CHAPTER 14

4.4K 130 51
                                    

TAO
"Tao, ano ba! Ayusin mo na iyong buhay mo." Ilang araw na akong hindi lumalabas ng bahay. It's been 2 months since the day na pinili niyang makipag hiwalay sa akin.

Araw-araw kong chinicheck ang social media accounts niya. Inaabangan ang mga nangyayare sa buhay niya. I tried to message her certain times.. pero, hindi nito sinasagot ang mga tawag ko.

"Kyd, inom tayo." Tumigil si Kyd sa pag lilinis ng mga kalat sa kwarto ko. Mga lata ng alak, bote at kung anu-ano pa. "Pare naman.. tama na."

"Pre, ang sakit sakit pa rin. Hindi ko pa rin matanggap. Ang gago ko. Sobrang gago ko." Tumahimik lang si Kyd. "Bakit ganon pre? Bakit ngayon lang ako natauhan? Kahit saan ako lumingon siya lang nakikita ko."

Tumunog yung phone ko, isa lang ang ibig sabihin nun. May update si Twaylem. Mabilis kong chineck yung phone ko.

 Mabilis kong chineck yung phone ko

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


Nag palit ito ng profile picture. Tinanggal niya na yung picture namin na mag kasama. Gusto ko na mahaba yung buhok niya.

Dear self, you are worth it.

Iyon ang caption ng picture niya.
"Pare, bakit ang sakit sakit?" Hindi ko mapigilan 'yung sarili ko na ngumalngal.

Alam niya na gusto ko kapag mahaba 'yung buhok niya. "Pare.. gusto ko siyang makita."

Lumapit lang si Kyd sa akin. "Kaso, ayaw ka na niya makita. Tao, pare.. kailangan na natin tanggapin. Wala na si Twaylem."

Itinaboy ko si Kyd, "Hindi mo ako naiintindihan."

Mas lalo akong nabaliw nang may mag comment na lalaki sa profile picture niya.

"Nice meeting you, Miss Flynn." Steven Moran
"No worries." -Twaylem
"Nice shot, btw."
"Thanks."

Hindi ako nakapag pigil. At minessage ko iyong lalake. Pumasok si Kuya Uno sa kwarto ko at may dalang kape.

"Bakit galit na galit yan Kyd?" Walang idea sa Kyd sa ginagawa ko. Pinilit na kunin sa akin ni Kuya yung telepono ko. Naka 3 mahabang messages ako. Cursing him at kung anu-ano pa.

"Bro, tumigil kana."

"Ibalik mo sa akin yan! Pag nakita ko yang tanginang yan bubugbugin ko!" Galit na galit na sabi ko.

"Tao, calm down." Pag kakalma sa akin ni Kyd.

"Inaagaw nya si Twaylem! Akin si Twaylem!!!"

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu