CHAPTER 17:FINALLY HAHAHAH

2.1K 72 18
                                    

TWAYLEM
Pinag mamasdan ko lang si Tao nang mga oras na iyon habang nakaupo malapit sa kabaong ni Donald. Ang daming nag bago sa mga buhay namin. Linapitan ko ito at inalok ng kape. Balisa pa rin ito at halos hindi makausap. Sabagay, sa nangyare ngayon. Sino ba ang matutuwa?

Reunion nga, pero burol ang dinatnan namin. Lahat hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Pero after all this time, hindi ko pa rin maitanggi. Galit pa rin ako kay Tao.

Tumingin lang ito sa akin, pinipigilan nito ang kanyang emotion. Ayaw na ayaw ni Tao na nakikita siyang umiiyak ng mga tao sa paligid niya.

"Bakit hindi niyo agad sinabi." natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Matagal niya ng ginagawa to. May pumapansin ba? Wala naman hindi ba? Tsaka simula nang mag hiwalay tayo pinutol mo na din komunikasyon mo sa amin. Hindi ko nga din maintindihan, kaibigan mo sila. I mean, mas nauna mo silang naging kaibigan. Pinag palit mo sila kay Annalise?" sarcastic na sabi ko.

"That bullshit right? I mean, sobrang gago mo sa part na yon. Kaso andyan na yan e. Namili ka. Desisyon mo yun, so wala ako sa lugar para pakialaman ka. Pero siryoso? pati sila tinalikuran mo nung nang hiwalay tayo? Pati sila dinamay mo sa away natin. GOD, thats so unbelibavel." tumango-tango lang si Tao sa mga sinabi ko.

"Wala akong alam. Naligaw ako."napamura na lang talaga ako. Hanggang kailan ka ba magiging tanga, Yoshida? Tangina naman e.

"Sa lahat ng naliligaw, ikaw yung pinaka gago. As in, solid." pinipigilan ko ang sarili ko na wag umiyak sa harapan niya. Pero yung mga luhang pinipigilan ko, yung luha ng pag kagalit.

"Kung mag ri-reason out ka naman. Galing galingan mo. Naligaw? Ang sabihin mo. Ginusto mo rin naman. Alam mo naman yung pabalik sa akin, pero mas pinili mong ipag laban yang katangahan mo."

Kinuha ko yung singsing. "Next time na mag bigay ka nito, please. Panindigan mo. Ilang beses ko gustong sunugin yang singsing na yan e. Aalok-alok ka ng kasal tapos mang iiwan ka sa ere? Funny ka."

Nakikita kong nasasaktan na ito sa mga sinasabi ko. Pero tangina. "Alammo Yoshida? Wala kang karapatan na mag inarte e. Kasi, ikaw yung nanakit in the first place. Kaya tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo." naiyak na din ako.

"Tigilan mo ako. Nung ginawa mo yung panloloko mo sa akin, pinag laban mo pa diba? Tinanong pa kita kung sure ka, anong isinagot mo? Mahal mo siya?" sinusubukan niya akong pakalmahin pero galit talaga ako.

"Pinag palit mo yung ilang taon para sa babaeng kailan mo lang nakita? Tapos nung natauhan ka na mahal mo pala ako, babalik ka na parang wala lang? The damage has been done. At inabot pa ng ilan taon bago mag sink in sayo? Hindi ka naman late bloomer, kaso.. Haaay." nag punas ako ng luha at nginitan ko na lang ito.

"Don't act as if hindi ka na inform. Ngayon ka mag sisi, ngayon wala na siya? Oh, by the way. Im not guilt tripping you. I'm just stating facts here." nakita kong mapabuntong hininga na lang si Tao.

Siguro nga nakapag patawad na ako. Pero nakalimot? Parang hindi pa rin.

Alam ko masyado akong naging marahas sa mga oras na iyon. Pero, iyon naman ang totoo.

Tumingin sa akin si Tao na para bang nasaktan ito sa sinabi ko. "Did I hurt you? I mean, did I offended you?" hindi siya makatingin sa akin.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?" natawa ako sa itinanong niya sa akin.

"You already  know the answer, Yoshida. Wala na akong dapat pang i-explain. Tapos na yung tangang era ko. Nasa present na tayo huy. Move on din." Bakit ko nga ba ito nilapitan?

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now