016

18 3 1
                                    

| kim taehyung's point of view

karating namin sa kwarto ni soojin ay agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa gilid niya. pinagmamasdan ko siyang mahimbing na natutulog.

"hyung? anong nangyari?" tumingin ako kay jin hyung na matalim ang tingin sa akin.

"kachat ko siya kanina. tinatanong ko kung kamusta na siya. bigla niyang sinabi na nasusuka siya. dun ko lang rin nalaman na nilalagnat siya." seryosong sambit niya.

tumango lang ako. inayos ko ang buhok ni soojin. hinawakan ko ang kamay niya. hinalikan ko ito.

"diba sabi ko sayo mapagaling ka? bakit parang mas lumala pa?..." mahina kong sambit.

"putangina..." mahinang mura ni hoseok hyung habang nakatingin sa kamay ni soojin na hawak ko.

"naknang teteng... mukhang may magiging mag karibal pa..." mahina ring sabi ni yoongi hyung.

lumapit si minyeon. umupo siya sa kabilang gilid ng kama ni soojin. hinimas nito ang buhok niya ng dahan dahan.

"bessy... pinagaalala mo ko..." mahinang sambit niya. mukhang naiiyak siya. lumapit naman si jungkook at niyakap siya mula sa likod.

"puta.. sa ibang lugar kayo maglandian oh.. nakikita niyo namang may taong may sakit rito." medyo naiinis na sambit ni yoongi hyung. kaya agad inalis ni jungkook ang pagkakayakap kay minyeon.

"inggit ka bebe yoongi ka? nandito naman me." yayakapin sana ni hoseok hyung si yoongi hyung pero tingnan naman siya ng masama kaya hindi na niya itinuloy at tumingin na lang ulit siya kay soojin.

naramdaman kong nagvavibrate ang phone ko mula sa bulsa ko. inalis ko muna ang pagkakahawak ko sa kamay ni soojin at pumunta sa may veranda niya sa kwarto niya.

kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko. tumatawag si seungrin. sinagot ko ang tawag.

"oh?"

"ganda ng pambungad mo ah! 'oh?'" ginaya niya pa kung paano ko ito sinabi.

"napatawag ka?"

"OPPPAAAA NAMAAAAN EEHHHH!" sigaw niya sa kabilang linya. linayo ko ng kaunti ang phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya. tinignan ko sina hyung sa loob. nakatingin sila sa akin. siguradong narinig nila.

"DI MO KO MIIIISSS?" sigaw nanaman niya.

"bakit ka ba napatawag? alam mo bang may ginagawa akong importante?" naiinis kong sambit sa kaniya.

"BTW MISS KITA OPPA. MALAPIT NA KONG UMUWI. WAIT FOR ME OPPA. YUN LANG SASABIHIN KO HEHEHE. LABYU. GAWIN MO NA YUNG GINAGAWA MO HEHEHEHE. SORRY SA ISTORBO! LABYU ULIT HEHEHE MWAPS!" malakas niyang pagkakasabi sa kabilang linya. kulang na lang mabingi ako.

"ok. love na love mo talaga ako noh? love you too." saka ko binaba ang tawag. bumalik na ko sa loob. nanlaki ang mga mata ng makitang nakatingin silang lahat sa akin pagkapasok ko sa kwarto ni soojin. pati soojin, mukhang nagising dahil sa sigaw ni seungrin.

"sino 'yon hyung?" tanong ni jungkook.

"ahh wala."

hindi pa kong handang sabihin sa kanila. kahit kailan hindi ko pa nababanggit ang tungkol kay seungrin. medyo natatakot ako dahil baka kapag ipinakilala ko sila kay seungrin, baka ligawan nila ito.

ngumiti ako kay soojin.

"may gusto ka bang kainin? soojin?" tanong ko sa kaniya. umiling lang siya.

"hindi pwedeng hindi ka kumain. gusto mo ng pasta?" tumango na lang siya. nakikita kong malungkot siya. pero bakit naman kaya?

"uy pati rin kami!" sambit ni jimin.

"oo. basta samahan mo ko."

"yun oh! nanlibre si kim taehyung for the first time!" masayang sabi ni hoseok hyung. ngumiti lang ako at inaya ko na si jimin. pababa na kami at nakasalubong namin si namjoon hyung na mukhang papunta na sa kwarto ni soojin.

"saan kayo pupunta?" tanong niya.

"bibili lang ng pagkain." sagot ni jimin.

"sabagay, hindi tayo natapos kumain kanina."

"yung doctor hyung?" tanong ko. nakita ko rin kanina yung namamagang paa ni soojin. nagaalala ako ng sobra sa kaniya.

"papunta na." tumango na lang kami at bumaba na. pagkalabas namin ay sumakay kami sa kotse ko. sinimulan ko na itong paandarin at umalis na kami. tahimik lang kaming nagbibiyahe hanggang sa magtanong si jimin.

"sino yung kausap mo kanina sa phone mo?"

"si seungrin."

"kim seungrin!?" gulat niyang tanong.

"oo. kilala mo?" kinakabahang tanong ko. baka kasi pinopormahan niya si seungrin. lagot ako kay papa kapag nalaman niyang may nanliligaw sa kaniya.

"diba yun yung nagcomment dun sa post mo na 'im also attracted to you'?" napabuntong hininga ako.

"oo. bakit?" huwag mong sabihing pinagkamalan niyong-

"girlfriend mo?" napatigil ko ng 'di oras ang sasakyan ko.

"tangina naman! bakit mo hininto yung sasakyan?!" naiinis niyang sambit. napukpok kasi siya sa bintana.

"puta jimin! hinding hindi ko papatulan yung kapatid ko! ano 'yon!? incest!?" nanlaki yung mga singkit niyang mata. sinimulan ko na ulit patakbuhin yung kotse.

"k-kapatid? may kapatid ka? pano 'yon? eh nagiisa ka lang namang anak nina tito at tita?" naguguluhan niyang tanong.

"half sister to be exact. anak siya sa labas ni papa. namatay na yung nanay niya pagkapanganak pa lang sa kaniya. sakto, gusto sanang magkaanak ulit ni mama ng babae pero hindi na siya pwedeng magbuntis ulit. yun yung sabi niya. kaya kahit anak sa labas si seungrin, kinupkop siya ni mama at pinalaki ng parang bang tunay niyang anak. buti na nga lang natanggap ni mama kahit anak lang siya sa labas ni papa." pagkukwento ko.

"ang bait ni tita! pero nasaan si seungrin ngayon? at hindi ka man lang nag balak ipakilala siya sa amin. nakakatampo!" nagpout pa. sarap pasuin ng katol yung labi niya.

"bwisit kaya kayo! alam kong po porma han niyo 'yon kapag nakita niyo siya. sa ganda ba naman ng kapatid ko. mana lang sa kuya niya."

"MAHANGIN PARE. HINDI MAN LANG NIYAN NAKABUKAS YUNG BINTANA MO NIYAN AH?" sarkastikong sambit niya.

"oo. nasa US siya ngayon. kaibigan niya nga si seulgi eh. magkasama sila ngayon sa US." ngumisi ako sa kaniya. hindi siya sumagot. tumingin na lang siya sa labas ng bintana.

"pero jimin. sana huwag mo munang sabihin sa kanila. baka ligawan nila. baka kase ma love at first sight sila sa kaniya. bawal pang may maligaw do'n. ako ang papagalitan kapag nalaman ni papa na may manliligaw siya. lalo na't kaibigan ko pa."

"sige. mapapagkatiwalaan mo ko." nginitian lang namin ang isa't isa. bumalik ang tingin ko sa daan. baka mamaya eh mabunggo pa kami.

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄; 김석진Where stories live. Discover now