CHAPTER 5: RULE

27 1 0
                                    

Andito na kami ngayon sa isang Italian restaurant para magdate 'daw'.

"Oiy!" Pitik ko sa ilong niya. Ba't di ko pipitikin eh sa nakatitig lang sakin.

"Aray!! Tsk. Ano bang problema mo ha? Ang init init ng ulo mo alam mo?" Inis na sabi niya habang hinihimas ang matangos niyang ilong. Kita mo?siya pa to ngayon ang galit.

"Bakit pa kasi ako gusto mo makadate ha?" Nakakainis eh. Ako pa talaga ha. Eh sa dinami dami naman diyang mga babae. Yun nga lang. Mukhang paa ko. Charot.

"Ok. I'll make things clear ok? I want you to be my Part time girlfriend." Cool na sabi niya na nagpanganga naman sakin.

"What?P-part time girlfriend? Ano yan? May sweldo din? Wow!" Sarkastikong sabi ko. Lakas ng topak talaga. Kita niyo?

"Well. Sabihin nalang natin na makakakuha din tayo ng mga benefits. Matutulungan kita sa "misteryong past" mo na alamin kung ano ba talaga yun at sa part ko naman...magiging safe na ako laban sa ibang mga girls. You'll pretend to be my girl so that my flings would stop chasing after me. Tsk. Ang gwapo ko kasi eh. Kaya ayon. Habol ng habol sila."mayabang na sabi niya.

"Ay wow!!!! Ang galing. Eh bakit ako pa ha? Bat di ka nalang maghanap ng iba diyan?" Sabi ko pa dahil totoo naman. Ang dami daming babae ako pa. Gagawin niya lang akong parang panakip butas tsaka pansamantalang laruan niyan eh.

"Wala lang. Ayaw ko sa kanila. Thats it. At tsaka I already told them that you're my girlfriend kaya sure akong pupuryentahin ka nila. I know those bitches Alex" ngising sagot niya.

"What?gagawin mo lang complicated tong buhay ko eh. Letche ka naman eh." Wahhh.. Bakit ko pa kasi siya nakilala.

"Kaya nga. So you better accept my offer. I'll be a good boyfriend. Don't worry" halakhak niyang sabi. Letche. Ang gwapo niyang tumawa. Nubayan. Tsk.

"Arrrrggghh!!!Fine!!" Sabi ko nalang. I surreder. Wahhh. Mukhang hindi niya talaga ako titigilan eh.

"Great" ngisi pa niya.

"Great mo mukha mo." Irap ko naman niya na ikinatawa niya. Ang manly ng tawa niya. Tsk.

"Siya nga pala. That man you were talking about last night. That wasn't me ok?that was my twin bro. He's Shane Smith." Seryosong sabi niya.

"Twin?" Tanong ko pa. May kambal siya. Kaya pala noong niyakap niya ako wala siyang mga bandaga saka mga pasa.

"Yup. Pagnakita mo pa siya uli ay wag mo na siyang lalapitan pa. Ok? Thats one of my rule." Sabi niya kaya napataas ako ng kilay.

"Rule? What rule? Bakit may ganun pa ha?" Nalilitong tanong ko.

"Of course." Sabi niya kaya napairap nalang ako. Sobra pa siya yata sa babae eh.

"My first rule is that you should not tell anyone about our fake relationship,instead you're going to tell them that we are Real. Second is that there will be no other man in your life except me. Third,treat me as your real boyfriend."

Sabi niya habang tinititigan ako.
"Ang daya mo naman." Unfair. Di pwede?

"Well hindi din naman ako mambababae,kaya don't worry. Ayaw ko naman na magselos ang girlfriend ko eh. At tsaka kapag may lumabag dun may parusa. So better treat me right darling." Sabi niya habang nakangising aso. Eh sa aso ka naman talaga eh.

"Darling your face darling. Tse." Nagulat ako ng bigla nalang niya akong halikan sa pisngi. O_O

"Sabi ko sayo darling 'treat me better'ok?" Ngisi pa niya kaya binatukan ko na siya.

"Yan ang special treatment ko sayo darling. Hope you appreciate it. Sweet ko diba?" Sarkastikong sabi ko sa kanya kaya natawa siya.

*****

"Ano ba yan. San na ba tayo pupunta ha?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa kami palibot libot dito sa mall eh. Pagod na ako eh.

"Hali ka. Dun na muna tayo sa couples shop" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Teka. Ano naman gagawin natin diyan ha?" Sabi ko kaya pinitik niya tuloy ang noo ko. Tsk. Sakit ha.

"Slow hands mo darling. Edi bibili ng couple stuffs. Halika na." Ngising sabi pa niya kaya sumunod nalang ako. Naku naman.

****

Andito na kami ngayon sa loob na shop na toh. Di ko alam na ganito pala siya ka loko ano? Tsk.

"H-hello po shir. Ah eh ano pong bibilhin niyo po?" Pacute na sabi nung sales lady na mukhang palaka. Sakang. Hahahaha.

"Darling pili ka na" sabi niya sakin imbes na sagutin yung babae.

"Shir meron po kaming shirt dito. Bagay na bagay po to sa inyo kashe ang kisig kisig niyo po tapos tapos ang gwapo niyo pa." Malanding sabi niya. Nakakainis.

"Excuse me miss. Meron pala kayong toilet bowl dito?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"po?"maang tanong ng babae na tila ngayon lang ako napansin.

"Eh kasi yang mukha mo parang iniduro eh. Yun bang nasa public at hindi na nalilinisan ng ilang dekada. Ang kapal na din kasi ng lumot eh. Pakilinisan naman" sabi ko kaya lumukot ang mukha niya.

"gamitan mo narin ng muriatic para patay microbyo. Gets mo?" Sabi ko pa. Yan. Ang landi mo kasi.

"Darling stop it." Sabi ni Shawn at hinila na ako para mamili. Tsk.

"Ito nalang. Ok na to." Bored na sabi ko ng makita ang isang pares ng key chain na kulay pink na bunny.

"Ok. I'll buy these couple shirt too." Sabi niya at nagtungo na kami sa counter.

" hey darling!"lingon niya sakin at hinawakan na naman ang kamay ko.

"darling your face."irap ko nalang.

"Nagselos ka noh." Ngising sabi niya kaya napatawa ako ng mahina.

"Selos?kapal mo hoy." Sabi ko na ikinatawa niya. Baliw.

"Oh sige hindi ka na nagselos. Nga pala. Every wednesday to sunday lang tong pagkikita natin. I have some things to do  kapag monday and tuesday." Sabi niya. Walang kaso naman sakin yun eh. Day off.Mabuti nga sana kung once a week nalang para hindi na magiging mas kumplikado ang lahat.

"Ok. Uwi na tayo. Mukhang uulan eh." Sabi ko nalang. Hay. Sana naman magiging ok lang tong life na kasama tong ugok na to.

"Ok. Come on. " sabi niya sabay hatak na naman sakin palabas ng mall. GentleDog talaga. Kuh!!

*****
"See tomorrow darling" kindat pa niya. Makadarling ka diyan. Bugbugin kaya kita ha? Magmumukha ka na talagang aso nun ugok.

"See you darling." Matamlay na sabi ko. Sige. Sasakay nalang ako sa trip mo ugok. Langya ka.
Aakmang isasara ko na ang pinto ng bigla niya itong pigilan.

"Bakit? Ano na naman ha?" Tanong ko sa kanya.

"May nakalimutan ako darling ." sabi pa niya sabay halik sa pisngi ko. Luh!!!

" HINAYUPAK!!!"Sigaw ko at dali daling isinara ang pinto. Kuh!!! Putspa kinilig ako dun ah. Charot. Gwapo naman talaga siya. He's very popular in our school. Kaya nga maraming babae ang naghahabol sa kanya. Yung matangos niyang ilong, malalim na mga mata na may pagkagandang mga pilik mata, ang maninipis niya at mapupulang labi. Tsk. Ba't ko ba dinedescribe?tsk.

Hayyy... Sana lang matulungan niya din ako para malaman ko na kung ano ba talaga yung past ko. Tsk.

Im His Part Time GirlfriendWhere stories live. Discover now