CHAPTER 12

4K 117 40
                                    

TWAYLEM
Alam ko, its really time to say goodbye to each and everyone of them. I fixed everything. I already move out doon sa bahay na binili ni Tao for both of us.

"Sure ka na ba na aalis ka?"tanong sa akin ni Donald habang inaayos ko ang mga gamit na dadalhin ko papunta sa Paris.

"Wala na bang makakapigil sayo Fifi??" Tinapik ko ito sa balikat. "Mas mabuti na 'yung ganito. I need place to breathe.."

"And a place to heal. Tsaka na siguro ako babalik pag okay na ako." Kalmadong sabi ko kay Donald. 2 weeks na din yung lumipas after nung huling mag usap kami ni Tao. And according kay kuya Uno. He is not doing fine.. pero for sure magiging okay din siya.

Suot ko pa rin yung singsing na ibinigay niya sa akin. "Kailangan ko na lang din siguro makita silang lahat bago ako tuluyang umalis."

May pinareserve akong restaurant para sa farewell party ko.

"Paano kung di sila pumunta??" Tanong sa akin ni Donald habang inaayos niya ang coat ko. "Okay lang. Then I guess, wala na akong magagawa. I cannot force them."

"Ang drama naman niyan fifi! Pero, fifi feeling ko.. gusto kong ma kompleto tayong lahat. Malapit na birthday ko. We'll never know kung hanggang kailan lang tayo sa earth." Pag bibiro ni Donald.

"Matagal ka pang mabubuhay dito. Kaya huwag ako. Pag masamang damo, matagal kinukuha ng langit. Mabait ka ba??" Nag tawananan lang kaming dalawa.

"Pero mamimiss kita." Malungkot na sabi ni Donald. "Kadiri man aminin, pero mamimiss din kita. Thank you for being my bestfriend."

Ngumiti ito bago nag salita. "So kinoconsider mo akong bestfriend??" I rolled my eyes heavenwards. "Bitch, you are the best bestfriend that I ever had."

Tuwang tuwa ito sa sinabi ko. I never show appreciation to Donald. Kasi hindi naman ako yung affectionate na tao. Dinadaan ko lang sa pambubugbog lahat ng lambing ko.

"Thank you for everything, D." Humawak ito sa kamay ko. "You're welcome, Fifi."

Habang nag hihintay ako sa kanilang lahat sa restaurant. Nag flaflash sa malaking screen yung mga photos namin.

Tumatawa lang ako sa tuwing nakikita ko yung mga high school pictures namin.

Siguro ito na nga din talaga yung dulo ng story naming mag kakaibigan. Tapos na siguro yung role nila sa buhay ko kaya kahit masakit. I need to let them go.

Si Donald lang yung nandoon at si Ava. Late na din dumating sina Sue at Danger.

Lumapit sa akin sina Donald. May dala itong cake. "Bon voyage Fifi!!!"

Tuwang tuwa silang kumanta. Samantalang ako nakatingin pa rin dito sa isang mahabang lamesa. Empty seats. Huminga na lang ako ng malalim at hindi na lang din nag pa apekto sa nangyare.

"Mag iingat ka doon ha??" Sabi sa akin ni Danger. "Oo naman. Basta huwag na kayong mag hihiwalay. Ingatan mo si Sue."

"Salamat Twaylem. Mamimiss ka namin." Yumakap sa akin si Sue. Mayamaya pa'y dumating si Danita.

"Ohh, wow." May ibinigay ito sa akin. I'll be leaving with her kasi. "Well, akala ko naman nandito silang lahat. Nakakalungkot naman." Sabi ni Danita.

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now