•1•

574 31 36
                                    

Tamo itong mga babaeng ito. Pinag luto pa ako ng pagkain nila habang sila ayon nag kwekwentuhan. Talaga namang buhay prinsesa ah!

Inihanda ko ang mga ulam at nag lagay ng mga plato sa mesa.

"Si Jennie ang magiging ate since mas mauuna syang mag birthday. Ikaw ang Little sister, Jisoo."

(A/N: Mas matanda po si Jennie dito hihi yun lang, paka saya na kayo. Happeh.)

Ang daldal talaga ni moma. Susko, si Jisoo little sister? Mukha nga atang mas matured pa etong babaeng ito eh. Abugh!

Isa-isa kong nilagyan ng pagkain ang mga plato habang umiirap.

"Ito na pagkain mo, isubo mo, lasapin mo, pag nasarapan ka isubo mo ulit, tapos ipasok mo na." Painis kong bulong habang nilalagyan ang plato ni Jisoo.

Sinamaan naman nya ako ng tingin at ngumiti ako ng pilit.

"Hindi ka ba masaya na meron ka ng cute na kapatid, Jennie?"

Baka kailangan na talaga ni mother earth ng salamin. Si Jisoo cute?! Hindi. But i must admit, i find her hot.

Napalingon ako sa tabi ko para tignan kung cute ba talaga. Ngunit natakot ako, ang sama ng tingin ng hinayupak na ito. May hawak pang tinidor at kutsilyo.

Pwede nya naman akong kainin eh! Pero hindi sa ganyang paraan! Iba na yan eh!

"Napaka mahiyain talaga ni Jisoo ko. Awww."

Mama hindi talaga sya ganun! Mama naman eh, maging detective ka naman minsan! Napkin ko nga sa pinakasulok ng CR nakikita mo, ETO PA KAYANG MAY KAKAIBANG UGALING SI JISOO?!

Nainis ako kaya dinaan ko nalang iyon sa pagkain. Gaya ng sabi nila, Foodislayp. Binilisan ko ang pagkain at pinanggigilan yung baboy. Ang ganda kasi eh, ang ganda pagbuntungan ng galit.

"Jennie anak, kung may date ka pa mamaya hayaan mo na, dahan dahan lang sa pagkain." Payo ni mama.

Wala akong date! Single ako tsk. Bitter naren.

"Lumalaki na kasi ako!" Weirdong pag rarason ko.

Ang ganda nun diba, kapanipaniwala. Paniwalaan nyo na ako. Ang ganda ko.

Nag tuloy tuloy ang kwentuhan nila hanggang sa nag tanong si mama tungkol sa lolo ni Jisoo.

"Jisoo, diba nakatira ka kasama ang lolo mo sa bahay niya?"

Umiling naman si Jisoo, "Hindi po, nakatira ako sa bahay ni papa."

"Oh.. Pero panay ang alis at travel ni Seung-hyun diba?" Sambit ni mama.

"huh?" Nakikisabat lang ako.

"5 taon ko na'ng hindi nakikita ang tatay ko."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Kahit na lilibog libog sya malungkot din pala sya. Kaya pala tuwing titingin ako sa kanyang mata puro kalungkutan ang nakikita ko.

"Mahirap ang mabuhay mag isa ano?"

"Hindi naman po, sinusubaybayan parin naman ako ni lolo sa mga pangangailangan ko."

So tumitira sya mag isa sa buong 5 taon ng walang balita sa kanyang ama.

Napaka lonely nya pala.

....

Ang lamig ng tubig, ang sarap mag babad. Ang laki din ng bathtub, nakaka relax matapos ang mala impyernong araw ko.

"Argh, pagod na pagod talaga ako."

Nilubog ko ang sarili ko sa tubig at napaisip.

She acted perfectly normal sa harapan ni mama pero.. Noong hinalikan sya ni Sir, parang ok lang sakanya kahit na nalulungkot sya.

Step Sisters; (Jensoo)Where stories live. Discover now