017

20 4 15
                                    

| lee soojin's point of view



masakit na ang pakiramdam ko, pati ba naman yung puso ko masakit? para akong pinapatay sa sakit.

nakatulog ako agad nang dalhin ako ni kuya namjoon sa kama ko. nagising ako dahil sa isang malakas na 'OPPA'. akala ko si minyeon na nasa tabi ko pero iba yung boses eh, parang si-

"hindi ba si seungrin 'yon? yung nag comment dun sa pinost ni taehyung nung nakaraang araw." tumingin ako kay hoseok. baka nga si seungrin.

"baka nga. rinig na rinig naman natin sila mula rito na nag-a i love you sa isa't isa. siguro girlfriend niya 'yon?" sabi ni yoongi.

tangina, masakit...

"beshy... bakit hindi sinasabi ni seungrin sa atin na boyfriend niya pala si taehyung. nakakatampo na siya..." mahinang bulong sa akin ni minyeon.

"ewan ko nga eh... miss ko na rin yung babaeng 'yon... hindi nagpaparamdam.."

"ano 'yan?" tanong ni kuya namjoon nang makita niya kaming nagsisitsitan ni minyeon. tinignan lang namin siya at hindi sinagot.

"joon, pakuha ka ng maligamgam na tubig sa plastic wash basin tsaka bimpo." napatingin ako kay seokjin. hindi ko siya napapansin mula pa kanina dahil sobrang tahimik niya. ni hindi man siya nag balak na magsalita kanina.

"narinig niyo naman? noh?" tumango ang mga maids kay kuya. lumabas na sila para kunin yung pinapakuha ni seokjin.

"sungit mo yata ngayon hyung! nireregla ka ba ngayon?" tinignan ng masama ni kuya si jungkook.

"ang sosyal naman no'n hyung. pinaka 'plastic wash basin' mo pa. ano bang tagalog no'n?" tanong ni hoseok.

"palanggana." tipid na sagot ni seokjin. nagsitawanan naman yung iba.

"ba't 'di mo na lang sinabing palanggana? iba talaga pag RITS kid." naiilang na tumatawa si hoseok. hindi siya pinansin ni seokjin. lumapit siya sa akin.

"kamusta na pakiramdam mo? maaayos na ba?" tanong ni seokjin. umupo siya sa kabilang gilid ng kama ko. hinawakan niya ang noo at leeg ko. tinitignan kung mainit pa ba ako.

"mainit ka pa rin." mahinang sambit niya.

"ano bang temperature mo? diba nag thermometer ka kanina?" tanong niya.

"40.34°" sagot ko.

"puta, lalabas muna ako. baka mas lalo pang uminit si soojin dahil sa sobrang hot ko." tsaka lumabas si hoseok sa kwarto ko.

"ulol mo hyung! ako ang tunay na hot! sorry soojin, kailangan ko nang lumabas baka mas lalo ka pang uminit." kumindat pa si jungkook bago lumabas.

"mga bobo! ang fifeeling close niyo!" natatawang umiiling si yoongi habang lumalabas.

"jin, minyeon, pakibantayan muna si soojin. titignan ko muna yung mga 'yon. baka may anong kainin at kunin na lang sa ref yung mga 'yon." napatawa ako kaya ngumiti muna sa akin si kuya bago lumabas ng kwarto ko.

dumating na kanina ang doktor. sabi niya naipitan lang nga ako ng ugat tulad ng sinabi ng nurse kahapon sa clinic. dapat pinagpahinga ko muna 'to ng isang araw. hindi daw por que magaling na, pwede ko nang ilakad ng ilakad. naglakad kasi ako kagabi sa garden kaya siguro namaga lalo. linagnat ako dahil siguro nabigla yung katawan ko sa pamamaga ng paa ko. dahil rin sa lagay ng panahon ngayon. ilang beses kasi akong nagpapawis at agad pumapasok sa loob ng kwarto ko tsaka nagpapaaircon.

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄; 김석진Where stories live. Discover now