Chapter 6: Stolen Kisses

136 29 0
                                    

Chapter 6: Stolen Kisses

Binagsak ko ang mga bagong laba na damit at napabuntong hininga. Kinuha ko ang hiniram na uniporme kay Eura at nilagay sa paper bag, bibili na lang ako ng bagong undergarments para sa kanya. Nakakahiya naman kung ibabalik ko pa yung nasuot ko na. Nalinis ko na rin ang kama at nilagyan ng bagong kurtina ang bintana. Bagay na bagay ang kulay rose gold sa kwarto ko.

Grabe, kahit Sunday napaka productive ko talaga parang hindi nasayang ang oras ko ngayong araw. Kung ako ang papipiliin, gusto ko nalang humilata o makipag sex kay Father Jude pero kumikirot pa rin talaga ang balakang ko.

Kailangan ko pa yata ulit ng kape bago pumunta sa simbahan. Hindi pwedeng hindi ako pumunta sa homily ni Father Jude.

Sa dalawang linggo ko na pagpapa-pansin sa kanya ay ngayon lang talaga may nangyari sa'min. Ang saya ng puso ko. Hindi ko man masabi sa kanya na gustong-gusto ko siya, hindi lang ang katawan niya. Kung hindi, siya mismo.

Sana malaman ko kahit isang rason lang kung bakit siya naging pari. Kung ano ang kwento niya bago niya maisipan na ialay sa Diyos ang buong buhay niya. Imposibleng alam ni Father Jude ang ganung mga bagay, ang sarap kaya kapag sinasagad niya. Alam kong hindi ako ang nakauna sa kanya. Napabuntong hininga ako sa naisip, nag sisimula na ang mga tanong ko. Hindi rin naman siya ang nakauna sa'kin pero ewan, hindi ko maiwasan na hindi magselos.

Wala sa huwisyong napatingin ako sa kama. Nag-iinit ako sa tuwing naiisip ko siya, tila naririnig ko pa yung malalim niyang ungol at mabigat niyang paghinga.

“Bad Revie.”

Napakagat ako ng ibabang labi nang maalala ang sinabi niya. Malala na yata ako, tulad ng sinapian ng kalaswaan.

Hindi ko alam kung dahil sa kape ba o nababaliw na ako kakaisip na araw-arawin si Father Jude.

Hinalughog ko na lang ang damit at naghanap ng sun dress. Hmm, mas bagay itong pula, tama. Sinarado ko ang pinto at nakita ang nakangiting repleksyon ko sa salamin. Agad akong napakurap ngunit hindi naman ako nakangiti.

Umupo ako sa harap ng salamin habang bumibigat ang pag hinga ko. Baka namamalikmata lang ako, dahil na rin sa pagod galing trabaho at sakit sa katawan, simula pa kahapon na pag angkin ni Father Jude sa'kin.

Tapos heto pa ako, nag laba at nag linis na ng buong bahay. Kailangan ko makuha ang tarot cards na pinadala ko kay Father Jude bago pa umuwi si mama. Lagot talaga ako sa kanya. Ayaw pa naman niyang pinapakialaman ang mga baraha.

Kasi naman eh, ikaw daw ba sabihan na demonyo ang dahilan kung bakit nakikita ng mga tarot readers ang mga manyayari.

Ayoko naman malagay sa ganung posisyon si mama. Mahal na mahal ko yun kahit puro sermon ang inaabot ko.

Winaksi ko na lang iyon sa isipan at nagtungo sa banyo. Makaligo na nga lang at konting laro. Namiss ko agad siya eh– biglang tumunog ang cellphone ko.

“Ugh!” Inabot ko ito at nakita ang pangalan ni Casper. Mabilis kong sinagot ang tawag at ini-on ang loud speaker. “Ano? Napatawag ka na? Tapos na kakantot mong hinayupak ka?”

Humalakhak siya bago napahinto. “Teka, ano? Paano mo nalaman?” Narinig ko ang pagkahulog sa kabilang linya.

Umirap ako sa hangin bago kinuskos ang balat, matagal pa mawala ang holy bites kaya sana hindi makita ito ni mama.

“Sinagot ng babae mo nuh.” Napasinghap siya sa kabilang linya. “Papunta ako sa simbahan, Casper. Naliligo ako. Maya ka na lang tumawag.”

“Hoy! Papunta rin ako sa simbahan. Mag kita na lang tayo sa labas!” Sigaw niya at mabilis na binaba ang tawag.

Infernal Fate (COMPLETED) Where stories live. Discover now