Chapter Six

15.9K 255 8
                                    

Yung paggising na paggising mo sasalubungin ka agad ng kamalasan. Kanina pa tunog ng tunog yung cellphone ko sa tawag ni Cesaira’ng baliw. Ayoko na nga sanang sagutin kaso langya ayaw tumigil. Tawag ng tawag. Can she just give me a break? Pagod na ako sa kanya. I feel sick too!

Lagi na akong puyat kakaisip sa problemang dinala niya sa buhay ko. She messed my own life. At parang mababaliw yata ako kada naiisip na girlfriend ko siya. Tsk! Hindi ko naman ginusto ‘yun. Pero kumagat pa rin ako sa patibong  niya kaya heto, bitag niya ako. Wala akong kawala. Wala akong pwedeng lusutan.

Dinampot ko  na yung phone at sinagot ang tawag ng baliw. Baka mamaya mas lalo pa ‘tong mabaliw.

“Oh?!"

“Oh, talaga? Hindi ba pwedeng good morning muna?”

Aba! Demanding.

“Ano bang maganda sa morning?” humikab pa ako. Antok pa kase ako. Stress talaga ako nitong mga araw. Minsan nga hindi na ako nakakaattend sa mga gig eh. Kaysa naman pilitin ko ang sarili kong gawin ang mga bagay nang wala ako sa kundisyon.

“Ako syempre!” I heard her chuckled. Mas lalo tuloy lumobo yung inis ko sa kanya.

“Cut the crap, woman! What do you want? Bakit ka tumawag?”

“Woman? Jyren, I am your girlfriend now. You should call me baby.”

Baby? Napangiwi na lang ako at napasandal sa head rest ng kama. Nakakadiri! Mas kadiri pa sa poop ng aso  ng kapitbahay namin. I can’t call her baby. Damn!

“Paano kung ayoko?” pagmamatigas ko.

“Kahit ayaw mo gagawin mo pa rin. You have no choice but to obey me Jyren.”

Kahit kailan talaga. Ang talino. Wais!

“You’re nonsense! You know what? Kahit pa nakuha mo na ako, that’s still futile.” laban ko.

“By now, maybe? But sooner or later you fall for me. Hindi ka lang sa mismong bitag mahuhulog kundi sa mismong gumawa ng bitag.”

“Asa ka!” pinatayan ko siya ng tawag.

I can’t contain my anger. Parang lahat yata ng bagay na nakikita ko ngayon gusto kong pagbuntungan ng galit. Etong cellphone ko gustong gusto ko na ring ibato eh. Kung hindi lang ako nanghihinayang. Sana lang talaga walang mambwiset sa’kin ngayong araw na iba dahil baka sila ang mapagbuntunan ko ng galit ko sa babaeng baliw na ‘yun.

Crazy woman:

‘Pumunta ka dito sa bahay! Now na!’

Pagak akong tumawa nang mabasa ko ‘yun. Tingin niya gagawin ko? No way!

Kung nakuha niya ako dahil gumawa siya ng paraan, dapat gumawa rin ako ng paraan para makawala ako. I’ll be her worst boyfriend ever. I’ll make sure of that.

Me:

‘What makes you think na susunod ako?’

From: Crazy woman:

‘Bakit? Nagrereklamo ka?’

Matagal na akong nagrereklamo sa kanya. Ngayon niya lang napansin?


Me:

‘Anong gagawin ko sa bahay niyo?’ I’m busy!

From: Crazy woman

‘Pwede bang pumunta ka na lang ngayon? Don’t be late ah! Masamang pinaghihintay ang girlfriend.’


Ang demanding! Pinipilit ko na nga lang yung sarili ko na sundin siya tapos ganito pa.

My Possessive Girlfriend (Girlfriend Series #l)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon