MGD 17 - The Runaway Brat

282K 7.2K 2.1K
                                    

Warning: Huwag n'yo ko mumurahin dahil sa chapter na ito. Pwede naman kaso dapat censored. Haha! Sorry! Huwag n'yong iplay ang kanta ng hindi ko pa sinasabi. Okay? 

*****

MGD 17 — The Runaway Brat

Bago ako matulog ay maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Like what if I see these letters few years ago? Will I be happy today? Right?

Kung nabasa ko lang siguro ito ng mas maaga ay siguro ay ayos na kami ngayon.

Wala namang babae na hindi lalambot ang puso kapag nakita mo ang effort na sulat kamay n'yang letters. Nasa loob ng tatlong taon ay hindi n'ya ako tinigilan na padalan ng sulat. Nasa loob ng tatlong taon ay pursigido s'ya sa hinihingi n'yang kapatawaran. Siguro, may plano rin si God why He let me to see these letters right now.

Siguro dati ay hindi pa ako ready para basahin ang mga 'yon. Kaya He plans na once na bukas na ang puso ko para magpatawad ay doon n'ya lang ibibigay ang signal na, you can read it now.

Buti pa ay itulog ko na lang ito. Pinilit kong matulog kahit maraming bagay ang gumugulo ssa akin.

I realized one thing, mahirap pala talaga matulog kapag may iniisip ka.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa pambihira at malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Feeling ko nga ay magigiba ito dahil sa lakas. Ugh, sino na naman bang hudas barabas ang mangbubulabog ng ganitong kaaga? HAH?! Tell me!

Inis akong tumayo mula sa masarap kong pagkakahiga. Nakabusangot ang mukha ko pero hindi pa rin nawawala ang pagbeberserk ko. Ugh, "Ano na naman bang kailangan mo Trist—Papa?! PAPA?!" nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa mukha ni Papa.

"Waah! Papa! Sorry sorry! Akala ko si Tristan ka!" niyakap ko s'ya ng mahigpit at ganun din ang ginawa n'ya, "Papa, bakit ngayon ka lang dumating? Namiss kita Pa.." puno ng tampo ang boses ko. Minsan lang naman ako maglambing kay Papa e. Isa pa, miss na miss ko na rin s'ya.

"Nako naman. Namiss talaga ako ng prinsesa ko oh?" tumawa si Papa habang ako naman ay mahinang tinapik ang dibdib n'ya.

"Sobra.." hinaplos naman ni Papa ang buhok ko sabay ginulo.

"Papa naman e.." tumawa lang s'ya gaya ng inaasahan ko. Pinapasok ko s'ya ng maluwag sa kwarto ko, umupo s'ya sa kama ko. Habang ako naman ay nagtungo sa banyo at kinuha ang tooth brush.

"Kamusta ng prinsesa ko? How's life? Kamusta kayo ni Tristan?" sunod sunod sa akin tanong ni Papa ngunit tinaas ko lang ang kamay ko para malaman n'ya na 'wait lang papa'. Nagtotooth brush kasi ako. Noong matapos na ako ay lumabas na ako ng cr at nagtungo sa kan'ya.

"Papa, ako ayos lang ako. Si Tristan, lagi akong sinusungitan." sumbong ko.

"Masungit ka rin kasi."

"Papa naman e!" biglang may bulb na lumitaw sa ulo ko at nagkatinginan kaming dalawa ni Papa, "Gisingin natin si Tristan papa!" at ayon nga napagplanuhan na naming gisingin ang demonyo sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon