•5•

353 14 5
                                    

Nakarinig ako ng yapak na syang kinakaba ko.

"Ano bang kaguluhan ang nangyayari?! Hinaan nyo ang boses nyo — IHHHHHH!" Sermon ni lolo ngunit biglang naputol dahil nagulat ng masaksihan ang pangyayari sa harapan nya.

Kumabog ng sobrang bilis animoy lalabas na sa aking dibdib ang puso ko.

"I-I can explain." Nauutal kong wika ng makita ko ang pandidiri sa kanyang mukha.

Ngunit hindi na ito sumagot at tinignan ang aming posisyon.

Abugh! Kala mo naman ginusto ko to tanda. Ito kasing apo mo libog na libog. Bawat pangyayari kailangan talaga magtatapos sa mainit na posisyon.

"Hindi na ako magugulat pa sayo. Wala ka nang ibang ginawa kung di ang magpahiya simula ng tumapak ka sa pagmamay-ari ko." Istriktong sabi nito habang pinanliliitan ako ng mata, halos wala na ngang mata. Ang singkit kasi ni tanda.

At sapat na iyon para dagdagan ang apoy ng kaba ko. Mahihimatay ata ako pag narinig ko ang naiisip kong susunod na mga salitang lalabas sa bunganga niya.

Habaginoong maria, wag naman po.

Kasalanan talaga ito ng asong ulol na to eh. Bantugan tuloy akong mababaw o pokpok.

Putragis talaga.

Siguro nga't sapat na rason sa sakin na maganda siya, kung di dahil may black eye na siya galing sa akin sa simula pa lang.

Pinabugbug ko na sana to kay Berna. Patanggal ko pa dignidad neto kay boss Joaquin. Isali ko pa sa online rambulan.

Itinuon ko ang atensyon ko pabalik sa sitwasyon at nasilayang kong inayos pa muna ni Lolo ang salamin niya bago sumaad, "Masasabi ko na lang, sa pagkakataong ito ay tanggal ka na sa na paaralang pinapasukan mo!" Sumigaw niya sa akin.

Nanghina ang mga kalamnan ko at animoy bibigay na sa akin.

Chop chop ako sa nanay ko nito eh.

Jusko.

Ngunit nakaramdam ako ng biglang agos ng lakas at kaagad na tumayo upang kahit papaano ay paki-usapan sya.

"Ipapaayos ko na ang iyong mga papeles. Kailangan kitang umalis ngayon din!" Ma-utoridad nitong sabi pero hindi ako papatalo dun noh.

"Wait! Please, let me explain!" Hangal man ako ngunit hindi ako bobo. Mala Piolo Pascual ata ang 'Let me explain ko'.

"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko alis! Walang lugar ang mga malalandi sa paaralan ko!"

Deputa.

....

"Ang ganda dun oh! Ghad! So, saan na tayo ngayon bespar?" Masiglang tanong ng kaibigan kong si Rosé.

Pero napawi ang mga ngiti nito sa mukha ng mapansing wala ako sa tino.

Inatake ako ng livouge na KAFATID KO tapos na expelled ako kasi akala ng LOLO KO kuno ay nilalandi ko yung tigang nyang apo.

Ano pa nga ba ang papangit sa deputang araw ko? UGH.

Inikutan naman ako ni Rosé and biglang bumulong.

"Anong meron sayo gurl? Diba andito tayo para mag saya? Yun ang plano diba? Ano bang minamaktol-maktol mo dyan?"

Napatawa naman ako ng mahina at tumingin sa ibang direksyon.

"Ah hehe. Oo nga yun nga. Pero syempre di rin naman natin maiiwasan na ano kasi alam mo naman napakademunyu ng araw ko ngayon."

Nangulit sya sa akin kung ano ba daw kasi ang nangyari pero di ko pinansin at dumiretso na kami sa restaurant.

Napag desisyunan kong wala namang mamamatay kung ibabahagi ko sa kanya ang kumakating kwento sa dila ko. Nagawa kong sabihin ang lahat na siyang napatayo sa kanya ng biglaan.

"Ano?! So ikaw pala talaga ang apo nun ni tanda tapos mas pinili nya yung isa nyang apo kaysa sa iyo, AT! na expelled ka. Pasensya bes, wala akong alam na ganyan pala kagulo ang buhay mo."

Nakasubsob lang ang mukha ko sa mesa habang sya ay nakatayo parin.

"Sabihin mo nga, ano ba ang dapat kong gawin?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

Napaupo naman sya.

"Sinabi mo na ba sa nanay mo?" Mahinahon nyang tanong.

"Hindi pa nga eh." Sagot ko.

"So ano gagawin mo ngayon?" Takang tanong nya na hindi din alam ang maipapayo sa akin.

"Di ko nga rin alam eh. Ginagawa ko lang naman ang makakaya ko para maging isang mabuting nakatatandang kapatid sa kanya. Ginawa ko ang lahat para gumaan ang loob nya sa akin. Sabihin mo nga, nag kulang ba ako? Siguro nga. Kulang pa din. Am I really a terrible sister?" Pag dradrama ko.

"Gurl, wag mong sabihin yan. Ginawa mo naman ang makakaya mo para maging maayos ang relasyon niyo bilang magkapatid. Alam kong matutuwa ang kahit sino na malaman ang ginagawa ng kapatid nya para sa kanya tulad na lamang ng ginagawa mo." Pagpapagaan nya ng loob ko. Napabuntong hininga nalang ako at kahit papaano ay sinubukan kong pagaanin ang loob ko sa araw na ito.

Naturingang malaki ang boobez, napatunayang malaki din ang pang unawa ng bespar ko.

Maswerte talaga ako may krung krung akong kaibigan na tulad niya.

_________________
HI, EVERYTHING. It's jensooshipper from 2020! Nakalimutan ko palang I-publish to dati, depungal. So ayon na late ng isang taon yung huling kabanata😂 Lingid sa inyong kaalaman, matagal ko na talagang balak na itigil to. Este alam na pala ng lahat. So eto last chap, bebes. Aylabyuall mga kapatid. Happy ECQ, putragis. Salamat sa pag subaybay kahit talagang matinik tong hayup na to.
___________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Step Sisters; (Jensoo)Where stories live. Discover now