042

17 3 8
                                    

| lee soojin's point of view

umupo ako sa kama ko. ramdam ko ang bigat ng mga eyelids ko. gusto ko pang matulog.

hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa mga nangyari.

isa lang dapat ang gawin ko ngayon.

layuan sila para hindi sila masaktan.

kung pwede lang magtago at hindi nila ko matutunton ay gagawin ko na. kaso hindi pwede.

maligo at nagbihis ako. pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ko para kumain ng breakfast. naabutan ko do'n si namjoon na kumakain ng breakfast. napa-angat ang tingin nito nang maramdaman niya ang presensiya ko.

"good morning." nakangiti ko siyang binati.

umupo ako sa upuan. nasa harapan ko siya.

tahimik akong kumuha ng pagkain ko. pagkatapos kong makakuha ay nagsimula na akong kumain.

"akala ko ba gusto mo si taehyung..." sambit niya habang nakatingin sa akin.

agad akong nag-iwas tingin.

alam na niya ang nangyari kagabi. siguradong alam niyang tinanggihan ko parehas ang dalawa niyang kaibigan..

"can we just not talk about it please..." sambit ko at pinagpatuloy lang ang pagkain ko.

hindi na siya umimik pa hanggang natapos kaming magbreakfast.

-

dumaretso ako ng library dahil lunch time na. wala akong balak kumain ng lunch ngayon. dagdag mo pang ayoko silang makita.

pagkarating ko sa library. pumunta ako sa mga may fiction books section. gusto kong magbasa ng kahit ano ngayon. pagkatapos kong makita ang nagustuhan kong libro. pumunta ako sa isang bakanteng lamesa. umupo ako roon at nagsimula ng magbasa.

nakita kong umilaw ang phone ko na nakalagay sa table. someone messaged me.

ipinatong ang libro sa mesa at kinuha ang phone ko. binuksan ko ito.

may unread messages sa akin 'yung pito tsaka si minyeon. hindi ako nagpaalam sa kanila na nandito ako.

pinatay ko ang phone ko. kinuha ko uli ang libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa ro'n.

pagkatapos ng ilang minutong pagbabasa ay may nabasa akong isang sentence na nakakuha ng atensyon ko.

"love is scary..." mahinang sambit ko.

"yes.. it is. pero kumain ka muna ng lunch." napa-angat ang tingin ko sa nagsalita. umupo siya sa harap ko habang nakatingin pa rin sa akin.

na-iilang ako sa tingin niya kaya agad akong umiwas ng tingin.

napansin ko ang plastic na nasa lamesa. may laman itong pagkain. naramdaman kong may kung ano sa tiyan ko, senyales ito na nagugutom na ko.

"kumain ka na ng lunch. pinagdala na kita at alam kong gutom ka na." sambit ni seokjin habang nakangiti sa akin.

napakagat na lang ako ng labi. kahit nahihiya ako, kukunin ko na 'yung binigay niya. gutom na talaga ako..

"thank you..."

"sa canteen ka na lang kumain. sasamahan kita."

tumango ako sa kaniya. tumayo na ako at ibinalik ang librong binabasa ko sa pwesto nito kanina.

kinuha ko ang bag pati ang plastic na naglalaman ng pagkain. sabay kaming umalis papuntang canteen.

na-iilang ako sa presensya niya. binusted ko siya kagabi pero... parang wala lang sa kaniya 'yon.

"ate! ate!"

may lumapit sa aking ka-schoolmate ko na mas bata mas bata ng kaunti sa akin. ibinigay niya ang isang plastic na naglalaman ng pagkain.

"pinababigay po sayo..." aniya.

"kanino galing 'to?" takang tanong ko.

nagkibit balikat siya. nagpaalam na siyang umalis. nakatingin lang ako ng nagtataka sa kaniya habang naglalakad siya palayo.

muli akong napatingin sa plastic. may nakita akong note na nasa loob nito. kinuha ko ito at binasa.

━━━━━━━━━━━━

kainin mo 'yang ibinigay ko sayo ah?
hindi ka kumain ng lunch kanina :(

━━━━━━━━━━━━

napatingin ako sa katabi ko na nakatingin sa na note na hawak ko. wala siyang ekspresyon. umangat ang tingin niya sa akin.

"tara na..." yaya niya sa akin.

muli kaming naglakad papuntang canteen.

nang makarating kami ay agad kaming umupo sa bakanteng lamesa.

kinuha ko ang pagkain na binigay ni seokjin nasa loob ng plastic. binuksan ko ito at kinuha ang kutsara't tinidor na plastic. bago pa ko makasubo, napatingin ako sa taong nasa harapan ko na nakatingin lang sa akin.

"kumain ka na?" tanong ko sa kaniya.

umiling lang siya habang nakatingin sa akin.

iniabot ko sa kaniya ang isa pang plastic na naglalaman ng pagkain. nagtataka naman niya itong kinuha.

"anong gagawin ko dito?"

"kain ka na rin. sabayan mo kong maglunch." ngumiti ako ng bahagya sa kaniya.

napangiti siya sa akin.

"salamat."

inilabas niya ang food at nagsimula na rin siyang kumain.

-

| kim taehyung's point of view


i smiled bitterly while looking at them.

hindi ko mapigilang masaktan sa nakikita ko.

sobrang saya nilang nag-uusap. lalo na't kitang kita ko kung paano napapasaya ni Jin hyung si soojin.

"diba 'yun 'yong pinabigay mong pagkain para kay soojin?"

mahina akong tumango sa tanong ni jimin. hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"hays... liligawan at liligawan pa rin niyan si soojin kahit inayawan siya... ikaw? ba't hindi mo pa rin ituloy na ligawan siya kahit ayaw niya?" tanong sa akin ni hoseok hyung.

"nirerespeto ko 'yung desisyon ni soojin... wala akong magagawa kung ayaw niyang ligawan ko siya..."

agad akong tumalikod at naglakad palayo.

hindi ko na kaya pang makita 'yon.

parang mamamatay ako sa inggit at selos...

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄; 김석진Where stories live. Discover now