Prologue

55.3K 907 98
                                    

Ang boring ng buhay.

Nakatingin ako sa mga kasamahan ko sa band na abala sa pag-eentartain ng kani-kanilang mga fans. Eto naman ako nakaupo lang sa isang table ng club na 'to habang pinapanood sila. May mga ilang fans ko ang sinubukang lumapit sa'kin para magpapicture pero tinanggihan ko sila. Hindi naman ako kumakanta para may mainspired o hangaan ng iba. Kumakanta ako dahil 'yon ang passion ko.

Ako, si Gab, Carlos and Miguel ay may bandang tinatawag na The Dreamers. Ewan ba kung saan napulot yung pangalan. Basta si Gab ang nag-isip nun e. Ako ang vocalist si Gab and Carlos guitarist, Miguel ay drummer.

Noon, gusto lang talaga namin ang tumugtog. Pampalipas oras namin ang pagtugtog at pagperform sa university namin. Di namin inakala na mamahalin at hahangaan kami ng marami. Sa isang iglap naging sikat kami sa buong bansa.

Nilagok ko na lang yung alak na nasa table ko. Fuck! Ganito pala lasa nito. Ang panget kase. Sa sobrang boring ko ngayon pati alak napagtripan ko na. First time ko lang din uminom nun.

"Pagbigyan mo naman yung mga fans mo sa'yo." pauna ni Gab nang lumapit sa'kin.

"Gab, I told you! Wala akong maibibigay na atensyon sa kanila." wika ko.

"I know. Pampalipas oras mo lang pala ang pagkanta 'no."

"My passion too," dagdag ko.

Tumango siya at ininom ng dire diretso sa harap ko yung alak na inorder niya. Di ko maiwasang mapangiwi dun. Ang sakit kaya sa lalamunan ng alak. Parang nanunusok. Pero bakit etong si Gab ininom ng diretso. Iba talaga kapag alcoholic.

"Kung pwede ko lang agawin yang fans mo ginawa ko na." aniya pero hindi ko pinansin yun.

"Matagal pa ba tayong magpeperform? Boring na ako. Gusto ko nang umuwi."

"Mamaya pa tayo magpeperform pagdating ng owner nitong club sabi ng manager. Para hindi ka maboring humanap ka ng mapagkakaabalahan dito. Kagaya na lang ni Miguel." tinuro niya yung kinalalagyan ni Miguel. May kausap itong babae. "Mag entartain ka ng babae."

Inilingan ko siya. "Waste of time lang 'yan."

Iiling iling din siya at binigyan ako ng ekspresyon na para bang hindi makapaniwala sa'kin. "Alam mo dude, napakaswerte mo. Single ka at wala kang sabit. Pwede kang lumandi sa kahit kanino any minute. Samantalang ako hindi dahil nakatali na. Fuck! Pati kaluluwa ko yata itinali niya na rin sa kanya."

Napangisi na lang ako sa ekspresyon niyang mukhang luging lugi. Yan ang napapala ng mga taong maagang naiinlove. Si Gab kase may girlfriend siya na sobrang possesive at abnormal. Tapos medyo childish din. Siguro kung may ganun akong girlfriend baka magpatiwakal na lang ako. Ang hirap kaya kapag nakatali. Para ka na rin nung nakakulong. Yung para bang dapat nakadepende ka sa kanya. Lahat ng sasabihin o iuutusan niya ay gagawin mo.

Fuck! Kahit kailan hinding hindi ako maggigirlfriend ng katulad ng kay Gab. Mas maigi nang maging ganito habang buhay kaysa matali sa katulad ng girlfriend ni Gab.

"May problema nanaman ba kayo?" tanong ko, kapag may problema sila ng girlfriend niya, ako talaga madalas ang takbuhan niya. Yung iba kaseng kasamahan namin sa banda sawang sawa na sa drama niya. Sinusuggest na nila kay Gab na hiwalayan na ang girlfriend pero ayaw naman niya.

"Niheart ko kase yung post ni Collin sa instagram eh." kamot ulo niyang wika.

"Collin? The model?"

Tumango siya. "Ang sexy niya kase sa latest post niya sa instagram. Nakaswim suit lang siya na red. Niheheart niya rin naman yung mga post ko kaya niheart ko rin yung post niya."

My Possessive Girlfriend (Girlfriend Series #l)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon