyang mga baraha.

Huminga muna ako malalim bago mag salita.  Kasi pinatay nila ang ina at mga kapatid ko.

Pagkakataon ko na ito para malaman lahat ng mga katanungan ko.

Bakit ganun na lang kayo kalakas ang kabilis Parang kayang kaya nyong itago ang presensiya nyo sa mga tao ? Tanong ko sa kanya

Dahil yun sa nen?

Ano ang nen?  Tanong ko

Ops ako muna. Pano mo nasabi na sila ang pumatay sa pamilya mo?

Kasi sila ang nakita sa CCTV footage na gumawa nun.

Ano ang nen?

Ang nen ay pag papaliyab ng sariling kaluluwa. Pwede rin itong sabihin na human power or will power. Sabi nya

Saan sila sa pinatay  ?

Sa bayan ng Gyounon sagot ko

Pano ko mailalalabas ang nen power ko?

Para gisingin ang kapangyarihan na naka himlay dito may dalawang paraan. Ito ay ang dahan dahang paraan at agresibong paraan. Sagot nya sa mga katanungan ko

Kailan ka pa naging guro nya hisuka?

Kaya napatingin ako kung sino yung nag salita hindi ko man lang naramdaman ang pagdating nya. Ito ba ang sinasabi ni hisuka na nen oh human power.

Hmm. Nag tanong kasi sya eh kaya sinagot ko. Sabi ni hisuka na pinag papalit palit sa posisiyon ang kaniyang baraha.

Anong ginagawa mo dito feitan? Tch. Panira sya marami pa akong gustong malaman.

Bakit hindi nyo ituloy ang pinag uusapan nyo ni hisuka? Aniya

Umismid lamang ako dito at hindi na muling umimik nakaka binging katahimikan ang namamagitan sa aming tatlo ng hindi na naka tiis si hisuka at ito ay nag salita na

Alexie gusto mo bang turuan kita sa pag gamit ng nen? Sabi ni hisuka na tumingin kay feitan.

Bigla akong nakaramdam ng tuwa ng malaman ko yun. Pwede ko rin palang matutunan yun.

Oo naman sabi ko

Hindi mo obligasyon na turuan sya gumamit ng nen hisuka sabi ni feitan

Nag pantig ang tenga ko sa narinig ko hawak nya ba ang buhay ko at lahat ng kilos ko ay dapat alam nya.

Ano bang pakealam mo? Sabi ko na hindi na maiwasang kumunot ang aking noo.

Dahil ako nag dala sayo dito at iyon angnapag usapan namin ani feitan.

Tumawa ako ng peke at hindi ko na mapigilan na hindi uminit ang ulo ko.

Haha! Lahat na lang ba ng kilos ko kailangan Alam nyo. Dapat yung sinabi nyo lang yun lang dapat sundin ko.

You have no choice. Matuto o hindi? Sabi nya na hindi na maipinta ang kaniyang muka.

Ok fine. Edi ikaw na mag turo sa akin "MASTER". I said in a sarcastic way.

Tsh. 

Lumapit sa akin si hisuka at hinaplos ang aking buhok.

Alis na ako alexie. Paalam! Saka sya tumalon sa bintana

Nakita ko na naman ang reaction ni feitan na naka kunot ang noo.

Mag umpisa na tayo aniya

Ang kahulugan ng nen ay pag papaliyab ng sariling kaluluwa. Pwede rin itong sabihin na human power or will power.

Kagaya ng rin ito ng sinabi ni hisuka

May apat na pangunahing tuntunin at bahagi ng pagsasanay para palakasin ang wheel power. Ito ay ang ten, zetsu, ren at hatsu

Sa Ten tinutuon ang enerhiyang yun sa isang bahagi pinapalawak nito ang kamalayan at layunin
Ang Zetsu ang pag papahayag gamit ang salita.
Ang Ren hinuhubog mo naman yun at sa Hatsu binibigyan mo ito ng katuparan.

Ganun pala yun pero hindi ko ito masyado maintindihan lalo na yung ren.

Nag umpisa na sya ulit mag salita.

Ang nen ay abilidad na kontrolin ang awra ng iyong katawan ito ang natatangi nating life energy oh life force kung tawagin.
Ang ibilidad na sinasabi ipunin ang life force na ito yun ay ang Ten. Gamit nito pwede mo Patatagin ang katawan mo pabagalin ang pag tanda at pigilan ang epekto nito.

Dito na pumasok ang Zetsu ito ang pag tago ng awra epektibong Gamitin ito kung gusto mo ikubli ang iyong presensya oh maka bawi sa matinding pagod.

Ibig sabihin Zetsu ang ginamit mo sa akin noong unang dating ko dito hindi ko man lang naramdaman ang pagdating mo ganun rin si hisuka. Tanong ko kay feitan

Ganoon na nga. Aniya

At ngayon naman ay Ren teknik para makalikha ng malakas na awra. Ang enerhiyang nang gagaling sa katawan ng tao. Kaya epektibo ito para sa mga tao para sa ikabubuti man o kasamaan. Maari mo itong Gamitin sa taong walang kalaban laban at maari kang maka Patay. Isa lang ang Pwede mong ipanglaban sa gumagamit ng Nen ay ang matuto ka ng Nen at gamitin ang Ten pang dipensa. Salagin mo ang awra ng iba gamit ang iyong awra dahil kung hindi magkaka durog durog ang katawan at pwede mo ito ikamatay.

That's all bukas naman ang susunod. Ipapakita ko sayo kung pano gamitin ang Nen.  








Phantom Rouge Where stories live. Discover now