MGD 32 - Send A Selfie

194K 5.3K 868
                                    

Dedicated to: Harem! My niece, lol. Special mention naks! Pinilit n'ya akong mag-update. Pasalamat kayo sa kanya hahaha!

*******

MGD 32 — Send A Selfie

'Yung ibang tao na ang galing galing magsalita pero wala naman talagang alam.

Oo, past is past. Nandun na tayo, pero sa punto ko. Mapapanatag ba ang loob mo kung 'yung boyfriend mo ay nakipagyugyugan sa ex n'ya and scratch that, wala sana akong pakialam sa sex life n'ya e. Ang pinupunto ko, bakit sa kinaiinisan ko pang babae. Ugh, that was so frustrating. Wala ka sa sitwasyon ko para bidahan mo ko.

So feeling nila? Ikakaganda nila 'yan?

Maiba tayo, nagpunta kami nila Luke at Iana kinabukasan sa isa naming kaibigan, sino pa ba? Edi si Liam.

I was so excited to see him. Ewan ko ba, alam kong nasaktan ko s'ya ng sobra pero siguro, talagang napamahal na talaga sa akin ang lalaking 'yun.

We brought foods na paborito naming kainin sa Paris, "Did you think na sobrang OA na ng dala natin? Pwede na tayong magtayo ng supermarket!" Iana cheered.

"Gawin mo na." pang-aasar ko. Si Luke naman ay tahimik na nagddrive papunta sa bahay ni Li. Although, magkapitbahay lang naman kaming dalawa ay nagpunta muna kami sa supermarket para bumili ng mga pagkain.

"So, I'll go straight?" Luke asked. Tumango naman ako at itinuro kung anong kulay ng gate nila.

We arrive at their house at exactly 9 o'clock in the morning. Pinagbuksan naman kami kaagad ng gate ng guard nila. Minsan na akong nadala ni Liam sa bahay nila. Duh, ang lapit lapit kaya ng house nila sa amin.

"Omg, I'm so excited to see him!" napa-iling na lang ako sa pagiging cheerful ni Iana. S'ya kasi madalas ang kakwentuhan ni Liam. I don't know, pero matagal din ang pinagsamahan nila.

"Easy babe.." Luke patted her girlfriend's shoulder.

"I can't be easy, I miss Russel so much." she answered.

"I'm starting to get jealous." Luke retorted. They exchange stares and Iana walked towards him and hugged him so tightly.

"Ew, so disgusting. Doon nga kayo, sa kalsada pa kayo naglandian." maanghang na sabi ko at tumawa lang silang dalawa.

"Tita!!" tawag ko kay Tita na kasalukuyang nagdidilig ng kanyang mga halaman.

Masyadong alagang alaga ang mga ornamental plants ni Tita. I walked towards her and I gave her a kiss, "Nandito pala kayo." she said as the two lovers walked towards us and gave Tita a kiss too.

"Since when did you come back?" Tita asked them.

"Yesterday. Alam n'yo Tita, ang daming pinagbago sa Pilipinas." Iana said as we glare at ger, "Lalong lumala ang traffic." she joked at tumawa naman kami.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon