•3•

426 22 12
                                    

"Pasensya na sa ginawa ko kaninang umaga." Panghihingi ko ng patawad kay Jisoo habang kami ay nasa kwarto.

Niyaya ko kasi sya na mag usap kami. Syempre usap lang walang ano ano na kasama, kasi 'lam mo na, wild 'tong kasama ko.

"Kasalanan ko un..." Pagpapatuloy ko.

"Ayusin mo nalang 'yang pa nanamit mo kaysa sa humingi ka sa akin ng patawad. Mas matutuwa pa ako." Pambabara ni Jisoo habang nag tatanggal ng uniform.

Wag kayong mag isip ng iba dyan, puta nag bibihis lang sya kasi kakauwi lang namin galing sa paaralan.

Pero sayang, Gucci pa naman ito. Paborito ko kaya ito. Naman oh! Tapos di ko gagamitin?

"Basta.. Uhh.. Patawad na." Walang choice na sagot ko.

"Tsaka..." Nag isip muna ako bago ko sabihin ang nasaksihan ko kanina.

Pero kailangan. Para din sa kanya ito. Dapat nya itong malaman.

"Narinig ko na may kausap na ibang babae si Sir Taehyung kanina sa telepono.Wala nga syang pake sayo. Ginagamit ka lang nya para mapalapit sya kay Lolo. Alam kong ayaw mo itong marinig sa akin pero..."

"Hindi 'yon totoong pagmamahalan!" Malakas kong sabi mula sa likod nya.

At marahas nyang tinanggal ang neck tie nya sabay sabing, "Alam ko."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Wala man lang syang kareareaksyon sa narinig nya? Manhid ata itong malibog na ito.

"Ano naman?" Dagdag nya pa.

Wala man lang talaga syang sasabihin na matino?

"Anong ano naman? Syempre ako ang n-nakatatanda mong kapatid k-kaya..." Pakikipaglaban ko pero napatigil ako sa sariling kahihiyan.

"Ang babaeng tulad mo na hindi pa nararanasang humalik ay hindi dapat umaarteng naiintindihan ang lahat." Pang iinsulto nya at tinanggal ang kanyang palda.

Ako iniinsulto nitong batang malibog na ito. Porket malibog ka at nakahalik ka na ng maraming beses ay iinsultuhin mo na ang inosenteng tulad ko (Wow, inosente na ako?).

"A-ano? H-hoy ikaw! Wag kang umarte na parang hindi ka nasasaktan sa harapan ko!" Bulyaw ko at humarap sya. Buti nalang at nakapag palit na sya.

"Sinasabihan kita kasi nag aalala ako.." Pansesermon ko pero hindi nya ako pinansin at dinaanan lang ako.

"..para sayo." Pagpapatuloy ko.

Napatigil ako nung napasulyap ako ulit sa mga mata nya nung dinaanan nya lang ako. Ung mga malungkot na mata nya nanaman ang nakita ko na para bang punong-puno ito ng hinananakit at kalungkutan.

...

Pinatay ko na ang ilaw at humiga. Nakita ko namang mabilis nakatulog si Jisoo at hinayaan sya. Pero di parin talaga ako makatulog.

Maya-maya pa ay walang ipekto ang mga posisyon na ginagawa ko. Maliban sa 69 position syempre.

Ah, jeez! Bakit ba hindi ako mapakali sa emosyong ito?! Mukha na ako ditong tanga na hindi makatulog!

Pinakalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Napatingin naman ako sa direksyon ni Jisoo na mahimbing na natutulog. Buti pa sya oh, samantalang ako kulang nalang sapakin ko ung sarili ko para makatulog.

Pero ang cute nya parin kahit natutulog. May ibubuga din kasi itong babaeng ito kahit na malibog.

Nagulat naman ako ng gumalaw sya, pero tulog parin. Napa tingin ako sa mukha nya pababa sa labi nya. Para bang inaakit ako nito at lumapit ako sakanya.

Step Sisters; (Jensoo)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu