CHAPTER 3

3.8K 122 37
                                    

TWAYLEM
"Babe, we're having a boys night out." Napakunot ang noo ko nang marinig ko iyon. "With?? Tororotot and Takatak boys?"

Ngumiti si Tao habang inaayos ang damit niya. "No, workmates. Alam mo naman bago pa lang ako sa work so kailangan kong makisama sa mga work-mates ko."

Ibinababa ko yung book na binabasa ko. "Anong oras ka uuwi??"

Hindi ko alam kung bakit parang naiinis na ito sa mga usual na tanong ko sa kanya.

"Uuwi din ako. Tsaka minsan lang 'to. Huwag kang mag over think." Ngumiti si Tao pag katapos. Ayokong i-entertain tong mga tumatakbo sa isip ko. Pero kasi, parang may sinasabi 'tong puso ko.

Ayoko na lang din pansinin, dahil sabi nga ni Donald kung mag papakain ako sa ka negahan ko talagang masisira ang araw ko.

Napatingin kaming pareho sa pag beep ng phone niya.

"Dami yatang tumatawag sa'yo?" Nang aktong kukunin ko iyong phone niya kinuha niya ito sa akin.

"Are you hiding something from me?" Ewan ko ba. Parang kinukutuban talaga ako.

"Wala..wala akong tinatago. Hey, ikaw lang." I rolled my eyes heavenwards. Hindi na lang ako umimik pag katapos.

"Aalis ako ng nakasimangot ka, ayoko ng ganyan Twaylem." Umiling lang ako. Sinabi ko na lang na may Pms ako kahit ang totoo di ko alam ano ba talaga problema ko.

Nang ihahatid ko na ito palabas, dumating bigla si Danger.

"Kamusta??" Masiglang bati ni Danger sa akin.
Kailan pa siya dumating? Kasama niya din si Zone.

"Pare, aalis ka?" Tanong nito kay Tao. "Oo pare. Si Twaylem na muna ang bahala sa inyo. Feel at home. Mauna na ako."

Humalik ito sa aking noo at tuluyan ng umalis. Umakbay sa akin si Danger, just like the old days.

"Naka simangot na naman ang Eskepik namin. Anong problema??"  Huminga lang ako ng malalim at umiling.

"You can't fool me, Twaylem."

"Para kang sira. Wala nga! Tara na lang sa loob." Sumunod na lang ito sa aking sinabi.

Pumunta kami sa may living room, kasama itong mag kapatid.

"Okay ka lang?" Tanong ni Danger sa akin. "Yeah okay lang. Siguro."

Yinakap ako bigla ni Danger. "H-hoy Danger, ano ba."

"I like ate Sue, pero I think much better kung ikaw nakatuluyan ni kuya." Natawa na lang kami pareho sa sinabi ni Zone.

"Pinag tutulungan niyo ba akong mag kapatid ha?? Fyi, nasa pamamahay ko ka---"pinahiran ni Danger ng ice cream ang pisngi ko.

"Ang dami mo pa rin sinasabi Twaylem. Manood na lang tayo." Tsaka ito ngumiti.

Kung totoosin, hindi ko talaga deserve tong si Danger. Masyadong mabait para sa akin. Masaya ako at nag katuluyan sila ni Sue.

"Alam mo ate, sayang no? Di kayo nag katuluyan ni kuya." Ano na naman ang ganap ng batang ito??

"Zone, huwag ka ngang ganyan. Masaya na si ate Twaylem mo." Sagot naman ni Danger sa kapatid niya.

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now