024

24 4 1
                                    

| lee soojin's point of view


isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari iyon. hindi ko alam kung ano bang nangyayari kay taehyung. naging kakaiba siya simula nung araw na linagnat ako.

parati niya akong yinayaya na sumabay sa kanila nina kuya. tapos parating siya yung nagbabayad ng pagkain ko. nung isang araw nga na babayaran ko sana siya. ayaw niyang tanggapin.

naglalakad ako papasok ng campus. biglang may humarang sa akin na isang schoolmate ko at binigyan ako ng isang...

teddy bear?

tumingin ako sa kaniya. lalaki siya. napakamot siya sa likod ng batok niya at nahihiyang tumingin sa akin.

"soojin, hindi galing sa akin 'yan. may nagpapabigay." tumango lang ako.

"thank you." nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

may nakita akong letter na nahulog mula sa teddy bear. pinulot ko at binasa yung nakasulat sa loob.

---*---

hi soojin! hope you'll like the teddy bear that i gave to you. umpisa pa lang 'yan. love you!❤️

-bentepesoslang

---*---

tangina, sino ito?

may pa 'love you' pa siyang nalalaman.

ang weird ng pen name niya. 'bente pesos lang'?

mas bet ko pa sana yung stuff toy kung si pikachu

-

"hala, may secret admirer ka bes. the who?" sambit ni minyeon.

na kwento ko kasi yung tungkol dun sa teddy na ibinigay sa akin. may pa mysterious pa si kuya. malalaman ko rin naman kung sino siya.

"lakas talaga ng pinsan mo joon. may secret admirer. hindi mo ba pipigilan yung secret admirer niya?" natatawang sabi ni hoseok.

"hindi, 'yaan mo. matanda na rin naman siya." napanganga ako sa sagot ni kuya.

for the first time! hindi siya nagagalit sa isang admirer ko.

tuwing may nagbabalak na manligaw kasi sa akin. agad niyang pagbabawalan. o kaya pagbabantaan niya 'to. super protective niya kasi sa akin. parang nakakatandang kapatid ko na siya. parehas kaming only child eh.

tumingin ako sa katabi ko. ang weird niya ngayon. kanina pa siya tahimik at sa pagkain lang nakatuon ang atensyon niya. para ngang pinipigilan niyang mapangiti eh.

"bes, baka matunaw." bulong ni minyeon sa akin.

ramdam kong uminit ang mag kabila pisngi ko kaya agad akong umiling at yumuko ng kaunti para hindi mahalata yung pamumula ng mukha ko.

-

| kim seokjin's point of view

ang hirap noh? makita mo sila ng harap harapan na masaya sila sa isa't isa. habang ako na nandito, nasasaktan.

napatingin ako kay yoongi na tinapik ako sa balikat. nginitian niya ko ng tipid. kitang-kita ko sa mga mata niya na nagaalala siya para sa akin.

'magiging okay rin ang lahat...'

nginitian ko siya ng tipid. nagpatuloy na ko sa kinakain ko.


𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄; 김석진Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon