Chapter 3

15 2 0
                                    

Walang kapatawaran

Nandito na ako sa terminal ng Gyounon nang may narinig akong pag sabog na nang gagaling sa hilaga ng Gyounon.

Pinasabog raw ang Gyounon Central Building ani ng isang babae

Hala bakit raw anong nangyari sabi ng isang kasama nitong babae.

Hindi ko alam sabi sabi lang. Anang babae

Hindi Hindi to Pwede malapit ang tinitirhan namin sa central building. Sila Inay ang mga kapatid ko.

Nag abang ako ng masasakyan nang may tumigil na taxi sa harapan ko

Kuya sa Central nga Paki bilisan lang po natataranta kong sabi habang tinatapik ito sa braso

Mam pasensya na hindi ko kayo maiihatid doon nag kakagulo po kasi doon baka po madamay tayo. Sabi nang driver ng taxi

Kuya please kahit hindi mismo sa central kahit malapit lang doon sige na kuya yung nanay ko gusto ko malaman kung ayos lang ba sila. Kuya ito bayad ko Paki bilisan lang po naiiyak kong sabi habang inaabot ang two thousand jely.

Sige po mam pero hindi ko po kayo maiihatid mismo sa central ah. Sabi ng driver

Ayos lang kuya

Pinaandar nya na ang sasakyan papuntang central. Tumingin ako sa labas nakita ko maraming tao na nag tatakbuhan at maraming nag iiyakan. Sino ang mga walang hiya ang gumawa nito.

Kuya alam mo ba kung sino ang gumawa nito? Tanong ko sa driver

Hindi ko po Alam mam. Pero pinasabog nila ang central building sa sobrang lakas ng pag sabog nadamay ang ibang parte ng Gyounon. Paliwanag ng driver habang naka tingin pa rin sa daan. Hindi na ako umimik sa sinabi nya.

Mam hangang dito na lang po tayo. Pasensya na po. Pag hingi ng paumanhin ng driver

Ayos lang po kuya salamat.
Lumabas na ako sa sasakyan at Dali daling tumakbo sa bahay namin. Nakita ko kasama ito na susunog kaya papasok sana ako kaso pinigilan ako ng isang police

Padaanin nyo ako nanjan ang nanay ko at mga kapatid ko. Sigaw na sabi ko habang pinipilit na nag pupumiglas.

Hindi po talaga pwede mam delikado po malakas na ang apoy. Sabi ng police na ayaw pa rin ako pakawalan kahit panay pag pupumiglas ko.

Wala akong pakealam. Yung nanay ko at mga kapatid ko nandiyan tapos gusto mo akong tumunganga lang ginagago mo ba ako. Sinugin ko kaya tirahan nyo tas sabihin ko bawal ka pumasok. Sabi ko na hindi na maka pag pigil sa sobrang galit mga walang hiya kung sino man gumawa nito sa lugar na ito.

Mam pasensya na po talaga hindi ko po kayo----- aray !!!! Kinagat ko ito sa braso at sinikmuraan nang nakawala ako tumakbo na ako sa loob ng bahay kahit nag sigawan na ang mga pulis. Wala akong pakelam kung anong mangyari sa akin. Ang ina at mga kapatid ko ang importante sa akin.

Inayyyyyy?? Briaaaaa??? Nasaan kayo??? May nakita akong naka higa sa sahig habang may naka dagan ng malaking kahoy sa gilid nito May tatlong tao na naka higa rin sila Inay na yun sigurado.

Inayyyy? Gumising kayo? Umiiyak na sambit ko Bria? Goumon? Mary? Tulongggg nandito yung nanay at kapatid ko. Tulong!! Sigaw ko ng may mga pumasok na mga bumbero para tulungan ako.

Kinuha nila ang si nanay at mga kapatid ko na naka higa at tinulungan nila ako maka labas. May mga dumating na rin na mga ambulansya para sumaklolo

Kinapa nila ang pulso ni ina at mga kapatid ko pero sabi nila ay hindi na ito aabutin pa sa hospital. Tiningnan ko ang tirahan namin na kinakain na rin ng apoy. Tirahan kung saan ako sinilang. Kung saan namatay si itay at dito rin binawian ang buhay ang aking ina at mga kapatid. Napahagulgul na ako sa nangyayari sa buhay ko kung hindi siguro ako umalis sa bahay buhay pa sila hangang ngayon matulungan ko pa sila sana. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko bigla na lang nag black out ang mga nakikita ko.

Anak wag mong pababayaan ang sarili mo mag ingat ka lagi ah nandito lang kami naka gabay sayo mahal na mahal ka namin anak. Yayakapin ko na sasi Inay kaso bilang tumagos lang ito at unti unti nawala ang kanyang imahe

Inayyyy wag nyo akong iwan sigaw ko na unti unti na akong kinakain ng dilim.

Inay !! napabangon ako sa hinihigaan ko puro kulay puti ito

Oh miss gising ka na pala sabi ng babae kung hindi ako nag kakamali nasa hospital ako at itong kausap ko ay isang doctor

Nasaan ang nanay ko? Nasaan sila? Sigaw ko sa doctor

Huminahon ka lang miss. Ang katawan ng nanay at mga kapatid mo ay nasa morge na. Paliwanag ng doctor

Saan yun banda? Tanong ko

Malapit lang sa chapel.

Tumakbo na ako kung saan sinabi ng doctor nung nakita ko yung pinto pumasok na ako.

Nasaan ang katawan ni Dimaria Namiki at Bria, Goumon at Mary namiki ??

Kaano ano po kayo ?

Anak po mahinahon kong sabi tinuro naman sa akin kung saan ang katawan nila. Tiningnan ko ang itsura nila para lang sila natutulog pero putla na ang kanilang mga katawan nagingitim na ang kanilang mga labi.

Inay? Kung sino man ang gumawa sa inyo nito hindi ko mapapatawad. Nag umpisa na naman mag unahan ang mga luha ko.

Hinding Hindi ako matatahimik kung sino man ang gumawa nito sa inyo. Sinira nila ang buhay ng mga kapatid pati ang buhay ko ang kaisa isang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito na walang ginawa kundi saktan at pahirapan ako. Ang mga taong dahilan kung bakit nagiging matatag ako. Wala na sila linisan na nila ang mundong ito. Walang kapatawaran ang ginawa nyo sa buhay ko sa buhay ng ina at mga kapatid ko.

Walang kapatawaran!!

Phantom Rouge Where stories live. Discover now