MGD 21 - The Bones

262K 6.2K 1.2K
                                    

Disclaimer: Ang tagal kong hindi nakapag-update, ang gwapo ko kasi. Hahahaha!

*****
MGD 21 — The Bones

Pagkapasok namin sa loob ng unit n'ya ay walang pinagbago. Ang linis pa rin at parang hindi lalaki ang may-ari. Malayong malayo sa kwarto ni Tristan na nagkalat ang mga coke-in-can at balat ng junk foods.

Umupo ako sa isang couch at ipinatong ang paa ko sa glass table sa harapan ko, at binuksan ko na rin ang plasma tv.

"Feel at home ah?" sabi sa akin ng kasama kong panget sabay naglagay ng isang mug ng hot chocolate sa harap ko. Kinuha ko naman ito at nagsimulang hipan.

"Masama ba?" tanong ko sa kan'ya habang tinaasaan s'ya ng magaganda kong kilay.

"Hindi. Girlfriend naman kita e. Kaya okay lang." nakuha n'ya pang itaas baba ang kilay n'ya as if magmumukha s'yang gwapo doon.

"Huwag mo ko daanin sa paganyan ganyan mo. I-charge mo naman yung phone ko. Tatawagan ko sila Papa." nakakainis naman kasi e! Bakit pa kasi umulan? Ayun, bumaha tuloy.

Hindi s'ya natinag sa sinabi ko at umupo sa tabi ko, sabay akbay sa maganda kong balikat. Siningkitan ko s'ya ng tingin sabay kurot sa tagiliran, "Aray naman! Para saan 'yon?" hinimas himas n'ya ang side n'ya na parang ang sakit sakit naman ng pagkakakurot ko. Ang OA lang!

"Para sa hindi mo pagsunod sa akin. Bilisan mo na, i-charge mo na 'to." pagpupumilit ko. Pero kinuha n'ya ang mug ko sabay hinipan. Mas nagulat ako noong doon s'ya uminom, "H—hoy! A—akin 'yan!" napatingin naman s'ya sa akin at nagsalubong ang kilay n'ya.

"Arte mo naman! Boyfriend mo naman ako ah?!" gigil na sabi n'ya, "At huwag mo akong utusan na i-charge ko 'yang bulok mong phone. Ikaw ang tumayo at humanap ng charger. Bakit ba ako?! At tsaka, nakausap ko na rin yung Papa at kapatid mo." ano daw?

"Anong sabi mo?!" hindi ko makapaniwalang tanong ko sa kan'ya.

"Bingi ka ba?! Sabi ko nakausap ko na sila! Tsk tsk tsk! Ang bingi naman! Tss!"

"Hoy Sy! Sumosobra ka na talaga ah! Bakit mo ako sinisigawan?!" ang sarap n'yang batuhin ng aparador!

"Hindi naman ah?" humina ang boses n'ya "Bakit naman kita sisigawan?" kinuha ko ang unan dito sa couch at buong lakas na binato ko sa kan'ya.

"Leche ka! Sinisigawan mo ako kanina! Tapos ngayon, nagmamalinis ka pa! Ang sarap mong sakalin, ginawa mo pa akong sinungaling ah!" yung mokong naman ay tatawa tawa dahil hindi s'ya natamaan.

Umupo ulit s'ya sa tabi ko at inakbayan pa ako, "Tinawagan ko kanina si Tristan at yung Papa mo. Okay naman daw, pero sobra talaga yung kapatid mo e. Parang ikaw, ang sungit."

"Paano ka nagkaroon ng number ni Papa?" ayun ang pinagtataka ko dahil hindi naman nagbibigay ng number si Papa sa mga hindi n'ya kakilala.

"Kasi ano ako si Blac— wala. Ano kasi.. diba nga? Magaling ako." tumawa s'ya, "Hahaha! Ang galing ko talaga 'no—aray naman!" angal n'ya noong binatukan ko s'ya.

"Nameet ko na yung Papa mo noong nasa Paris ka pa. Kilala n'ya ako.." nagwiggle ang mga peste n'yang kilay, "Kahit tanong mo pa."

"Oo na. Eh yung kay Tristan?" so kahit hindi ako gaanong na-convince sa sagot n'ya ay hayaan ko na lang. Ang mahalaga ay kilala na s'ya ni Papa.

"Sa Papa m—"

"ANO?!"

"Kay Papa mo nga. Finorward n'ya sa akin.." nakamot s'ya sa batok n'ya. "Oh bakit na naman?" talagang cool na cool pa s'ya habang binabanggit yung mga bagay na 'yun ah?

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon