CHAPTER 6: TRUTH

25 2 0
                                    

"Momo" sabi ng batang lalaki sa kanya habang nakaupo sila sa damuhan. Lumingon naman ang babae at ngumiti.

"Sha?" Tanong ng babae sa kanya.

"May regalo ako sayo ok?" Sabi niya sabay kuha ng isang box sa bulsa niya.

"Igalo?" Tanong niya sabay kuha nun sa lalaki.

"Haha. Oo. Regalo ko yan sayo. Malapit na birthday mo Momo." Sabi niya tsaka binuksan ito.

"Wow wow!! Ganda igalo Sha Sha!!" Palakpak ng babae ng makita ang kulay lilang bracelet ng diamond roses. Agad naman itong kinuha ng lalaki at tsaka isinuot sa kamay ng batang babae.

"Yan. ISuot mo yan palagi para maalala mo ako ok?" Ngiti nito sa kanya. Agad namang tumango ang batang babae tsaka tinignan ang bigay niyang bracelet.

Napamulat ako ng mata ng makaramdam ng init. Brown out. Tsk. Agad kong hingilap ang cellphone ko para may ilaw ako.

Yung panaginip ko. Parang kagaya lang ito ng panaginip ko noon. Yung dalawang bata. Yung bracelet. Agad ko namang itinapat ang flashlight ko sa kamay ko. Ang bracelet na to.
Hindi kaya may kinalaman ito sa akin?? Pero sino yung lalaking iyon. Yung batang lalaki?hindi ko siya mamukhaan.

Naisipan ko nalang na matulog uli baka may mapanaginipan na naman ako.

****
"Hoy bangag" biglang sundot ni Lea sa braso ko kaya nabatukan ko siya.

"Aray ko!!" Sapo niya sa ulo niya.

"Nakakailang bangga kana ha!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Sorry na. Peace?" Pacute pa niya.

"Gaga" irap ko sa kanya.

"Bat ka ba matamlay ngayon ha?" Pang uusisa pa niya habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Masakit lang kasi ulo ko. Kagabi pa to eh.

" wala lang. Masakit lang ulo ko."sabi ko pa sabay masahe sa sentido ko.

"Huh?gusto mo punta tayo ng clinic?" Pag aalalang sabi pa niya. OA talaga nito.

"Wag na oiy. OA mo. Gutom lang siguro to. Tara na nga." Sabi ko sabay hablot ng kamay niya. Ng makadating kami dun ay agad kaming naghanap ng pwesto para upuan.

"So...ikaw pala yung sinasabi niya?" Napalingon kami sa nagsalita bigla sa likod namin. Isa lang namang malanding palaka.

"May problema?" Mataray na sabi ko sa kanya. Akala niya magpapatalo ako sa kanya ha. Pero swerte din siya at masakit ulo ko ngayon kundi...

"Oo. Problema ko lang naman ikaw. Kung paano ba kita mawawala sa buhay niya." Sabi pa niya.

"Sino ba yung tinutukoy mo ha?" Sabi ko dahil hindi ko talaga ma gets kung sino ba yung taong yun.

"Akala ko ba may ibubuga yung bago niya. Yun naman pala Gaga." Sabi niya kaya kumulo na agad ang dugo ko sa kanya. Nakakainis.

"Hoy ikaw babae ka. Ano bang problema mo sa kaibigan ko at binubwesit mo kami ha?" Sabat naman ni Lea kaya inawat ko na siya. Kilala ko din siya. May pagkamaldita din yan minsan.

" Sige. Dederechohin na kita. Alam kong ikaw ang bagong girlfriend ni Shawn. Di ba?"
Mataray na sabi niya. Nakita kong napatingin na samin ang iba pang mga studyante dito.

"Totoo ba?" Tanong naman ni Lea.

"O-oo." Tango ko nalang. Naalala ko rin kasi yung rule niya. Baka ano na namang parusa ipagawa sakin nun.

"May sasabihin lang naman ako sayo. Mabuti pang layuan mo na siya. Gets mo ba? Akin lang siya. AKIN LANG!!" Sigaw niya sa mukha ko tsaka sinampal. Ouch. Sakit nun ah.

Napayuko nalang ako dahil sa sakit ng pisngi ko. Putspa. Ang sakit pa naman ng ulo ko. Tsk.

"How dare you!" Bigla naman siyang sinampal ni Lea kaya nagulat ako.

"Lea" mahinang sabi ko dahil sa tingin ko ay babagsak na talaga ako. Ang sakit ng ulo ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na nagdilim na ang paningin ko.

*****

"Momo!!meron Momo!!Ahhhh!!" Sigaw ng batang babae habang nakapikit ang mga mata.

"Mama!!!meron Momo!!!" Patuloy na sigaw niya. Maya maya ay dumating na nga ang ina niyang nag aalala dahil sa pagsigaw niya.

"Ano ba ang nangyayari dito ha?" Gulat na tanong nito sa kanya.
Agad naman siya yumakap sa ina at walang tigil na umiiyak.

"Mama!! Meron Momo!" Sabay turo nito sa screen ng malaki nilang tv.

"Kael!! Kael!!" Tawag nito sa kapatid nito. "Ma?" Tanong nito ng makababa ito galing sa kwarto nito.

"Ano na naman tong pinapanood niyo ha?" Galit na tanong ng ina habang inaalo ang batang babae.

"Ma iniwan ko lang siya saglit para kunin tong phone ko." Sabi pa nito.

"Oh sige na. Patayin mo na yan at wag na wag ka ng nagpapapanood ng mga horror na yan." Sabi niya at kinarga na ang batang babae.

*****

Napamulat ako ng mata ng makaramdam ng uhaw. Medyo masakit pa rin ang ulo ko. Nasaan ako?

"Hey. How are you anak?ok na ba pakiramdam mo?" Tanong ni mama sa habang si papa naman ay nasa kabilang gilid ko.
Bakas ko rin ang pag aalala sa mga mukha nila.

"Ma? Bakit po ako nandito? Ano po bang nangyari??" Tanong ko sa kanila. Diba nasa clinic lang ako. Pero andito ako ngayon sa ospital.

"You're two days unconcious anak. Kaya sabi ng nurse niyo ay ilipat ka na namin dito baka may kung ano ng nangyari sayo." Sabi ni Papa.

"Ma. Pa. May napapanaginipan po ako. P-pero hindi ko po alam kung sino yung dalawang batang yun. Basta po may napapanaginipan po ako." Sabi ko sa kanila. Baka may alam sila kung sino yun.

Nagkatinginan sila saka ako niyakap.

"Ma may alam po ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Bumitaw naman sila ng nakangiti. Napalingon kami ng biglang bumukas ang pinto. Si kuya at si Doc na pogi lang naman.

"Doc. Kamusta na po ang anak namin. Ano po bang result ng test niyo?" Tanong ni mama kay Doc.

"Base po sa mga test ay ok naman po siya. Dapat lang po muna siyang magpahinga." Sabi ni doc.staka siya lumabas.

"Ma. Pa. May alam po ba kayo tungkol sa mga panaginip kong iyon?" Tanong ko sa kanila.

"Ma. I think you should tell her." Biglang sabi ni kuya habang nakaupo sa sofa. Tinignan ko siya tapos sila mama at papa.

"tell what?"litong tanong ko sa kanila. Ano ba talaga yung sasabihin nila?

"Anak bibili lanv kami ni papa mo ok?" Parang tarantang sabi nila at agad na sumibat. Tsk.

"Kuya?ano ba talaga ang dapat kong malaman?" Tanong ko sa kanya.

"The truth Alex. But i think its not the right time to tell you." Sabi pa niya at lumapit sakin tsaka ako hinalikan sa noo. Kahit super maldito nitong kuya Kael ko, luv na luv ko padin yan. Hayyy.. Siguro nga sa tamang panahon. Maybe for now I have to find it out myself.

Im His Part Time GirlfriendWhere stories live. Discover now