Chapter 16: Truth Untold

122 24 0
                                    

Warning: SPG/R18
Read at your own risk.

Chapter 16: Truth Untold

“Ma. Alis na ho ako–” Napatikom ako ng bibig nang may bisita si mama. Umiiyak na naman ito bago kumuha ng baraha.

Dahan-dahan na lang akong lumabas ng bahay. Agad akong napangiti nang bumungad sa 'kin si Jeremiah habang nasa bibig niya ang lollipop. Gamit niya rin ang motor ng Tito Jude niya.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw. Ngumiti siya sa 'kin nang makalapit ako sa kanyang pwesto. Siya ang batang version ni Father Jude maliban sa kulay ng mga mata. Maingat niyang sinuot ang helmet sa akin bago ako inalalayan na umangkas.

Tinahak namin ang daan papunta sa hospital para tanggalin ang cast sa braso ko. Napadaan kami sa club nila Tino, sarado na ito ngayon parang kahapon lang na masigla ang lugar na ito at puno ng kasiyahan.. at syempre kalaswaan.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa hospital, hindi ko man lang namalayan na nandito na kami. Sumasabay si Jeremiah sa akin sa paglalakad at inabot ang lollipop, napasimangot ako sa kanya.

“Sisirain mo talaga ang ngipin ko ano?”

Natatawang tinago na lang niya ito sa bulsa. “I'm sorry, okay? I'm gonna meet up with the band later. He said he'll be back tonight.”

Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig, babalik na si Father Jude matapos niyang gampanan ang sinabi ng Bishop at pakiusap ng mga pari. Tuluyan na siyang hindi bumalik sa simbahan dito sa Santa Hellena.

Sa pagkakaalam ko ay laganap sa ibang syudad ang pag sapi ng demonyo, may iba ay nasa paaralan at sa mga parke tapos narinig ko pa sa balita noong nakaraang araw, may sinapian daw sa labas mismo ng simbahan sa lugar ng Santa Naamah.

Maingat kong ginalaw ang braso at napangiti. Finally, ang gaan na sa pakiramdam.

“Do you wanna go there?” Tanong ni Jeremiah sa 'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay bago magsalita. “Not without a beer–”

“And cigarettes.” Pag putol niya sa sasabihin ko.

Napailing na lang ako sa kanya. Nakahanap kami ng karamay ni Jeremiah sa isa't isa, minsan ay nakikita ko si Eura sa kanya.

Kulay kahel na ang langit nang bumaba kami sa labas ng sementeryo. Tinulungan niya akong bitbitin ang mga dalang bulaklak at alak. Una naming pinuntahan si Casper. Malalaki ang hakbang ko na nilagay ang puting tulips at alak sa puntod niya.

“Casper, boy, kamusta? Walang babae riyan, ano?” Natatawang panimula ko. Umihip ang malamig na hangin na nagpangiti sa 'kin. “Namimiss na kita, nagkita ba kayo ni Tino at Eura diyan? Siguro bina-backstab niyo na ako ah. Huhukayin ko talaga kayo.”

Binuksan ni Jeremiah ang can beer, nag sindi na rin kami ng kandila. “I think we could be the best buddies, I would invite him to join the band.”

Hinawi ko ang buhok sa mukha bago magsalita. “For sure, baka tataas din ang confidence niya dahil sayo–”

“You're so brave, Revie.” Aniya. Napatikom ako ng bibig. “If I would be in your shoes, I wouldn't take another heartbreak of losing someone I love.”

Napabuntong hininga ako. “Ang sabi ni mama sa 'kin, hindi ito ang tunay na buhay natin kundi kasunod ng kamatayan. Ang sabi rin ni Father Jude, parte ng buhay ang kamatayan. Kahit anong gawin na pagluluksa o pag iyak man, mangyayari ang dapat na mangyari.”

Binalot kami ng katahimikan matapos kong sabihin iyon. Hindi na muling nagpakita ang nilalang– demonyo na yun matapos ilibing sila Tino at Eura. Ngunit isa lang ang nasisiguro ko, handa akong harapin siya.

Infernal Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon