Chapter 17: The Exorcist

137 24 0
                                    

Warning: SPG/ R18
Read at your own risk.

Chapter 17: The Exorcist

Dinilaan ko ang ibabang labi bago magsalita. Hindi ko ininda ang kaba na nararamdaman. "Matagal na ho, ma." Mahinang tugon ko.

Nag tungo ako sa kanya para humalik ngunit mabilis siyang nag-iwas, huminga na lang ako ng malalim at umatras.

"Ano ang nakuha mo sa pakikipag relasyon sa isang pari, Revie?"

Gusto kong sumagot ng sarap at sakit o masarap na masakit pero nakakabastos yun, pero yun naman kasi ang totoo. May mga bagay lang na hindi pwedeng sabihin.

"Ma." Mahinahong tawag ko sa kanya.

Hahawakan ko na sana ang kamay niya nang marahas niyang tinabig ito bago nag tungo sa kusina.

Bagsak ang balikat ko na sumunod sa kanya. "Mahal ko si Jude, ma."

Napasinghal siya bago mag salita. "Mahal? Talaga, Revie? Anong alam mo sa pagmamahal?" May diin ang bawat salita niya. "Layuan mo siya. Ngayon din."

Kumunot ang noo ko at umiling sa kanya. "No." Marahas siyang lumingon sa 'kin, hawak niya ang baso ng tubig. "No, ma. Hindi niyo ho ba ako naririnig? Mahal ko si Jude, si Father Jude na kung tawagin ng nakararami pero siya si Jude Lucifer Crassus na mahal na mahal ko."

Nanlilisik ang mga mata niya na tumitig sa 'kin. "Hindi kita pinalaki para makipagrelasyon sa isang alagad ng Diyos. Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Hindi ka ba nahihiya?"

Napaatras ako sabay umawang ang labi, halos nabibingi ako sa tanong niya.

"Bakit ako mandidiri, ma? Tao lang naman kami, nagmamahalan lang naman kami." Napahilot ako sa sintido. "Ano 'to? Bakit? Bakit ang lalim ng hugot mo, ma? San nag mula?" Napatikom siya ng bibig. Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya, sa mismong ina ko pa. "Wala na nga akong mga kaibigan na natira, alam mo buti pa sila naiintindihan nila ako. Buti pa yung mga nawala hindi nila ako hinusgahan." Bumibigat ang paghinga ko. "Pero sa lahat ng tao, ma. Ikaw lang nang husga sa 'kin."

Kumikirot ang dibdib ko na makita ang naluluha niyang mga mata. Humawak siya sa lababo at nasapo ang bibig. Hindi ko man lang namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Ang sakit ng dibdib ko, akala ko pa naman sa kanya ako makakakuha ng suporta sa panahon na ganito. Akala ko sa lahat ng tao siya ang makakaintindi sa 'kin.

Nakakapangliit ang sinabi niya, galing pa mismo sa taong nag luwal sa 'kin sa mundong ito.

Malalim akong napabuntong hininga at umiling sa kanya. "Magpapahinga na ho ako-"

"Revie." Nangatal ang boses niya na tinawag ako.

Marahas kong pinunasan ang basang pisngi bago lumingon sa kanya. Nag tama ang aming mga mata. Ito ang unang beses na nangyari sa 'min ang matinding pag tatalo. Kalmado ako sa harapan ni mama kasi alam ko ang kalagayan niya. Alam ko na mahina ang kanyang puso. Aminado akong matigas ang ulo ko pero hindi ko nagawang paiyakin si mama ng ganito.

"Ginahasa ako ng isang pari at ikaw ang naging bunga, Revie."

----

Muli akong nakaharap sa bintana ng kwarto habang pinaglalaruan ang baraha sa 'king daliri.

Binuga ko ang usok bago sumimsim ng alak. Kanina pa tumatawag si Jeremiah sa 'kin, marahil nagsisimula si Jude sa gagawin niya. Hindi ko man lang alam saan siya papunta at saan gaganapin ang ritual na sinasabi niya, baka sa simbahan o sementeryo?

"Ginahasa ako ng isang pari at ikaw ang naging bunga, Revie."

Nag e-echo sa 'king tenga ang sinabi ni mama.

Infernal Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon