Epilogue

141 26 0
                                    

Epilogue

Kinuyom ko ang krus bago sumakay sa kalesa. Hindi ko inaasahan na ito ang unang tahas ko pagkatapos umalis sa exorcism team ni Father Vraco.

I was a Deacon before joining Father Vraco's exorcism team. This is my first time of having my own parish so I'm quite nervous.

Huminto ang kalesa sa harapan ng simbahan. Agad akong bumaba habang bitbit ang mga gamit. Ngumiti ako sa nag-aabang na Deacon bago inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Praise to be with Jesus Christ." Panimula ko.

"Now and Forever, Amen." Aniya. "Welcome to Santa Hellena, Father Jude. Nagagalak kaming dito ka itinalaga ng Bishop. Halika't ipapakilala kita sa kanila."

Papasok na sana ako ng simbahan nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng nag bibisikleta sa gilid ng kalsada. Nililipad ang kanyang mahabang itim na buhok, tila kumikislap ang maputi niyang kutis dahil sa sinag ng araw.

Hindi ko maipaliwanag nang makita ang napakaganda niyang ngiti, nakakalma at nakakagaan sa pakiramdam, tila nawala lahat ng pagod ko sa katawan.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang lumiko siya sa kanan. Napakurap ako at umiling, hindi yan ang pinunta ko rito.

Sumapit ang araw ng aking unang misa, huminga ako ng malalim at tumingin sa unahan. Sa dami ng tao na narito ngayon, halos mga kabataan at iilang may edad na, ay napako ang mga mata ko sa babaeng natatangi ang ganda.

Nakakunot ang noo niya habang nakahalupkip at tumingin sa deriksyon ko.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Huminga ako ng malalim bago mag simula. "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit."

"Amen."

Muli akong tumingin sa unahan sabay nag tama ang aming mga mata. Kinagat niya ang ibabang labi habang nakangiti. Halos mapigil ko ang pag hinga, batid kong nag-iinit ang tenga ko.

"The grace of our Lord Jesus Christ, and the love of God, and the communion of the Holy Spirit be with you all."

"And with your spirit."

Natapos ang misa na palagi akong sumusulyap sa kanya. Hindi ko mapigilan. Sa daming lugar na napuntahan ko at sa daming mapangakit na demonyo na nakasalamuha ko, sa kanya ko lang naramdaman ang ganito.

Hanggang sa pag tulog ay hindi siya mawala sa'king isipan. Wala akong nagawa kundi lumuhod at ipagdasal ang takbo ng utak sa malamig na gabing ito.

Kinabukasan, wala sa huwisyong nag tungo ako sa labas ng simbahan matapos ang mga paperworks na naiwan ng unang padre.

Hawak ko ang tasa ng honey tea habang nakatanaw sa labas ng kalsada. Kulay kahel na ang langit, pauwi na ang mga trabahante sa kani-kanilang bahay ngunit hindi siya. Hindi ang babaeng nag bibisikleta at maiksi ang suot na palda.

Hindi ko mapigilan na umigting ang panga nang sumipol ang ilang kalalakihan sa kanya. Nilagok ko na lang ang natitirang inumin bago tumalikod.

Muling sumapit ang umaga, kahit pagkatapos ng morning mass ay nasa labas pa rin siya ng simbahan habang hawak ang bulaklak.

"Father Jude, tuloy po ba ang pagbisita niyo sa shelter care? Tumawag po sila kanina."

Tumango ako sa secretary. "We'll go there together after the Liturgy." Bahagya kong tinuro ang babae sa labas. "I think she needs help. Do you mind?"

Umiling siya sa'kin at malalaki ang hakbang na nagtungo sa kanya. Sandali silang nag usap bago siya tumingin sa paligid. Agad akong tumalikod nang tumingin siya sa deriksyon ko.

Infernal Fate (COMPLETED) Where stories live. Discover now