CHAPTER 4

2.9K 101 29
                                    

Twaylem
"Good morning." Humalik ito sa akin. Amoy alak pa rin ang hininga nito. Gustong gusto kong magalit sa mga oras na 'to. Pero alam ko pag nag palamon ako sa galit ko, hindi maaayos ang gusot.

Kinuha niya yung phone nya sa may side table. Pinag masdan ko ito. He was smilling na parang baliw.

"Nag enjoy ka ba last night??" I asked him. Pero mukhang hindi siya nakikinig. "Parang ang saya mo??"

Ngumiti ito sa akin at yinakap ako. "Because of you."

Liar.

"Tao, what if dumating yung araw na.." mukhang naiirita ito bigla sa sinabi ko. "Ayan ka na naman. Nag o-over think ka na naman." Iritang sabi nito.

Hindi na lang ako umimik pa. Hinayaan ko na lang ito. Baka naman mamaya wala lang iyon? Baka naman mamaya, nag enjoy lang talaga siya??

Tinapik ko ang aking mukha. At tinignan ko na lang itong si Tao. "I trust you."

Humalik ito sa aking noo. "I promise that I will not hurt you."

But, you're starting to hurt me now. Please, huwag ngayon Tao. Huwag mo akong saktan ngayon. Hindi ko alam saan ako pupulutin. Hindi ko kaya.

"Kumain na lang tayo." Humalik ito sa noo ko. Pero naka focus pa rin ito sa phone niya.

Ano Twaylem? Bubulag-bulagan ka na naman?

Syempre.. mahal mo yan e.

Nung araw din na yon pumunta kami sa isang coffee shop kasama ang mga L.A girls. Wala yung mga boys e. May mga work na din.

"Grabe no, kami din pala ni Kyd mag kakatuluyan." Proud na sabi ni Riyee sa amin. Napansin yata nila na wala ako sa sarili ko.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Donald. "Oo naman."pag sisinungaling ko.

Nabaling lahat ang atensyon nila sa akin. "Bitch, hindi ka makakapag sinungaling sa amin. Bawat utot at hininga mo alam namin. Kaya, huwag kami." Mataray na sabi ni Harper.

"I cannot offer you my lollipops Twaylem. Kasi you're lying." Ano ba sila?? Mga kampon ni Mike Enriquez? Mg imbestigador?

"Okay sige." Kinuha ko yung phone ko at pinabasa sa kanila yung nakita ko kagabi.

Sabay sabay silang tumingin sa screen shot na nakuha ko sa phone Tao. Si Riyee ang pumukaw ng atensyon ko.

"Saglit nga.. Annalisa." Saad ni Riyee. "Secretary yan ni Kyd! Patingin nga ng number." Nung sinabi iyon ni Riyee, bigla akong nanlamig.

"Confirmed. Siya nga." Hindi ko alam bakit bigla akong nanginginig. Ano tong nangyayare sa akin?? Ginagago na ba talaga ako ni Tao??

Pero nag propose siya sa akin. Hindi naman siguro no?? Paano kung.. tama ang inisip ko??

"Okay ka lang??" Lumapit sa akin si Donald. Kahit naiiyak na ako.. pinilit ko pa rin ngumiti. "Oo naman!! Sus."

Pero bakit ganon? Para na namang kinukurot ng madaming beses yung puso ko??

"Di ka ba ininform ni Tao?? Mag kakasama sila kagabi."

"Nako ha, pag iyang si Tao na yan! Talaga naman." Inis na sabi ni Harper.

"If I were you? Kakausapin ko yang bf mong magaling. Tsaka pangalan pa lang yang Annalise na yan tunog ahas na." Pag mamalditang saad ni Mea.

"Danger, was with me tho."

"Danger? Do not tell me.hanggang ngayon hindi pa yon nakakamove on sa'yo?" May pag tataaray sa boses ni Donald.

"Huwag nga kayong ganyan. Masaya na sila ni Sue. Mang gugulo pa ba tayo?" Nagkatinginan lang ang mga ito.

Huminga ako ng malalim. Totoo ba 'to??

"Pero hindi ko maintindihan, bakit hindi nila ako sinabihan?" Tumingin sa akin si Riyee.

"Alam mo naman pala to Riyee bakit hindi mo magawang sabihin kay Twaylem? Mukha tuloy tanga yung tao." Siryosong sabi ni Donald.

Maya maya pa'y dumating si Kyd.

"Kyd,mag kakasama pala kayo kagabi. Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?" Ngumisi si Kyd. Na para bang naiirita ito sa aking tanong.

"Eh ano naman kung mag kakasama kami?" Nagulat kaming lahat sa tono ng pananalita ni Kyd.

"Hoy Kyd Hakeem Choi ha! Umayos ka!" Pag tataray ni Riyee

"Ano bang problema doon? Kaibigan din naman namin si Tao. Masama ba na lumabas kaming mag kakaibigan?" Sa totoo lang hindi maintindihan bakit ganyan si Kyd.

"Galit ka ba?" Tanong ni Harper

"Hindi ako galit. Pawang katotohanan lang ang sinasabi ko "

"Kung may problema ka kay Tao, Twaylem pwede bang huwag mo namang siraan yung kaibigan ko."

"Teka nga Kyd,ano bang problema mo? Bakit sa tono ng pananalita mo may ginawang malaking kasalanan si Twaylem sa'yo. Umayos ka nga!" Tinulak ni Kyd si Donald.

"Isa ka pang bakla ka." Doon na nag pantig ang tainga ni Riyee at nasampal niya si Kyd.

"Simula ng dumating yang babaeng yan sa buhay natin puro na lang gulo ibinibigay niya."

Nagulat ako sa sinabi ni Kyd. "May galit ka ba sa akin? Anong nagawa ko sa'yo? Bakit bigla kang naging ganyan sa akin?"

Tinignan niya lang akonng masama. "Huwag mo ng itanong. Dahil kahit kailan hindi mo ako maiintindihan."

Linagpasan lang ako ni Kyd. Linapitan ko si Donald at hinawakan ang kamay.

"Donald,pasensya kana." Tinapik niya alng ako sa braso. "Tanga ka ba Twaylem? Sana'y na tong katawan ko sa mga bugbog. Okay lang ako."

Hindi ko pinahalata sa kanila na naapektuhan ako sa mga sinabi ni Kyd. Iniisip kong mabuti kung may nagawa ba akong masama.

"Huwag kang mag alala Twaylem, ako na bahala kay Kyd. Medyo tumatanda na kasi.. tsaka pagod sa work." Sabi ni Riyee.

"Kahit naman na pagod siya wala pa rin siyang karapatan na manasakit." Nag kibit balikat na lang ako sa sinavi ni Mea.

"Hayaan niyo na lang. Huway niyo na lang din pansinin." Tumayo na ako.. at pumunta sa may banyo.

Hindi ako makahinga. Parang sasabog itong dibdib ko sa sakit. Masakit na din ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan bakit naging ganon si Kyd sa akin.

Nakita kong may nag pm kay Tao sa kanyang social media. Chineck ko kung sino..

Miss.Anna
See you later,boo.

Hindi ako mapakali. Nararmdaman kong ginagago talaga ako ni Tao.

Anong gagawin ko??
Hindi ko alam...

Itutuloy..

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now