Chapter Ten

12.7K 211 21
                                    

(A/N)

Marami ulit typos tsaka wrong grammars.....

---



Tirik na ang araw sa labas tapos ako heto, nakahiga pa rin. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Para akong nabugbog. Kulang ‘yung isang araw na pahinga, gusto ko one week.


Si Cesaira Keanne kase ang may kasalanan ng lahat ng ‘to. Pinahirapan niya ako last night. Ang hirap maging bodyguard slash boyfriend niya.

Hindi nya na tuluyang naalala ‘yung passcode ng condo niya kaya dun siya nagpahatid sa malayong mansion nila. Tapos nung pauwi na ako naabutan pa ako ng rush hour. So ayun, nastuck ako sa matinding traffic.

Mabuti nga’t nagawa ko pang maligo at magpalit pag-uwi ng bahay. Kahit mukha akong lantay gulay nung umuwi.

Gusto ko na sanang umabsent ngayon dahil feeling ko wala pa rin akong lakas. At isa pa ayoko rin makita si Cesaira Keanne. Kahit one day sana bigyan niya naman ako ng break.

Pero naisip ko may practice  kami ngayon kaya naman agad akong tumayo kahit ‘yung lakad ko pang lantay gulang. Ano kayang pwedeng kainin sa breakfast para magkaroon ako ng energy sa katawan?

Tinatamad akong kumilos ng sobra kaya saglit lang akong naligo. Di ko na ginamit ‘yung sabon ng katulong namin kase nagkanda pula pula ‘yung balat ko at nangati nung last na ginamit ko ‘yun. Sabong panlaba yata ‘yung sabon ni Yaya.


Ilang minutes na lang malalate na ako kaya mabilis na akong kumilos. Saglit lang akong nagbihis at nag-ayos ng konti sa sarili bago ako bumaba.

Nakasalubong ko pa si Mama sa hagdan. “Oh! Nakabihis ka na pala. Pupuntahan na sana kita sa kwarto mo para gisingin. Anyway, breakfast na tayo.”

Dinala ako ni Mama sa dining. Mabuti at marami siyang hinandang pagkain. Hay! Kakain talaga ako ng marami para manumbalik yung energy ko sa katawan.



“Jyren, pakisabi sa girlfriend mo na nagustuhan ko ‘yung regalo niya. I really appreciate it. Tsaka infairness sa kanya alam niya yung paborito kong damit. Sinabi mo ba sa kanya?”

Napatigil ako sa pagsubo at umiling kay Mommy. “I didn’t.” maybe nag-imbestiga yun.

“Maybe she noticed already na mahilig ako sa floral. Halata naman sa garden kong mabulaklak.”

Natango na lang ako kay Mommy.

“Kuya how about me? Bakit ako hindi niregaluhan ni Ate?” nagmamaktol na sambit ni Jycy.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Aba’y bakit sa akin ka nagmamaktol? Sa kanya ka magmaktol wag sa’kin. Siya naman ang nagregalo kay Mama.”

Ngumuso naman si Jycy. Tsk! Parang bata. “Pupunta ba siya dito?”

“I don’t know.” diretsa kong tanong.

“Bakit di mo alam? Girlfriend mo siya hindi ba?”

Jycy was so annoying kaya imbes na tapusin ang pagkain ay nagpaalam na ako kay Mama para pumasok. Nabitin ‘yung kain ko pero atleast may energy na ko sa katawan.

Chineck ko ‘yung phone ko, may text si Cesaira at Gab. Syempre una kong binuksan ‘yung kay Cesaira.

From: Crazy woman

‘Anong oras kang pupunta dito? Nakaready na ako.’

Kahit medyo naiinis ako sa text niya ay nagawa ko siyang replayan.

My Possessive Girlfriend (Girlfriend Series #l)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon