010

27 3 0
                                    

| lee soojin's point of view


"soojin? bakit ka umiiyak?" gulat niyang sambit.

umupo siya sa harapan ko. kitang kita ko sa mga mata niya na nagaalala siya.

tangina naman taehyung oh! tinanong mo pa?

hindi ako nagbalak na sumagot sa tanong niya. nakatingin ako ng daretso sa mga mata niya. kitang kita ko ang lungkot at pag-aalala rito.

taehyung... huwag kang ganiyan... huwag mo na kong paasahin pa sa wala...

umiwas ako ng tingin. tumayo ako at sinuot ang bag ko. naglakad ako palayo roon.

ayoko siyang makita pero kahit anong gawin kong iwas, makikita at makikita ko pa rin siya. wala akong magagawa dahil nasa iisang eskwelahan lang kaming nag aaral.

narinig kong tinawag niya ko pero hindi ko siya liningon. muli nanamang tumulo ang mga luha ko. yumuko ako ng kaunti para hindi masyadong mahalata ng iilan habang naglalakad na umiiyak ako. hindi pa man ako masyadong nakakalayo ro'n pero may nabangga ako. hindi lang basta bangga na natumba lang ako tulad ng kanina. namali ako ng pagapak at natapilok tsaka natumba ako.

ang sakit...

sobra... yung paa ko...

shit...

"fuck! shit! soojin!"

inangat ko ang tingin ko. si seokjin na naman ang nabangga ko ulit. agad siyang umupo at tinignan ang mga paa kong namamaga. may mga iilang galos pa ko.

"damn..."

tumingin siya sa mukha ko. mukhang nagulat siya dahil nakita niyang namamaga ang mga mata ko dahil sa pag iyak ko kanina. mas lalo siyang nataranta. mukhang hindi niya alam ang gagawin niya.

"shit! soojin!" isang pamilyar na boses ngayon ang tumatakbo papalapit sa amin.

binuhat ako nito ng pa bridal style. tinignan ko kung sino ito. ang akala ko si seokjin. yun pala ay si taehyung. nakita ko na naman ang mga mata niyang mukhang nagaalala kaya hindi ko maiwasang maiyak ulit.

"shh.. dadalhin na kita sa clinic." sabi niya at nagsimula ng maglakad.

nakita kong na kasunod sa amin si seokjin. parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura niya. pero may kakaiba akong nakita sa mga mata niya. para bang nagseselos siya? o namamalik mata lang ako? namamalik mata lang siguro ako.

nung tumingin siya sa akin. agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. tinignan ko si taehyung na ngayon ay daretso lang ang tingin. pansin ko rin ang mga iilang estudyante na tumitingin sa amin at nag bubulungan.

napapapikit na lang ako dahil sa kahihiyang 'to.

-▪️-

"soojin... sorry..." seokjin said.

alam kong sincere siya sa pagsabi non. nginitian ko na lang siya ng tipid at tinanguan. pero hindi pa rin naaalis sa itsura niya ang lungkot.

napatawad ko na siya? bakit ganiyan pa yung itsura niya?

naalala ko na naman ang itsura niya kanina. hindi, namamalikmata lang ako. impossible 'yon.

"are you okay now? may masakit pa ba sayo?" taehyung asked.

oo.. meron.. yung puso ko...

"medyo masakit pa yung mga galos ko pati paa ko. medyo okay na." nginitian ko siya ng kaunti at tumingin sa kaniya pero iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya. hindi ko siya kayang tignan ng matagalan. hindi kaya ng puso ko. masyadong malakas yung tibok ng puso ko dahil malapit siya sa akin.

narinig ko ang pagkalabog ng pintuan ng clinic. lahat ng nagpapahinga rito ay napalingon sa pintuan. nakita naming pumasok ang limang lalaki at kasunod nila ang isang babae. mukhang may hinahanap rito sa loob. agad naman akong napasimangot ng makita ko kung sino ang mga ito. lumapit sa akin ang isa sa kanila na mukhang nagaalala nang makita ako.

"soojin? what happened?!" natataranta niyang tanong.

napatingin ito sa paa ko. agad itong tumingin sa akin ng makita niyang namamaga ang paa ko at mga iilang galos.

"nabalian ka ba? dadalhin na kita sa hospital." agad niyang kinuha ang cellphone niya tsaka may dinial na number do'n.

tatawag talaga siya sa ambulansya?

hindi ko mapigilang hindi mainis dahil sa kaOAyan nitong pinsan ko. agad kong kinuha ang mansanas na nasa gilid ng kama ko kung saan ako nakahiga tsaka ibinato sa kaniya.

"aray! shet! sino 'yon!?" tinaasan ko siya ng kilay.

"huwag kang OA hyung. naipitan lang ng ugat si soojin sa paa. hinilot na ng nurse kaya kailangan na lang niya ng pahinga. nagamot na rin yung mga galos niya." paliwanag ni taehyung.

"oo nga hyung. akala ko naman nabalian na ng buto yung pinsan mo. kapag nagkataon siguradong maraming makakamiss sa kaniya rito sa campus kapag nag absent 'yan para magpahinga HAHAHAHA." tsaka tumawa si pandak. siya lang ang tumatawa habang kaming lahat nakatingin lang sa kaniya.

may ibinato sa kaniyang mansanas. si namjoon ang nagbato at tinitignan siya ng seryoso.

"kuya papadala kita sa mental. para kang baliw." seryosong sabi ni minyeon.

"ang seseryoso niyo. nagpapagaan lang ng mood eh." kinamot ni pandak ang batok niya.

"magpapagaan ka na nga lang ng mood kung kailan badtrip ang lahat." naiiling na sabi ni yoongi.

"soojin, iuuwi na kita. sasama ka ba yeon?" tumango ako sa kaniya at tumingin kay minyeon. tumango siya.

"diba may klase ka pa?" nakakunot noong tanong ng kuya niya.

"wala naman kaming gagawin pa dun sa next class ko." tumango na lang si pandak.

dumapo ang tingin ko kay taehyung. agad akong nag iwas tingin dahil nakatingin siya sa akin. yung mukha niya, mukha pa ring nagaalala.

huwag mo naman akong paasahin...

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄; 김석진Место, где живут истории. Откройте их для себя