Epilogue

187K 2.9K 253
                                    


They can't understand my decisions. Never nila akong maiintindihan dahil wala naman sila sa posisyon ko. Magaling lang sila sa salita. After all, everyone was blaming me. I couldn't afford seeing someone's suffering. My only fault is I was damn pre-occupied and my mind wasn't working properly that day. Thinking how stupid I am. I still remember what I did to ditch my wedding.

After the phone call, I rushed to the hospital. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao habang nagmamadali na pumunta sa lobby ng hospital. "May dinala ba dito na babae?" the girl wearing white attire glanced at me and stopped doing her stuffs. "I mean, she is in mid 40's. And she got into a car accident." I uttered, cracking a voice.

"Yes po." she said. Sobrang nanginginig ang laman ko. Walang tumatakbo sa isip ko kung hindi si Tita. Her cries haunt me. Never akong magiging masaya habang hindi ko naiiaayos ang lahat ng 'to. Mas masaya kung ikakasal ka tapos ayos na ang lahat.

The nurse told me that Tita was undergoing an operation. Napag-alaman ko rin na may pinirmahan s'ya papel na nagsasabi na in case na mamatay s'ya ay willing s'ya magdonate para sa anak n'ya. That's how selfless she was. The doctor also explained na mas malaki ang possibility na maging successful ang operation because may similiraties ang system ng dalawa.

"Nakita po namin ito sa bulsa ng pantalon n'ya." the nurse said. May isang sulat na nakapaloob sa isang tight sealed bag and most of it have blood stains. Tumango na lang ako habang naluluha. Naubos na ata ang luha ko simula kanina.

I went to Liam's room while her mother was undergoing the operation. I was about to knocked but I've realized one thing. Hindi muna dapat ako magpakita sa kanya. How can I convince him that he must undergo and operation kung sa suot ko pa lang ngayon ay maghihinala na s'ya. I know mas magagalit s'ya sa akin dahil ang sabi n'ya ay dapat maging masaya ako. Pero anong ginawa ko? Umalis ako sa mismong araw ng kasal ko. But I can't be happy. Questions were running in my mind, magiging masaya ba ako if ever na matuloy ang kasal? Sa palagay ko ay hindi. Aatakihin lang ako ng konsensya ko. Isang katangahan ang hindi pagsipot sa kasal ko. Pero mas malaking katangahan 'yung nandoon ka na sa harap ng altar at tumakbo ka bigla papalabas ng simbahan dahil binabagabag ka ng konsensya mo.

Hindi naman nila ako maiintindihan. Maraming tao ang magsasabi na isang katangahan ang ginawa ko. But if they were in my shoes, ano kaya ang gagawin nila? They are saying that I shouldn't do that. That I shouldn't do this. Dapat daw ay itinuloy ko ang kasal at sumunod na lang sa hospital pagkayari ng seremonya. My only fault is that I didn't inform him. Pinagmukha ko s'yang tanga sa mismong araw ng kasal namin habang ako naman ay nagmukhang masama.

Masakit mahusgahan ng tao. Mahirap mamili. I didn't choose Liam. I did this for Tita. Sino ba naman ang nariyan para sa akin noong panahon na nangangailangan ako ng tulong? Sila. Noong panahon na kailangan ko ng advice? Sila. Noong panahon na feeling ko mag-isa lang ako at tinalikuran ako ng mundo. Sila. After all that I've been through, si Tita Liza ang nagsilbing nanay para sa akin.

In other words, what will you choose your dying mother or your precious wedding?

Through our life, stupid decisions were made not just that because you are stupid. Minsan nakakagawa tayo ng mga tangang desisyon dahil kailangan natin. Minsan, mahilig lang tayong manghusga kahit hindi naman natin alam kung ano ang mismong rason nila para gawin iyon. Minsan feeling mo ikaw ang tama pero hindi pala. Minsan akala mo masaya ka pero may kulang pa rin. I will never be happy.

I changed into a casual dress that day before I decided to open the portal that led me to Liam. "Kamusta ka?" I was faking a smile. Pinilit kong ngumiti kahit nahihirapan. Tumingin naman s'ya sa akin at kumunot ang noo.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon