CHAPTER 11: Victim

22 1 0
                                    

Nakarating na kami ng bahay at agad kong nakita si Daddy sa labas. May kausap itong mga tauhan at ang iba naman ay nakaabang sa kotse niya.

"Dad. What's happening?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko ng kotse ni Shawn at agad ko siyang niyakap.

"Ahh. You're here. By the way, aalis muna ako pabalik ng Maynila. May aasikasuhin lang ako. Sya nga pala, I'll leave you with Shawn here. Babantayan ka niya dito,ok?"

"What? " Gulat kong tanong sa kanya.

"Sige na aalis na ako baka malate pa ako sa flight ko. Bye darling. Shawn, please taka care of my daughter,ok?" Sabi ni daddy sabay tapik sa balikat ni Shawn. What? Aangal pa sana ako kaso nakapasok na si daddy sa kotse niya at agad na umalis.

"Come on. Let's go inside." Sabi ng kumag.

Tss. Pumasok na ako sa loob at agad nakita si lola na nagkakape habang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng dyaryo.

Agad akong lumapit sa kanya at nagmano.

"Oh naa na d.i mo? Asa na si Yohan?" Takang tanong niya.

"Mano po lola" nagmano naman si Shawn kay lola kaya nagtaka ito.

"Oh may kauban d.i ka? Kinsa mana siya?(oh may kasama ka pala. Sino siya?" Tanong ni Lola.

Bago pa ako nakasagot ay agad namang nagsalita si Shawn.

"Ako d.i si Shawn Lola. Ako ang uyab sa imong gwapa nga apo.(ako nga po pala si Shawn lola. Ako po ang boyfriend ng magandang apo niyo." Sabat ni Shawn kaya.

What? Marunong siyang magbisaya? Di ko alam yun ah.

"Marunong ka palang magbisaya?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Syempre naman. My Lola lives here in Negros too." Sabi niya kaya napanganga lang ako.

Wow. So ako lang pala tong di marunong magbisaya eh. Tss.

"Oh asa na d.i si Yohan?" Tanong ni lola.

"Ah. Nabilin pa didto la. Maong ni una nalang mi.(ah. Naiwan pa po doon la. Kaya nauna na po kami.)  Paliwanag niya na hindi ko man lang naiintindihan. Para akong timang dahil sa exspression ng mukha ko ngayon. Tss.

" ah. Oh sige. Pamahaw na mo dira oh. Nagluto ko og adobo. Hala sige. Pangaon na mo.(ah. Oh sige. Mag agahan na kayo diyan. Nagluto ako ng adobo. Hala sige. Kumain na kayo.) Sabi ni lola. Pero ako, kahit anong intindi ko sa kanya hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi niya.

"Sige po lola." Sabi ni Shawn at hinila na ako papuntang kitchen.

"Hoy!" Kalabit ko sa kanya habang naglalakad kami.

"What?" Tanong naman niya.

"Marunong ka palang magbisaya? Bat di mo sinabi? Para lang akong tangang nakikinig sa inyo."

"Hindi mo rin kasi tinanong. At hindi ko rin naman alam na taga Negros pala family mo." Sabi pa niya kaya napasimangot ako.

"Yaan mo tuturuan kitang magsalita ng bisaya." Lumingon siya sakin at ngumiti.

Ewan ko nalang talaga. Haayysstt.

*****

Kinahapunan nun ay andito lang ako sa may garden sa likod ng bahay. Nakaupo lang sa duyan na napapagitnaan ng dalawang puno ng manggang di pa masyadong malaki. Hapon na rin kaya di masyadong mainit. Nakakarelax rin ang hangin na tumatapyas sa balat ko at ang himig ng mga ibon na nakapatong sa mga kahoy dito.

Im His Part Time GirlfriendWhere stories live. Discover now