•2•

464 24 19
                                    

Bakit imbis na matuwa ako kasi gala day namin ngayon, naiinis ako. BwiSETH kasi itong si mama, bukambibig si Jisoo.

"Jisoo, pagod ka na ba?"

"Okay lang po ako." Tugon ni Jisoo.

Diba? Mama imbis na sya tanungin mo, pwedeng ako muna ha? Kanina pa ako pagod eh. Puta kasi di ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa hinayupak na 'to, She stole my First Kiss.

"Wag ka nang mahihiya Jisoo ha, pamilya na tayo."

"Syempre gusto ko ding malaman ang mga paborito mo."

"Salamat po."

Puta sige kayo lang ha. Wala talaga ako dito, mag isa lang ako.

'Aish, masyado kong pinag iniistress ang sarili ko.'

Binilisan ko ang lakad ko habang nag iisip ng malalim, syepre may papikit pa ako nyan, para sa Legend lang yan.

"Uy, Jennie, tignan mo anak ang dinadaanan mo." Rinig kong sabi saakin ni mama.

"Huh?"

Napa 'huh' nalang ako at bigla akong natalisod sa may cemento at natumba sa tubig sa park, dahil wala akong nakapitan, si Jisoo kinapitan ko kaya ayun, kasama ko syang basa at nahulog.

Napasigaw naman si mama sa nangyari. Daig pa ako nito na mama oh, maka sigaw eh.

Minulat ko ang mata ko at nakitang nakapatong si Jisoo saakin.

Kung nakita kami dito ng ibang tao sa posisyon namin siguradong iba ang iisipin nun. Mga livouge narin yun pag ganun.

Namula ako ng konti at nauna ng tumayo. Umuwi na kami at nagplanong maligo dahil baka sipunin kami dahil basa kaming umuwi.

"Achoo!" Atsing ko sabay yakap sa sarili.

Puta ang lamig kaya.

"Maligo ka na Jen bilis, bago ka pa  magkasipon!" Sigaw ni Mama sa galing sa sala.

"Opo!" Tugon ko at nagsimula nang itaas ang damit pangtaas ko.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko ng may idagdag si Mama.

"Jisoo sumabay ka na kay Jennie!"

. . . . . .......!

TANGINA! BAKIT KAILANGAN SABAY PA KAMI?!

Ang lamig ng tubig, tapos andyan sya, nagtataasan na buhok ko. Isipin nyo na lahat ng buhok wag lang ung buhok sa ano ko.

Namumula pa ako, para tuloy akong niluluto na ewan dito. Kasi naman! Pumasok na sya! Walang damit! Alangan! Talagang kikilabutan ako nyan.

Tangna na kung tanga, puta kasi, bakit ba kailangan mag hubad pag maliligo?

Saglit, bat' ba ako atungal nang atungal dito eh parehas naman kaming babae? Tsaka bat' ko ba ginagawan ng malisya yun?

Nawala ako sa pakikipag talo ko sa sarili ko at napadako ang tingin sa babaeng malibog na feel na feel yung sariling katawan sa salamin.

Infairness, ang ganda nya pala. Ngayon ko kang napansin yung kagandahan nya.

Ang ganda ng buhok nya, maputi din sya, ang ganda ng balat nya. Siguro malambot iyon pag hinawakan ko.

HUH?!

Bigla naman akong namula dahil sa pinag iisip ko. Inilayo ko ang tingin sakanya at itinago ang namumulang mukha.

Ano bang pinag iiisip ko? Nahawa na talaga ako sa kalibugan nya naku!

Step Sisters; (Jensoo)Where stories live. Discover now