CHAPTER 5

2.9K 88 18
                                    

Hello, yung story na 'to is.. 10 chapters or 12. I am planning to finish this today. So stay tuned. 💜

Twaylem
Lumipas ang mga araw na nag papanggap akong masaya sa tuwing uuwi si Tao. Madalas na rin itong late umuwi. Tuwing tinatanong ko naman ito, madalas niya akong sigaw-sigawan na akala mo kung sino na lang ako sa buhay niya.

Habang nakatingin ako sa kawalan, hindi ko namalayan na may tao na pala sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa bahay. Monthsary namin ni Tao, pero parang nakalimutan niya yata.

"Hey..." nagulat ako nang bigla akong kurutin sa pisngi ni Danger. "You seem, sad."

Ngumiti lang ako bilang pag tugon kay Danger. "O-oo naman no! Ako pa ba."

Pinagmasdan ni Danger ang mga pag kain na nakahain sa lamesa.

"Mukha namang hindi ako mamatay sa mga niluto mo. Mukha silang masarap." Napangiti ako sa sinabi ni Danger.

"Sira.."

"P-pero.."hinawakan nito ang kamay ko. "Puno naman ng sugat kamay mo. Bakit hindi ka nag paluto sa mga kasama niyo sa bahay??"

"Gusto ko kasi.. ako mag luto. Minsan lang naman sa isang buwan 'to e. Tsaka ano ka ba.."binawi ko ang kamay ko sa kanya. "Malayo naman yan sa bituka. Kaya huwag mo na lang pansinin."

Ngumiti sa akin si Danger.

"Bakit pala nandito ka?" May kinuha ito sa bulsa niya. "Gusto kitang imbitahin,sa engagement party namin ni Sue."

Natuwa ako sa narinig ko mula kay Danger. "Akalain mo nga naman.."

"I know.. Twaylem, I just want to let you know na.. kahit hindi tayo 'yung nag katuluyan you will always be special to me. I know my limitations.. pero ikaw pa rin yung greatest ko. Syempre, sa ngayon.. iba na. Kasi mas mahal ko na si Sue."

Bahagya ko itong sinuntok sa braso. "Gago, mag move on kana. Pareho na tayong ikakasal kaya umayos ka."

"Sinasabi ko lang."

Nanahimik siguro kami ng mga ilang minuto. "Anyway, napadaan lang ako para ibigay yan. I hope to see you there."

Nang aktong aalis na si Danger, di ko alam anong pumasok sa utak ko at bigla na lang akong naiyak.

Medyo nag panic ito.. bumalik ito sa tabi ko at yinakap ako. "Alam mo, pwede ka naman mag sabi sa akin."

Tumingin ako sa mga mata ni Danger.

"Bat ganon? Pakiramdam ko hindi na niya ako mahal." Kumunot ang noo ni Danger. "Sino? Si Tao?"

Humagulgol lang ako ng humagulgol. Ang sakit sakit kasi, ang lakas ng pakiramdam ko na may iba na siya.

"Monthsary namin.. pero parang wala lang lahat sa kanya."

"Alam mo Twaylem, iba na kasi ngayon. Syempre matatanda na tayo. Wala na yung kilig.. 'di katulad ng dati." Walang tigil ang pag agos ng aking mga luha.

"Pero may iba na ba siya?"

"Kausapin mo muna siya. Huwag ka munang mag isip ng kung anu-ano. Kalma lang ha??" Hinalikan ako ni Danger sa noo.

"Paano kung ginago niya ako?? Anong gagawin ko??"

"Edi babawiin kita sa kanya."

"Sira." Sabay hampas ko sa braso ni Danger. "Joke lang. Atleast diba?? Ngumiti ka. Huwag kang mag alala Twaylem, magiging okay din ang lahat. Huwag ka na umiyak. Hindi bagay."

Pinisil nito ang mag kabilang pisngi ko.

"Haaaghhhhhraaaaay!!!!" Sigaw ko.. pero halos mamatay matay sa tawa si Danger nang gawin niya iyon sa akin.

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα