Chapter 1: Encounter

204 35 0
                                    

Chapter 1: Encounter

"Isa pa! Dito!"

Napairap ako sa pwesto nila. Kanina pa ang table na yan kung pwede talaga malunod na lang sa alak. Masyadong papansin. Anong akala nila ay hindi ko halata?

Nagtungo ako sa table nila at nilapag ang tatlong beer. Kinagat niya ang ibabang labi habang malagkit na nakatitig sa 'kin. Hindi naman kagwapuhan. Pinigilan ko na lang ang sarili na huwag umirap.

"Rev! Dito pa!" Tawag sa 'kin ng bartender. Agad akong nagtungo doon sabay sumipol ang lalaking mukhang uod.

"Kanina ka pa kinukilit ng isang yun ah. Ito table 6." Bungad sa 'kin ni Cristina o mas kilala sa tawag na Tino.

Kinuha ko ang dalawang alak bago napabuntong hininga. "Ang creepy nga eh. Kala mo talaga nakakaakit siya."

Humagalpak siya ng tawa. Maluha-luha siyang tumingin sa 'kin. "Ewan ko sayo! Kung ayaw mo sa lalaki may e rereto ako sayong kapwa ko."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nako, Tino! Yung huling nireto mo sa 'kin hindi pa maka move on sa ex niya. Magtigil ka nga. Ang panget mo maging match maker, panira ng love life. Bye!"

"Hoy! Bastos! Grabe ka naman!" Asik niya.

Nakakainis ang gabing ito ah. Sinimulan kasi ng panget na dugyot na 'yon. Nag simulang tumugtog ang banda sabay naghihiyawan ang mga nag-iinuman malapit sa stage.

Marahan kong pinatong ang alak sa table 6. Nag-angat siya ng tingin sabay mag tama ang mga mata namin.

Ngumiti ako sa kanya. "Father... " Malumanay kong tawag sa kanya. Inabot ko ang kamay niya pero nahihiya siyang ngumiti at umiling.

Kinuyom ko na lang ang kamay at napakagat ng ibabang labi.

Bago lang si Father Jude dito sa bayan matapos mamatay ni Father Rafael sa sunog. Sa pagkakatanda ko, siya ang pinakabatang pari na nandito sa lugar namin.

Umupo ako sa tabi niya sabay paghinga niya ng malalim at umayos ng upo. Inayos niya ang itim na coat.

"Revie Cosima." Mahinang tugon niya.

"Hindi ko alam na pumupunta ka rito. Are you being unholy?" Kinuha ko ang isang sigarilyo sa kaha bago ini-on ang lighter ngunit hindi ito gumana.

"Here." Nilapit niya ang kanyang lighter sa bibig ko at sinindihan ang sigarilyo. Agad akong humigop at binuga sa mukha niya.

Napapikit si Father Jude habang umigting ang kanyang panga. "That's so nice of you, Evie." Mariin niyang sabi sabay tumatango.

Pinag-ekis ko ang binti at sumandal sa upuan. "It's Revie, Father. So tell me, anong ginagawa ng isang pari sa ganitong lugar?"

Napasulyap siya sa mga hita ko. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. "I'm human and not Saint, Evie." Tinuro niya ang stage. "That vocalist is my nephew."

Binuga ko ang usok at naningkit ang mga mata ko na tinitingan ang vocalist bago muling bumaling sa kanya, sumimsim siya ng alak.

Sandali akong napako sa pwesto nang makitang banayad na gumalaw ang kanyang lalagukan habang nakapulupot ang mapupula niyang labi sa bote.

I understand you, Eve. I surely do. Thanks for giving the forbidden apple to a man.

May pagkakahawig sila ng vocalist. Maliban sa blue eyes na mga mata ni Father na tila hawak ang dagat.

Sa pagkakaalam ko, bago lang din ang banda na ito. Hindi pamilyar sa 'kin ang mga mukha nila. Ewan ko ba kung saan sila nahanap ng management eh. But in fairness, magaling sila para maging amateur band.

Infernal Fate (COMPLETED) Where stories live. Discover now