MGD 29 - Pained

204K 6.5K 818
                                    

Sorry if my update was very late. I've been sick for two days. Gladly, I am fine now.

******

MGD 29 - Pained

He was staring at me and waiting for my answer. I couldn't expect that we would go this far.

Marry Me, Trish.

It's not a question to be answered but it is a command to be followed.

That eroplanong papel proposal is beyond mainstream. Buti naman ay naisipan n'yang gumawa ng gimmick kapag nagpopropose? Buti na lang at nasa mood ako ngayon at hinahanap s'ya ngayon ng sistema ko.

I smile hastily, "Yes, I'll marry you." I said as he danced in joy and excitement.

"Yes!!! I couldn't wait to change your surname with mine!" he yelled. Natawa na lang kasi ako sa reaksyon nya. Parang sya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Parang sya na ang pinakamaswerteng lalaki, dapat lang dahil magpapakasal ang isang dyosa sa kanya.

After a minute ay nandito na sya sa loob ng kwarto ko, he was kneeling in front of me, "Babylove, marry me." he said. Inirapan ko na lang sya dahil ayaw nya talagang magtanong. Talagang command ang pagkakasabi nya at pinanindigan nya talaga hah?

"Oo nga, ang kulit!" I know it was too fast. Pero masisisi mo ba ako kung ayaw ko ng pakawalan yung lalaking 'to? Nasure na ako na sya ang makakasama ko habang buhay? Masisisi mo ba ako kung tinanggap ko ang proposal ng ganitong kabilis?

"Oo nga, ano ba yan! Ulit ulit ka!" sita ko sa kanya. Ngumiti naman sya at niyakap ako ng mahigpit. Yung yakap na wala kang planong pakawalan ka pa. Yung yakap na hindi ka makakahinga sa sobrang higpit. Yung yakap sa piling ng taong mahal mo.

"Thank you, Trish. You didn't know happy I am. I know it is too fast pero hindi pa rin naman tayo magpapakasal kaagad. I just want to propose early para ikaw at ako na talaga. Ako lang ang pwedeng magpropose sa'yo at wala ng iba pa. Ako lang.." he enveloped me with his comforting arms.

"But it doesn't mean that we are engaged, right?" I asked.

"Parang ganun nga. Alam kong nabibilisan ka sa pangyayari but I am making an assurance na sana ako na lang. Na sana tayo pa rin hanggang sa huli. Na sana ikaw na ang babaeng makakasama ko habang buhay. Na sana ikaw na ang magiging nanay ng mga anak ko."

"Mahal kita Terrence. Pero parang ang bilis talaga ng mga pangyayari. Baka hindi pa tayong handang dalawa." ngayon lang pumasok sa isip ko yung mga what if's na 'to.

"Babylove, mahal kita. Ako rin ba ay mahal mo?"

"Oo naman. Kaso di ka na virgin. Nakakaloka.." pabiro kong sabi at namula naman s'ya.

"Ano ba 'yan freak.. Wag mo na nga isipin yun. Ikaw ang mahal ko, hindi naman libog ang pinapairal ko pagdating sa'yo-pagmamahal. Tsaka hindi naman ang ano ko ang tumitibok, ang puso ko 'yun, freak. Puso."

"Dami mong alam, Sy. Alam mo naiinis ako sa'yo pero ewan ko ba kung bakit kita mabilis napatawad. Naadik na rin ata ako katulad mo."

"Mahal mo kasi ako, freak." niyakap ko sya ng mahigpit and I can smell his manly scent. Hindi ako magsasawang amuyin ang lalaking kayakap ko ngayon.

"Bakit ambango mo?" I asked. He hugged me tighltly and kissed me on my forehead.

"Talagang nagpabango ako para ma-attract ka sa akin. At tsaka kailan ba ako naging mabaho? Wala ata akong natatandaan." natawa na lang ako sa isinagot n'ya, sana naman ay maging humble sya Lord.

"Edi ikaw na ang mabango." pahayag ko.

"Mabango ka rin naman, amoy baby.." naramdaman ko ang paghinga nya sa leeg ko. Halos tumayo ang mga balahibo ko ng dahil sa ginawa nya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon