CHAPTER 9: Negros

18 1 0
                                    

" Ryan! Alex!" Bungad ni Lola Susan ko dito sa Negros. Kakarating lang namin galing maynila. May jetlag pa nga yata ako eh. Gusto ko ng magpahinga.

"Oh dali. Sulod namo diri og mangaon na ta kay basi og gigutom na mo. (Dali na. Pasok na kayo dito at kumain,baka nagugutom na kayo)"

Yakag pa ni Lola na hindi ko naman maintindihan. I was 5 years old ng lumuwas kami ng maynila at ngayon lang din kami nakabalik dito. Sa chat o di kaya ay video call lang namin nakikita si lola.

"Pa? Ano daw po ang sabi niya?" Kinalabit ko sa Dad kaya natawa nalang siya sa reaksyon ko.

"Pumasok na daw tayo. " sabi niya kaya sumunod na ako sa kanya.

Malaki ang mansyon dito sa Negros. . Dito daw talaga nakatira sina Daddy at mommy,pero lumipat lang dahilnsa negosyo.

"Oh kaon na Alex. Karong hapun kay kuyogan teka mo laag diri sa atua. Sige na, kaon na.(oh kain kana Alex. Mamayang hapon sasamahan kitang mamasyal dito sa atin. Sige na,kain na)"

Pagkatapos magkwentuhan ay umakyat na agad ako sa kwarto ko. Gusto ko munang matulog tsaka na ako mamamasyal.

*****

Hapon na ng magising ako dahil sa ingay sa baba. Bumangon ako at agad pumanhik pababa.

"Oh sige salamat Yohan ha. Balik ron sa hapon kay na abot akong apo. Ipaila-ila teka unya. Salamat kaayo ani ha(oh sige salamat Yohan ha. Balik ka mamayang hapon kase umuwi yung apo ko. Ipapakilala kita mamaya. Oh sige, maraming salamat talaga nito.)" Sabi ni Lola doon sa binata dahil doon sa mga manggang binigay niya. Tumingin si Lola sa direksyon ko kaya nagulat ako.

"Oh mata na d.i siya oh. Dali diri Alex. Ipaila-ila teka niya.(oh gising na pala siya. Halika dito Alex at ipapakilala kita sa kanya.)"

Tawag niya sa akin pero kahit hindi ko siya gaanong naiintindihan ay alam ko namang tinatawag niya ako. Agad naman akong bumaba at tumabi kay Lola Susan ko.

"Bakit po lola?" Tanong ko sa kanya at tiningnan ko yung lalaking nasa harap ko. Ang mahahaba niyang pilik mata at ang kanyang hazel brown eyes ay sadyang napaganda. Ang matangos niyang ilong at ang maninipis na mapupulang labi with matching perfect jawline. Ang makisig niyang pangangatawan na tila ba palagi siyang nagwowork out. At ang----

"Miss? Ok ra ka?"

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita sa harapan ko ngayon. Lumingon ako kay lola pero nagulat ako ng wala na siya roon at kami nalang dalawa.

"Tsk. Are you ok? " baritonong tanong niya sakin. Tsk. Nakatitig pala ako sa kanya.

"I-Im fine. Yes." Sagot ko sa kanya at pasimpleng pinunasan ang butil butil kong pawis sa noo. Sheee.

"Ako d.i si Yohan Adam Monte Alegre. Ikaw si?(ako nga pala si Yohan Adam Monte Alegre. Ikaw si?) Tanong at pakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay.

" ako nga pala si Alex Montereal."sabi ko sabay abot ng kamay niya.

"Nice to meet you. So you're from manila, right?" Tanong pa niya sa akin.

"Yes." Maikling sagot ko sa kanya.

He seems friendly, I think. Well, theres nothing wrong meeting new friends even if you have a boyfriend. Well, wait--- Omg. I have a boyfriend. I mean a fake boyfriend and i have'nt told him that im actually here in Negros.

I faced this handsome man in front of me and i hurriedly excused myself and went to my room.

My gosh. Why didn't i realize that earlier? Tch. I searched for my phone and immediately called him. Omg. This is like its having an emergency that i am actually on the rush right now..

Im His Part Time GirlfriendWhere stories live. Discover now