Part 33

36.9K 799 25
                                    


GUSTO ni Janine na tatagan ang kaniyang loob pero hindi talaga niya mapigilan ang mapangiwi habang pinapanood si Draco na nilalagyan ng tattoo ang likod ng lalaking foreigner. Lalo na kapag nakatutok ang tingin niya sa karayom na ginagamit ng binata para lagyan ng disenyo ang balat ng kliyente nito.

Nalaman niya na sa silid na iyon sa loob ng Art Gallery talaga tumatanggap ng kliyente si Draco kapag nasa Pilipinas ito mula pa noon. By appointment lang din daw tumatanggap ng kliyente ang binata. Halimbawa ang lalaking nilalagyan nito ngayon ng tattoo ay dumayo pa daw talaga sa Pilipinas para lang kay Draco. Kaso talagang tinitingnan pa lamang niya ang karayom na ginagamit nito ay napapangiwi na siya.

Kaya ang ginawa ni Janine ay itinutok na lamang ang tingin sa mukha ni Draco. At hindi na niya napalis pa ang tingin mula roon. Katulad kapag nagpipinta ang binata ay may intense na ekspresyon sa mukha nito nang mga sandaling iyon. Mula noon hanggang ngayon, sa tuwing ganoon na ang hitsura ni Draco ay hindi na talaga niya magawang alisin ang tingin dito.

Masyadong natutok ang buong atensiyon ni Janine sa pagtitig sa mukha ng binata na hindi niya namalayang natapos na pala ito sa ginagawa. Napakurap lang siya nang biglang sumulyap sa direksiyon niya si Draco at magtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ang binata. "You want a tattoo?"

Marahas na umiling si Janine. "Ayoko. Masakit," mabilis na sagot niya.

Nagkatinginan si Draco at ang foreigner na ngayon ay may fresh tattoo na sa likod. Pagkatapos ay nagkatawanan. "Now, that's new," bulalas ng foreigner at muling tumingin sa kaniya. "Women want Draco to put a tattoo on their bodies. They love it. In fact most of his clients are women."

"Bill," may pagbabantang saway ni Draco sa foreigner. May pagbabanta pa sa tingin nito sa lalaki. Halatang ayaw ng binata pinag-uusapan ang mga babaeng dumaan sa buhay nito.

"What? I'm just telling the truth," nakataas ang mga kilay na sagot ng foreigner. Pagkatapos ay tumayo na at hinablot ang t-shirt. Napatalikod kay Janine ang lalaki kaya sa unang pagkakataon ay natitigan niya ng husto ang tattoo na bagong lagay sa likod nito.

Isa iyong imahe ng isang magandang babae. Kulot ang lampas balikat na buhok na tanging tumatakip sa hubad nitong dibdib. Sa gilid at nagsisilbing frame ng imaheng iyon ay may disenyo ng isang anchor. Subalit hindi lang dahil nakuha ni Draco ang kagandahan ng kung sino mang babae na iyon kaya manghang mangha si Janine. Ang pinakamatinding dahilan ay ang katotohanang hindi katulad ng normal na tattoo na nakikita niya sa ibang mga tao ang ginawa ni Draco. Mas makulay iyon at tila ba ipininta ng water color. Ang istilo niyon ay katulad ng hitsura ng mga painting ng binata sa normal na canvass. Na para bang paintbrush ang ginamit nito. Bagay na imposible dahil tattoo gun ang gamit nito.

"Wow," nausal ni Janine bago pa niya napigilan ang sarili habang nakatitig sa likod ng foreigner. Matagal na niyang alam na tattoo artist si Draco at na marami itong sikat na kliyente. Pero ni minsan ay hindi niya pinagtuunan ng pansin ang inilalagay nito sa balat ng mga tao. Mas alam niya ang lahat ng tungkol sa mga painting nito.

Napalingon sa kaniya ang lalaki at ngumisi. "I know right? Draco is a genius. This style is called watercolor tattoo. It takes a lot of skill and talent to perfect this style. And the woman he painted is my wife, by the way. While the anchor means that she makes my life stable. She's the anchor of my life."

Napakurap si Janine. Wow. Ang sweet naman pala ni Bill. Pagkatapos ay napatingin siya kay Draco. "May ibig sabihin pala ang tattoos?"

"Oo. Hindi ako naglalagay ng tattoo sa isang tao nang basta-basta lang. Unless there's a meaning they want to impart, I will never ink their skin. Permanente ang tattoo kaya gusto ko na napag-isipan nilang mabuti bago sila magpapalagay. Ayokong dumating ang panahon na magsisi sila. Isa iyong insulto para sa tattoo artist na tulad ko," paliwanag ni Draco.

"Oh. So ganoon pala," nausal ni Janine. Akala niya noon ay basta trip lang ng mga taong may tattoo ang mga nakalagay sa balat nila. Mukhang hindi pala lahat ay ganoon. Isang patunay na hindi dapat basta hinuhusgahan ang isang tao. Lalo na sa pilipinas na may hindi magandang opinyon kapag nakakita ng may tattoo.

"Draco is particularly good at making tattoos for women. That's why most of his clients are female. In fact, my wife was the one who introduced us," sabi ng foreigner.

Bumalik ang tingin ni Janine dito at ngumiti. "I see."

Ngumiti din sa kaniya ang foreigner. "Well, I have to go now. It was nice meeting you, Janine."

"Nice to meet you too," nakangiting sagot niya. Tumango ang foreigner at saka lumabas ng silid. At dahil kanina pa nasa labas si Mao ay silang dalawa na lamang ni Draco ang naiwan sa loob.

Bumaling si Janine sa binata at pabirong umangat ang mga kilay. "So, marami kang kliyente na babae?"

Ngumiwi si Draco at nag-iwas ng tingin. "Yeah."

Napangiti siya. "Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Nagtatanong lang naman ako."

Naningkit ang mga mata ni Draco. "You're teasing me?"

Ngisi lang ang naging sagot ni Janine. Oo at medyo naba-bother siya sa isiping maraming babae ang lumalapit kay Draco. Pero pagkatapos niyang makita ang mga painting nito ay nawala ang insecurity niya.

"You really are teasing me," usal ni Draco na inilapag ang mga gamit sa lamesa, tumayo at naglakad palapit sa kaniya. Napaderetso ng upo si Janine nang huminto sa harap niya ang binata at ipinatong ang mga palad sa magkabilang gilid ng sandalan ng silya kung saan siya nakaupo. She was trapped between his arms. Nagliparan ang mga paru-paro sa kaniyang sikmura nang tingalain niya si Draco at makita ang mapang-akit na kislap sa mga mata nito. Niyuko siya nito hanggang magkapantay ang kanilang mga mukha. "Hindi mo ba naisip na baka gumanti ako?" mahinang tanong nito.

Nanuyo ang mga labi ni Janine sa tindi ng init ng titig ni Draco. "How are you going to tease me?" ganting tanong niya.

A sexy smile curved his lips. Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kaniya at nahigit ni Janine ang paghinga. "Like this," bulong ni Draco at ginawaran siya ng magaang na halik sa kaniyang pisngi. Pagkatapos ay lumapat din ang mga labi nito sa tungki ng kaniyang ilong. Pagkatapos ay sa gilid ng kaniyang mga labi. At nang sigurado na si Janine na hahalikan siya ng binata sa mga labi ay napapikit siya sa antisipasyon. Subalit himbis na dumampi sa mga labi niya ang halik ni Draco ay naramdaman niya iyon sa may tainga niya. Pagkatapos ay sa sentido at halos buong mukha niya maliban sa kung saan talaga niya iyon gustong lumapat.

Nang mainip ay nagmulat ng mga mata si Janine at tiningnan ang binata. "Draco," pareklamong usal niya.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng binata at muling hinalikan ang gilid ng kaniyang mga labi. "Hmm?"

Kumibot ang mga labi ni Janine nang dumampi naman sa kabilang gilid ng kaniyang mga labi ang halik ni Draco.Nakakaramdam na siya ng frustration at pagkainip nang lumayo na naman ang halik nito at mapunta sa sentido niya. "Draco. Stop teasing me," frustrated na daing ni Janine.

Mahinang tumawa ang binata at muling hinalikan ang kaniyang pisngi. Hindi na nakatiis si Janine. Ikinulong niya sa dalawang palad ang magkabilang pisngi ni Draco at nagkusa nang siilin ng halik ang mga labi nito. Sandali lang natigilan sa pagkabigla ang binata bago niya naramdaman ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. And then he took over the kiss. Muling napapikit si Janine nang palalimin ni Draco ang halik. Katulad noong unang beses na naglapat ang kanilang mga labi. Katulad ng halik na gusto niyang igawad nito sa kaniya sa nakaraang mga araw. Subalit sandali pa ay nasiguro niyang iba rin iyon sa una nilang halik.

Draco opened his mouth like a lion that was about to devour its prey. Pagkatapos ay kinagat nito ang ibabang labi niya bago iyon sinimsim na tila uhaw. Napaungol si Janine at napakapit sa magkabilang balikat ng binata. Para kasing biglang nanlambot ang buo niyang katawan at kung hindi siya kakapit ay baka matunaw na lamang siya sa epekto ng halik nito sa kaniya. Subalit kahit na nawawalan na ng lakas si Janine ay ayaw naman niyang matapos ang sandaling iyon. She wanted to kiss him back. Gusto niyang iparamdam kay Draco ang nararamdaman niya sa tuwing hinahalikan siya nito. Pero bago pa niya iyon magawa ay nakarinig na siya ng katok mula sa nakapinid na pinto ng silid.

Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon