019

14 5 9
                                    

| kim seokjin's point of view



ganito pala kasakit kapag nagmahal ka noh?

ang sakit sakit, gusto ko na sanang kalimutan yung nararamdaman ko para sa kaniya pero may kung anong sa akin na pumipigil.

kaya ko kayang tiisin lahat ng ito kahit sobrang sakit?

sana...

siguro nga ganito talaga. kapag mahal mo ang isang tao, lahat lahat titiisin mo para sa kaniya. kahit gaano pa ito kasakit. kahit nagmumukha ka ng tanga sa kakaasa sa kaniya. wala eh, mahal mo eh.

muli kong tinignan yung mga comments nila sa pinost ni minyeon.

hindi ako makapaniwalang kaibigan ko pa mismo. hindi ako makapaniwalang parehong tao lang pala ang mamahalin namin. tinuring ko siyang parang kapatid simula pa lang nung una.

pero ang pinagtataka ko lang.

paano siya nagkagusto kay soojin?

muli kong inalala ang unang beses naming pagkikita. kung saan pinakilala sa amin siya ni namjoon.

10 months ago...

himala at nakapunta rin kami sa bahay nina namjoon. hindi na pala bahay ang tawag rito, kundi mansyon.

"gago namjoon! hindi na bahay tawag dito eh!" namamanghang sambit ni hoseok habang pinagmamasdan ang buong paligid.

"mas mayaman ka pa pala kay jin hyung!" sambit ni maknae.

"mga tanga, hindi niyo alam?" bored na sabi ni yoongi. napalingon kaming lahat sa kaniya.

siya lang naman ang hindi naaamaze sa amin rito eh.

"ano 'yon hyung? makatanga ka ah! galingan mo muna yung pagsasalita mo ng english!" sambit ni jungkook.

"gago, magtataka pa kayo kung bakit ganiyan kalaki 'yang bahay nila. malamang isa lang naman ang pamilya nila sa pinakamayaman dito sa south korea." naiiling na sambit ni yoongi.

halos malaglag ang panga naming lahat maliban lang sa kanilang dalawa. hindi kami makapaniwala na ganito sila kayaman. wala ni isang binabanggit tungkol rito si namjoon.

"hyung! bakit wala kang sinasabing ganito sa amin!?" tanong ni jimin.

"alang-alang ipagmayabang ko sa inyo na 'hoy mga ulol! pamilya ko yung isa sa pinakamayaman sa south korea.' tsaka hindi niyo naman tinanong." napakamot siya sa batok niya.

"gusto kong matulog. sarap ng tulog ko, nambubulabog kayo. namjoon, pasok na tayo tsaka dun muna ko sa guest room niyo." sambit ni yoongi.

naglakad na kami papasok sa loob. naabutan namin sa sala ang isang babaeng nakahiga sa sofa niya. nakapambahay lang siya. busy siya sa pagcecellphone kaya hindi niya kami napansing pumasok.

"soojin! umayos ka nga! may bisita tayo." sambit ni namjoon.

napatingin naman siya sa amin. parang hindi man siya nagulat na narito kami sa bahay nila. umupo na lang siya ng maayos at ibinalik ulit ang atensyon sa phone niya.

"joon, saan yung guest room dito?" tanong ni yoongi.

hindi talaga siya marunong mahiya. makikitulog pa dito. tsk!

"sa taas. tara, hatid na kita baka kung kani-kanino kang kwartong pumasok." umakyat sila papunta sa taas.

tahimik lang kaming nakatayo dito. ni isa sa amin hindi nag balak umupo sa sofa. hindi pa kami sanay sa bahay ni namjoon. ngayon lang niya talaga kami dinala rito.

"pandak! nandiyan ka pala! ba't hindi kita napansin?" nagpalipat lipat kami ng tingin kay jimin at dun sa tinatawag ni namjoon na soojin.

"diba rinegaluhan kita ng cherifer? bakit hindi mo iniinom? o iniinom mo pero hindi lang talaga umeepekto sayo?" tumatawang dagdag niya. pinipigilan kong tumawa ng malakas pati rin 'tong mga kasama ko.

"edi wow." naglakad si jimin palapit sa kaniya at umupo siya sa tabi nito.

nagkatinginan naman kaming apat. halata sa amin ang pagtataka.

"umupo na kayo. nahiya pa kayo." natatawang sabi ni jimin.

umupo kami sa mga sofa sa sala.

"nasaan si minyeon? bakit hindi mo sinama?" nakatingin pa rin siya sa phone niya habang sinasabi niya yung mga iyon.

"hindi ko na nasama, kala ko kasi kung saan lang yung gala namin." tumango na lang siya.

maya maya pa dumating na si namjoon.

"ito nga pala yung mga kaibigan ko soojin." nagsimula nang ipakilala ni namjoon ang bawat isa samin pero sinusulyapan niya lang kami. tsaka lang siya tumatango.

ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha niya..

hindi ko maipagkakaiilang sobrang ganda niya, parang napaka inosente ng mukha kung titignan mo ito. kaya hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. ang simple niya lang tignan pero sobrang ganda talaga niya...

sumulyap lang siya ng ipakilala ni namjoon si taehyung pero agad rin niyang ibinalik ang tingin rito. ngumiti si taehyung sa kaniya kaya nginitian niya rin ito. hindi niya ito ginawa sa amin. wala man lang siyang ginawa kaninang ipinapakilala kami ni namjoon sa kaniya kung hindi sulyapan lang.

pero bakit ganoon? parang ramdam ko na nadidismaya ako?

tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

nung una pa lang, halata na, na may gusto siya kay taehyung. hindi ko nga lang ito pinapansin dahil masyadong nakatuon ang atensyon ko sa nararamdaman ko para sa kaniya.

simula ng araw na iyon, hindi ko na maialis sa isip ko si soojin na pinsan pala ni namjoon. araw-araw ko siyang iniisip. araw-araw kong inaalala ang mga ngiti niya.

parati ko siyang nakikita at nakakasama pero na kina namjoon at jimin lang ang atensyon niya. ni hindi man lang niya kami kinakausap. kaya nagmumukha lang kaming hangin kapag kasama namin siya.

nasasaktan ako ngayon dahil inuna ko masyado ang pagiging torpe ko. kung kailan ako gumalaw, dun naman naging huli ang lahat.

kung sana bang inagahan ko, ako kaya yung mahal ni soojin ngayon?

kung sakali bang linigawan ko siya, malilimutan niya kaya ang nararamdaman niya para kay taehyung?

pero wala eh, kahit pa isipin ko kung gumawa pa ko dati pa. wala rin namang mangyayari dahil nangyari na eh...

nangyari na, naunahan ako...

pero kahit ganon, patuloy ko pa rin siyang mamahalin kahit masakit. kahit sobrang sakit na...

wala eh, tanga ako...

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄; 김석진Where stories live. Discover now