Chapter Seven

14.2K 214 2
                                    






Pagkasapit na pagkasapit pa lang ng lunchbreak nakareceive na ako ng text galing kay Cesaira.


From: Crazy woman


‘Sabay tayong maglunch’





Hindi ‘yon tanong. Utos ‘yun. Utos na dapat kong sundin. Naisip ko bigla, siguro kaya ako napapagod kapag kasama ko siya ay masyado akong reklamador. Although, karapatan ko namang magreklamo. Pero narealize ko kahit magreklamo ako o tumanggi sa kan’ya. I always end up obeying her. I’m her slave. I have no choice but to obey her.



Tsaka bigla kong naisip, siguro mas lalong mapapadali ang lahat kung magiging masunurin na lang ako. Para wala ng away. Para hindi na ako mapagod. At para hindi na ako gaanong mahirapan.


Kahit pa labag sa loob ko ‘yung mga pinagagawa niya. Hihintayin ko na lang ang araw kung saan tuluyan niya na akong papakawalan.


Pero kailan kaya darating ang araw na ‘yun?



Pagkalampas ko sa building ay naispatan ko agad siyang naglalakad. Normal lang naman ‘yung lakad niya. Hindi ‘yung tipong pasway sway yung hips. Basta simple lang. Pero headturner. May ilang lalake siyang nakakasalubong na naiiwan ang tingin sa kanya. Maybe, totoo nga yung sinasabi ng karamihan na marami siyang naging manliligaw na maimpluwensyang tao.


Pero bakit ako? Bakit ako ang pinili niya?


“Hi baby! Andito ka na pala. Papunta na sana ako sa room niyo. Nareceive mo ba yung text ko sa’yo?”


Tinanguan ko siya.


“Then, let’s go! Let’s have lunch together.” aniya, inilingkis niya ang braso sa’kin at hinila ako patungong cafeteria.

Nakakapagtaka. Bago lang siya sa school na ‘to pero bakit alam niya na agad kung saan nakalocate ang cafeteria. Ako kase, nung first week ko dito sa university  ay nalilito pa ako kung saan naroon ang cafeteria.


Umorder kami ng food tapos ay naupo sa isang bakanteng table. Doon kame pumwesto sa hindi kami gaanong napapalibutan.

Kumain na ako. Ang totoo kung hindi lang sana ako niyaya ni Cesaira’ng kumain ay magpupunta dapat ako sa practice room para magpractice. Hindi naman kase ako gutom.

Pero dahil nga niyaya niya ako at bawal ko siyang tanggihan ay nandito ako ngayon. Hinahayaan ko na lang yung ibang tao na pinapanood ako dito habang kumakain.


Napatingin ako kay Cesaira nang mapansin kong hindi niya pa nagagalaw yung pagkain. Nangangalahati na yung akin tapos yung kanya wala pang bawas kahit isang subo. Baka tama yung hinala ko. Sobrang arte niya siguro sa pagkain at ayaw tanggapin ng bituka niya ang ganyang simpleng pagkain. Sa lahat ng oras ba lagi niyang pinapairal yung kaartehan niya?


“Kung ayaw mo ng pagkain, maiging ipabalot mo na lang at ibigay sa street children. Hindi ‘yang pinaghihintay mo. Masamang pinaghihintay ang pagkain.” arte kase. Kahit sa pagkain na lang nag-iinarte pa. Naiinis nanaman tuloy ako.



She frowned. “Hindi naman sa ganun. Gusto ko ‘yung pagkain.”


I tilted my head. “Then bakit di ka pa kumakain?”


Kumibot kibot yung labi niya. Yung kulay brown niyang mata ay lumikot likot. Para bang hindi alam kung saan ibabaling ang mata.


“Ano kase eh,” pabebe pa.


My Possessive Girlfriend (Girlfriend Series #l)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon